Sa [simula]..


"Intramuros- Dito nagsimula ang lahat. Dito ninyo binuo ang isang napakagandang samahan. Dito isinilang ang katauhan ni Japs. At dito mo isinabuhay ang gintong aral: magkaibigan kayo. Meron pa kayong kakaibang pangako: anuman ang mangyari, magkaibigan tayo. kahit me asawa at anak na tayo. walang magbabago. walang bibitaw. HINDI PEDE TAYO. Kasi pag tayo, pag naghiwalay, magkakagalit tayo. Naging maayos ang lahat..naging ok ang simula. Siya ang ang iyong ka-party para maglevel up sa panahon na addict ka sa khan at tantra. Naranasan ninyong matulog sa Luneta habang pinag-uusapan ang makukulay na pahina ng inyong buhay . Nagkaroon kayo ng monthsary ng pagkakaibigan. Alam niya na kumakain ka ng ice cream kapag hindi ka mapalagay. Alam niya kung kelan ka naiinis, natutuwa at nalulungkot. Siya ang sumusundo sa'yo minsan kung me topak ka sa buhay. Marami siyang alam.. maliban sa isa. Mahal mo siya....kasabay ng pagbabagong anyo ng Intramuros ay ang pag-usbong ng kakaibang damdaming ito. mahal mo siya dahil kagaya ng naisulat sa librong para kay B, naramdaman mo ang tatlong K: Kabog, Kilig at Kirot."
-Para kay J, Dan's Moron Me

0 Reaction(s) :: Sa [simula]..