Natapos rin!

0 Reaction(s)
Kumusta ulit. Naku hindi na ako mag iisip ng negative kagaya ng sinasabi ni Ms. Lala sa mga comments kasi nagkakatotoo.. nailabas ko na naman ang mga hinaing ko dun sa HR.. kanina kasi tinawag ang ilan sa amin at isa ako sa mga iyon.. nagtanong siya kung anu-ano ang mga suggestions, comments or reactions sa management, policy, staff. Kaya ayun sinabi ko naman sa kanya ang totoo at sinusulat na lang niya sa paper. Sana eh kahit papano eh maaksyunan talaga nang maaga ang mga yan. Isang account na lang ang nilalaro ko ngayon kasi natapos na namin (ka shift kong PM at GY) ang 2 account (within 19 days lang out of 28 days na palugit). Natutuwa lang ako kasi lahat ng effort na ginawa namin eh nagbunga mula sa palagiang pagpunta sa auction house para magbenta at bumili ng malakas na gamit, pagbili ng mount para bumilis ang travel. Medyo gamay ko na rin ang mga quest at sa ngayon eh pinupuntahan ko mga area na hindi ko pa na explore para next time eh mabilis nang mag grind at quest. Sige iyon na lang muna. Lagi na lang delay ang sweldo amp! sa susunod na lang na update. Siyanga pala.. kakagulat yung sa Rated K.. hindi ko alam yun ah.. bawal pala refill ng tubig ang mga nagamit nang mga plastic bottles kasi may lead.. eh matagal na naming ginagawa iyon. Pati yung hotdog.. bakit hindi ko naisip iyon.. na puno ng preservatives at bawal ang madalas na pagkain.. at iba pang processed food. Marami pa talaga tayong dapat malaman..

Hirap Gumising

2 Reaction(s)
Isang nakakapagod na Linggo na naman at pahirapan sa paggising ang nangyari sa akin. Sensya na sa isang post, hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari ayaw lumabas ng laman. Mamaya buburahin ko yan. Hehe. Marami na rin palang nagsialisan dun sa former employer ko. Career move rin malamang. Well wala naman sa kanila iyon.. kaya naman nilang palitan agad agad. Wala na talaga akong social life ngayon. Ang ruta ko lang eh Bahay - Opisina - Bahay. Paguwi pag may time ayun Internet sa shop, na nakakaasar minsan pag mabagal ang connection or sira sira ang keyboard amp! Yung sa paggising ko naman. Isa pa yan.. kahit mag alarm pa ako ng 3am sa cell ko at follow up pa ng 4am eh nakakatulog pa rin ako. Kaya minsan sa loob ng 15 mins eh kelangan nakabihis at ligo na ako para umalis. Nakakapagod na minsan magtrabaho, gusto ko yumaman na lang at problemahin kung paano gagastusin ang pera. Hay buhay nga naman.. bakit nga ba hindi makuntento ang tao kung anung meron siya? Kumusta nga pala kay Puknat.. si Bukbuk ito.. haha!

Libreng Daing kayo dyan..

3 Reaction(s)
Aba mabilis ang net connection dito sa shop. Kahapon lang eh napakabagal at hindi sulit sa oras ko. Kanina may free ride sa MRT up to 7am; anniversary daw ata ng DOTC. Sana tuwing umaga ganyan na lang palagi. Yung tipong first 50 passengers sa lahat ng station may free ride. Makikipaguanahan talaga ako; iba na rin ang libre, ang daming gastos kahit man lang sa pamasahe sa MRT eh makatipid ako. Hindi na nga ako nag memeryenda para makatipid puro iced tea na lang ako. Huhu! Manlilimos na lang kaya ako dyan sa tapat ng building namin.. Wala na talagang pag-asa sa workplace lahat na lang pinupuna buti kung malaki magpasahod amp! Sila kaya maglaro ng 3-4 account nang sabay sabay maka quota kaya sila. Tinawagan na ako sa kabila, hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Wala kasi akong kasama at hindi ko kabisado ang place. Tingnan ko na lang sa mga susunod na araw. Kanina galing ako sa office ng ex-employer ko. Nabawasan na pala sila.. wala na sina Tina at Roger maski sina Guia at Jason.. hindi ko na alam anu na mangyayari sa company na yan.. unti unting nalalagasan ng mga pioneer.. ganyan talaga pag walang employee-employer relationship.. yung tipong hindi nakakadaan sa taas ang daing ng nasa baba.. and unfortunately nangyayari pa rin ito sa current employer ko.. wala na bang matinong company dyan na pro-employee talaga? wala lang.. talagang minamalas lang siguro ako.. mag aabroad na lang ako siguro..

