Final Prep

Nagpunta sa General Santos fishport area pero hindi rin kami nakapasok at kelangan pala naka pants at may boots dahil protocol daw iyon. Hindi na rin kami pumunta sa Sarangani highlands at baka mahal ang rate dun at magahol kami sa oras.

Sinamahan ko nalang si Marvin sa pagasikaso sa iba pang requirements niya sa work at nagpunta kami sa Robinsons Place GenSan para tingnan ang Rdex shop, pero nalipat na pala sila kaya naman sa SM GenSan na kami dumalaw at bumili ng tuna products.

Got a chance to na makipag usap for the last time sa father ni Marvin about life and other topics na naisipan namin pagusapan habang kumakain ng inihaw na isda at halabos na hipon na samahan pa ng mangga at durian.

Kakalungkot at bitin ang bakasyon ko dito sa South Cotabato, kung pwede lang na ma extend pa pero hindi na pwede at one week lang ang leave ko. Maraming happy memories mula sa visit na ito and will be treasure forever. :)

many Thanks to Galaez family for adopting me for a week, thank you for your warm hospitality, hope to see you soon again probably this summer :)

4 Reaction(s) :: Final Prep

  1. hahaha... ikaw ang bumuhay sa bahay je...

  2. at bakit naman?

  3. xmpre... after many months may ibang tao kaming nakasama sa bahay... hehehe... a change kumbaga...

  4. haha, ah ok!