Isa, Dalawa, Tatlo



Isa, matagal na kitang gusto dati pa pero wala akong lakas na sabihin sa iyo, ewan ko nga ba kung bakit. Hanggang sa nararamdaman kong unti-unti kanang lumalayo sa akin. Nakakalungkot pero kelangan kong yakapin ang pagbabago na ito. Hindi ko alam magkakaroon paba ako ng pagkakataon na makita ka muli.

Dalawa, pareho lang tayo tanga, dahil una hindi ako nagpaanyaya dati sa alok mo kaya siguro hindi ka na nagpursige na gumawa ng hakbang, sunod naman wagas ang katangahan mo sa mga nakakarelasyon mo. Sayang ka pa naman, gusto naman natin ang isa't isa pero mas minabuti mong maging magkaibigan nalang tayo.

Tatlo, gusto kita, gusto mo ako pero iba ang ating pananaw sa salitang relasyon. Sayang nga lang at kung nagkatugma lang tayo ng nasasaloob. Tingin ko, masaya tayo pareho ngayon. Ganun talaga ang buhay. Hindi palagi nasa kamay mo ang parehong mundo.

2 Reaction(s) :: Isa, Dalawa, Tatlo

  1. emo boss?

  2. haha, nde naman, may mga panahon talaga na naiisip mga ganitong mga bagay bagay..