Sitio Malabnig, Mt. Banoi 1st attempt

6am na kami nakaalis at sumakay sa Jam Liner sa Buendia. Medyo mataas na ang sikat ng araw, ilang oras na nagamit namin hanggang sa makarating kami sa bayan ng Lobo, grabe ang layo pala ng byahe dito at kelangan maaga ang dating mo. Inantay namin si Rex at nakarating siya bandang tanghali. Nag decide na kami kung diretso paba o punta nalang sa resort dito sa Lobo dahil medyo alanganin. Sinubukan nalang namin kung kakayanin ba namin at nagpatuloy nasa pag-akyat.

dahil sa mainit na nang umakyat kami, madalas eh panay ang take 5 namin para magpahinga, grabe dito daming mga itim na langgam kaya walang tigil ako sa pagkamot sa paa ko sa pagkagat nila, mabuti na eto kesa sa limatik

hiyang-hiya naman kami kay Lola, naunahan pa kami at hindi pagod talaga, nag decide na kami na pumunta nalang sa Sitio Malabnig at doon nalang magpalipas ng ilang oras bago bumaba, nakatagpo ng ilang hikers na pababa na at malakas daw ang ulan kagabi, kaunting picture at pahinga, babawi nalang kami at aagahan ang pagalis, sayang at hindi namin naabot ang summit, dami pa namang next time pero enjoy parin kami sa hike na ito

Maraming Salamat ulit Elite Team sa ating hiking adventure, hopefully next month makabalik tayo sa Banoi!

0 Reaction(s) :: Sitio Malabnig, Mt. Banoi 1st attempt