Prep

Natulog lang maghapon, kelangan makabawi ng tulog in preparation for the trail run test ng Nature's Trail run sa Tanay, Rizal, maaga ang pick-up time kaya minabuti ko nang sa office na matulog para malapit lang. Grabeng hassle ng byahe ko sa amin at sobrang traffic sa San Mateo.

Hindi na ako nakahabol sa last trip ng MRT kaya napilitan nalang akong mag bus. Good thing ok naman ang byahe at nakarating rin ako sa office. Usually hindi talaga ako nakakatulog sa breakroom pero himala at naramdaman ko nalang na naka-idlip na pala ako.

Hindi ganun karami ang natutulog dahil nga Saturday night kasi, sarap ng tulog at hindi ko ulit namalayan na 2.30am na pala, marahil bumawi ulit yung katawan ko para fully energize for the trail run.

0 Reaction(s) :: Prep