Jog Notes 0127

Woke up at 2am, Internet nang kaunti then prep na by 4am, going solo this time since busy ang ibang kasabayan ko sa pagtakbo. As usual nagisip na naman ako ng ibang route, dami na kasi sa conventional na UP Diliman and QC Circle. Kaya naman napagpasyahan ko na tahamik ang reverse niya. Commonwealth-Regalado via Regalado Avenue. Warm-up at Donya Carmen then start na, me struggle nang kaunti dahil pataas ang kalsada to Fairview. Nalungkot lang ako sa Regalado avenue kasi compared sa Congressional avenue na boom na ngaun, wala paring nagbago sa road na ito. Parang kabute lang ang mga business then nawawala din agad. Nag right turn ako at Lagro area, pero nag U-turn na rin ako nung bandang pagliko na at baka abutan na ako ng init ng araw pag dumiretso pa ako. Bumalik ako to Sm Fairview, then back at Commonwealth avenue, medyo hingal na rin and pagod na ang paa, kaya naglakad narin along SSS Village then brisk walking mode nalang sprint to the last leg at Puregold Commonwealth then finally back sa starting area ko after almost 15 km run and jog. Me nakita akong potential na jogging area malapit sa SM Fairview and nakita ko ibang joggers sa area na iyon, masubukan next time or possible sana makapag jog papuntang San Jose del Monte, nasa to-do list na siya pag wala akong trek schedule.

0 Reaction(s) :: Jog Notes 0127