Mt. Sembrano adventure

Easter Sunday trek, napagpasyahan ng walo na pumunta sa bundok Sembrano sa Pililia, Rizal. Nagkita-kita sa Starmall Shaw sina Ako, Ian, Mark, Shanwar, Arthur, Vien, Jane at Kristel at sumakay ng van ulit papuntang Tanay Public Market. Buti nalang at hindi ako huli masyado kahit medyo naabala along the way. Then sumakay ulit ng jeep to Barangay Malaya kung san dun ang jump off point. Register at nagbayad ng fee then ready na kami sa adventure kahit alam namin na mainit ang susungulin namin na bundok dahil nga kalbo at grassland pa siya sa taas.

Nauna na ang mga Pogi

sa simula mahirap na agad, puro batuhan,  nagamit nang husto si Cham4 ko, medyo madulas ang daan at kakatapos lang ng ulan kahapon

after a couple of hours na kwentuhan, seryosong akyat, muntik nang malito sa daan narating rin ang low peak at ayun pa sa dulo ang summit na kelangan akyatin ngaung kainitan ng panahon

kahit sa initan ng nagbabagang araw, masaya parin at masarap ang pakiramdam na naakyat mo at na challenge ang sarili mo na kaya mo pala at kasama mo pa ang mga kaibigan mo

maraming salamat po ulit sa mga sumama sa akin sa pagakyat sa bundok Sembrano, hanggang sa uulitin

0 Reaction(s) :: Mt. Sembrano adventure