Sa Iyo..

0 Reaction(s)

Kumusta ka na? Dalawang dekada na pala mula nang magkakilala tayo sa isang gameshow. Nagkausap rin tayo dati mga ilang taon at nagkamustahan saglit. Alam ko naman na masaya ka sa piling niya kaya hindi na kita inabala pa.

Lately nalaman ko nalang na nawala na si Tatay mo, nalaman ko rin na wala na rin kayo. Kaya ba umuwi ka sa Pilipinas at nagpasyang samahan ang iyong pamilya at dito na ulit magtrabaho? Hindi ko alam kung ayaw mo na ako makita at naka-blocked na ako sa social media mo. Nagpalit ka rin ng pangalan, pero dahil siguro sa lakas ng tibok ng puso ko na laging nakasubaybay sa iyo—at oo, aaminin ko, dahil stalker ako—nahanap rin kita agad.
Hindi ka nagre-response sa request ko at message. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto mo nang isarado ang kabanata natin. Hindi rin naman tayo nagtagal, at parang hangin nalang na bigla ka nalang nawala rin nang walang pasabi. Bagamat masakit na lumisan ka noon na tila isang magandang panaginip na biglang natapos, ang mga alaala mo ay nanatiling buhay sa isip ko.
Wala naman sa akin ang kapasyahan, pero mas matutuwa ako kung magiging magkaibigan ulit tayo. Miss ko na makasama ka ulit. Miss ko na ang mga ngiti mo, ang mga tawanan natin, at ang bawat sandaling magkasama tayo. Gusto ko sanang makibalita sa iyo kung ano na ang bago sa iyo, kung anong pinagkakabalahan mo, kung kumusta na ang buhay mo, at kung masaya ka ba ngayon.
Alam ko, parang wala namang chance na mabasa mo ito. Sabi ko nga, tila sinarado na talaga ng tadhana na magkatagpo tayo ulit. Pero sa kabila ng lahat, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Dahil hangga’t umiikot ang mundo, umaasa pa rin ako na balang araw—hindi man ngayon—naway pagbigyan ako ng pagkakataon na muli kang mayakap at makasama.
O siya, mahaba na itong sulat ko sa iyo. Epekto lang siguro ng tag-ulan at ng pangungulila sa iyo.
Nagmamahal at laging umaasa..

Trying..

0 Reaction(s)

The past has already played its part. Accept it without resistance, let it rest in silence, and keep walking. Life always unfolds before those who choose to move forward.

Why Kindness needs Boundaries..

0 Reaction(s)

The biggest mistake nice people make is believing that kindness changes everyone. It doesn’t. Some people don’t see your kindness as kindness. They see it as permission. Permission to ignore you, permission to disrespect you, permission to use you. Until one day you realize the problem wasn’t that you were too kind. The problem was you were kind to people who never respected it.  Kindness is powerful but only when it is protected by boundaries.

The Legend of the Kitchen Soldier

0 Reaction(s)

.. getting cut by knives and burning my hands, I slowly begin to understand. That a single meal I make can give someone strength. 

That it's warmth can move a person's heart. Making one meal with all your heart everyday. That was the beginning of the legend.. - Final Episode (S1E12)

Kakatapos lang panoorin, though last episode na siya and since resolved na lahat ng problema, baka hindi na siya masundan ng Season 2. A bit bittersweet and thankful na napanood ko siya. Isa sa mga feel good KDrama with less drama more of hardwork, determination and lagpasan pa ang sarili. Nakakatuwa kasi inspirational and feel good TV series siya. Looking forward sa mga ganito pang palabas since medyo papunta na tayo ng panood nood nalang ng feel good and slice of life series. Ayaw na natin ma stress at peace of mind nalang ang nasa isip natin.

 

baka nga..

0 Reaction(s)

 


ATM..

0 Reaction(s)

 


si Empi at Sagada

0 Reaction(s)

Sa tuwing napapadaan sa FYP ko ang Sagada lalo na ang spot na ito taken April 2010. Palagi ko kayo naalala Mark at Yanah lalo na ikaw Empi na kinuha nasa amin ilang taon na. Hindi na kita nayaya bumalik sa Sagada kung san nagsimula ang pagkakaibigan natin. Last December 2025, pang 6th time ko nang balik sa Sagada pero ako lang mag-isa. Sino ba naman kasi ang wala sa katinuan na sasabay sa akin na bukod sa weekdays eh magtatapos na ang taon. 

Pero masaya kahit papaano dahil hawak ko ang oras ko at halos pagmumuni at malalim na pagisip sa paglalakad ng ilang kilometro, Sagada is all about walking at alam mo yan nang mag traverse tayo na naglalakad lang ni RJ mula Pongas Falls to Lake Danum which unfortunately hindi na natin naabutan ang sunset.

Sa huling araw ko sa Sagada, ilang oras ako sa pwesto nayang nasa picture, hindi ko naramdaman ang oras kakagunita ng mga memories natin with Yanah sa unang pagapak natin sa Sagada, memorable sa akin dahil iyong ang unang adventure ko. Namumugto na nga ang mata kaka-reminisce, ang sarap, ang payapa wala pang masyadong establishment kaya na enjoy natin ang bawat moment. Kung pwede lang mabalik ang nakaraan, kaso wala eh, kelangan makapag move on at magising sa reality na wala na ang isa sa mga close friend ko. Dalaw ka naman sa panaginip ko Empi at magkwentuhan tayo. Miss ka na namin..