Finally..

4 Reaction(s)
Kumusta.. sa wakas eh nakapag update rin ako ng blog.. ang tagal ayusin ng pldt na yan ang mga firber optics pang 2nd or 3rd week na ata ngayon eh medyo mabagal pa rin.. buti medyo ayos ngayong araw dito sa may amin.. Walang pasok ngayon kasi maintenance ng World of Warcraft.. bukas kasi magbubukas na ang "Dark Portal" sa may Badlands.. kaya major patch ito. Naging shifting na nga kami mula pa last week.. 6-2pm ang shift ko.. asar nga eh.. kelangan gumising ng maaga kasi 1 1/2 hrs ang travel time ko.. pagdating naman sa MRT eh mag-aantay pa ako around 5.25am (5.30am kasi ang southbound sa Cubao). Salamat nga pala sa mga nag komento sa aking previous post. Tama rin kasama ko sa work na si Cy. Kung ayaw mo na sa system umalis ka. I heard mas malaki ang offer around Makati narinig ko lang sa iba. Try ko na ring subukan kahit medyo nalalayuan ako. Iniisip ko kasi.. is it really worth it? na magtagal ka pa sa company na halos pareho na lang kayo ng sweldo ng minimum wage worker, hindi ko naman minamata mga kumikita ng ganun. Ang akin lang.. buti kung isang account lang nilalaro namin eh.. kaso 2-4 accounts na sabay sabay at kelangan nasa quota ka pa.. Hindi na ata makatwiran iyon.. ang laki ng demand tapos ang sweldo eh ganyan lang.. mag hire na lang sila ng robot kung ganun para ok nang ok lang at walang pasweldo kundi langis lang (pero mahal na langis ngayon..) parang pinatikim ka lang nung 1st month mo na malaki ang sweldo.. ewan ko.. pag iisipan ko ito ng mabuti.. mahirap kasi na aalis ka nang walang malilipatan.. kaya naman naghahanap ako since last week pa ng jobs online at sa papers.

Work Issues again!

7 Reaction(s)
Musta ulit. Walang pasok ngayon kaya pa petiks-petiks na lang. Pero ayoko talaga ng 3 shifts na iniisip nila.. yung sweldo ang iniisip ko at ang quota na ilalagay nila. Ah ewan.. kaya naman ngayon naghahanap na ako ng ibang work.. sabi nga ni Xienah.. anu bang meron dyan sa company na ayaw mong bitawan.. sabi ko.. wala nga eh.. walang kwenta! sa totoo lang! Inaantay ko lang na ma terminate ako kasi kung ako ang aalis magmumukhang ako ang may problema kaya umalis ako. Sa totooo lang hindi na ako nag eenjoy sa work ko ngayon. Kung babaguhin lang nila ang management style nila at ang working environment gagawing suitable for work eh di ok sana!

Bagong simula sa taong 2007

4 Reaction(s)
Kumusta na ulit. Na miss ko kayong lahat. Amp ang connection kahapon sa shop ni Cy.. napakabagal kaya hindi ako nakapag update ng blog.. nagdaan ang Pasko at Bagong Taon hindi man lang ako nakapag blog. Dahil sa work sked ko at iba pang pinagkakaabalahan.

December 29 - Nagkaroon ng college reunion ang batch namin pero kaunti lang ang dumating pero ok na rin. Mga dumating eh sina Charmina, Teresa, Nerissa, Angelo, Arlnold, Raniel, Charlene, Grace at si Emer. Mga hapon na kami nakapunta kina Charmina (parang farewell party na rin kay Cha kasi aalis na sya sa January 14.. huhu.. wag mo kami kalilimutan.. pag may bakanteng trabaho.. wahaha!) ang daming dalang pagkain namin lalo na yung mga pizza.. eh ang bigat pa naman nun.. kaya nde na medyo napansin ang ibang food.. wala lang.. usual videoke, usap-usap, picture-picture.. me pasok pa kasi ako bukas that time kaya nde ako nagpa-gabi nang masyado.. pero sa totoo lang naging masaya naman ako kahit papano (kahit puro pahirap nlang nararanasan ko sa work dahil sa init at pressure!) salamat sa mga kaibigan na handang magpasaya sa'yo in times na when your at low spirits.. Neri nakakahiya ang regalo ko promise.. blue magic na yan pag nagkita tayo..

