Kwento sa Tali


     Tali Beach, Nasugbu Batangas - forgot the name of the owner pero twice na rin ako nakapunta rito at parehong team building rin namin. Sobrang luma na nang bahay at makikita sa mga kagamitan nito na halos sira o kalawang na rin. Nakaramdam lang ako ng pananayo ng balahibo sa 2 cr doon, ang una eh yung sa labas kung saan 2 ang parte niya para sa shower at para sa toilet naman, pakiramdam ko merong nanonood sa mga kilos ko, ganon rin ang pakiramdam ko sa cr ng mga boys lalo na malaki ang salamin. 

     Hindi ko talaga ginawang sumilip dito at nagkunwari ako na wala talaga siya roon. Hindi ko rin alam kung ilusyon lang siya o nilalaro lang ako ng aking mga mata nung oras na walang kuryente ng isang oras sa bahay, parang me naaninag akong puting bagay na nakaupo sa may dulong sofa pero hindi ko na inusisa at tuloy lang kami sa kwentuhan ng aking officemate. Generally wala naman nagpakita talaga at  malamang eh tinatakot ko lang ang sarili ko kaya kung anu-ano nalang ang nabubuo sa aking imahinasyon.

0 Reaction(s) :: Kwento sa Tali