December 31 - Walang patawad talaga ang company namin.. kahit katapusan ng taon at Bagong Taon eh may pasok kami.. tinatapatan ng double pay.. sayang kasi pag nde ka pumasok.. tutal wala rin naman ginagawa sa amin kaya pumasok na lang ako.. parang ghost town ang Ortigas.. actually nde naman.. me mga pailan ilan na tao pero mostly eh mga Koreano at Hapon.. i dunno bakit sila naglalabasan sa lungga nila ngayon.. palibhasa wala mga Pinoy siguro.. pero pagdating ng Chinese New Year.. sila naman kaya ang mawawala? around 10.30pm na ako nakauwi sa amin that time.. buti wala pa masyado putukan that time.. yung cake na dinala ko.. amp! natunaw.. ang tagal kasi bago nakain.. kasi pag umuuwi kami eh sarado na ang Megamall kaya bumili na kami ng maaga eh walang ref sa office kaya ayun sa isang dulo nakatago lang ang cake.. nagulat nga ako.. akala ko may bisita sina Mama.. wala pala.. nde dumating yung mga relatives ni Papa.. ewan ko kung bakit.. nakatulog na rin ako by 1am kung saan kaunti nlang nagpapaputok.. as usual me pasok kasi bukas!

January 1 - ganun pa rin ang situation.. walang tao sa Ortigas.. walang laman ang MRT.. double pay pa rin.. pero sana hindi na rin ako pumasok para makapag pahinga naman ako kahit papaano..

January 4 - day off ko! Thu at Fri (medyo alanganin nga eh.. dapat Saturday at Sunday na lang) malas ko talaga.. ang bagal bagal ng Smart Bro sa shop ni Cy.. maski sa ibang net cafe sa amin.. ang tagal tagal ayusin yung fiber optics na nasira sa Taiwan.. hindi ko nga alam paano nagkaroon tayo ng link sa Taiwan wireless ba o underwater? Kaya ayun umuwi na lang ako asar kasi hindi ako nakapag check ng emails, update ng blog pati na rin ng browser game na nilalaro ko.

Ngayon - sigh! hindi ko alam kung dapat pa ba akong magpatuloy sa job ko ngayon.. iniisip ko dati.. mag eenjoy ako kasi games ito.. andito ang passion ko.. pero hindi rin pala.. maraming factors siguro.. isa na rito.. hindi condusive ang environment.. sobrang init talaga.. kahit naka focus ka sa work mo.. nababaling dahil sa init..

"performance might not occur if the environmental conditions are so unsuitable as to present insurmountable barriers to performance. Most of us can successfully drive our cars on windy days but none of us can drive through a tornado. In less dramatic terms, missing tools and equipment, competing priorities, a repressive climate and other factors can interfere with our ability to perform as expected, regardless of our motives or our repertoire, the presence or absence of feedback and the quality of the mental models that guide our thinking and actions. In short, the task environment must support the desired performance; at the very least, it must be manageable."

isa pang reklamo ko.. eh yung management o pamamalakad nila.. pabago bago ng isip palibhasa kasi mga bata kaya ganun.. immature masyado.. wala akong pakialam kung mabasa man nila ito.. sinasabi ko lang ang nasasaloob ko.. at marahil nasasaloob din ng iba.. meron pang nagsabi "hindi kayo nagpunta dito para mag enjoy.. kundi mag trabaho" tama ba naman sabihin sa iba iyon.. you think isang resonsable at matinong leader ang magsasabi syo nyan.. hindi naman ako umaasa na tatagal dyan.. kung ma-te-terminate ako dahil hindi ako nakaka-quota.. ok lang sa akin.. hindi ako ganun ka desperado sa kanila.. ang daming company dyan na ganun din ang nature ng work.. malamang hindi ito ang para sa akin.. (just in case na matanggal lang ako.. malalaman ko this or next week kung anu ang status ko after the training period!) Sige iyon na lang muna.. saka na ako mag uupdate pag may oras ako! Maligayang Bagong Taon ulit at sana magkaroon na ng pagbabago sa bansa natin! Be the change you want to see in your country ika nga!

P.S.
Just want to share a text message i received from a friend..

"Love is not the only reason why a relationship stands for years or 'till forever.. We might think that love holds the relationship.. But what if you love too much and forget that love also can weaken or worse, destroy a strong relationship?

I just realized that love is not enough.. the secret of having a strong, lasting relationship is to trust the one you love.. and to accept his/her weakness or mistakes.. it's not how many time you have forgiven.. but how you have shown understanding.."