Jin at 25

2 Reaction(s)
Kahapon nag birthday nga pala ang inyong lingkod. Wala lang parang normal lang na araw sa akin. Malas pa wala pang sweldo. Kaya umuwi na lang after ng work. Wala tuloy kwek kwek mula kay zander at mark. Ang daming bayarin sa bahay, pati kapatid ko sa akin humihingi ng pera. Yung budget ko wala na, kaya bukas eh ako naman ang hihingi mula sa tindahan. Quarter life ko na, hanggang ngayon wasted pa rin ang buhay ko.. wala man lang pagbabago sa akin.. hindi man lang ako yumaman o naging gwapo.. (haha) marahil kulang pa sa tiyaga at pagsisikap na makahanap nang mas magandang trabaho.. Ang hirap naman humarap sa mga ka berks and friends ko.. sasabihin nila.. uy bertdey mo.. pakain ka.. manlibre ka.. gustuhin ko man.. wala akong pera.. sige magnanakaw muna ako sa banko nang panlibre sa inyo.. senti mode na naman.. kinakanta yung kay wency cornejo.. kelan ka darating.. ewan.. bahala na..

Exhausted

2 Reaction(s)
Sigh! Sa totoo lang pagod na pagod na talaga ako.. physically sa work kong ito; 6 days a week, papasok nang maaga, uuwi nang matindi ang sikat ng araw.. sa bahay wala namang magawa.. kaya minsan andito ako sa net shop.. just to kill time.. nakakapagod na talaga.. mabuti pa dati.. petiks mode.. laro lang ng playstation ng mga RPG games.. ngayon.. wala kang social life.. pag rest day mo.. busy pa rin.. kelan kaya ako makakapag pahinga talaga.. yung totoong rest na walang iniisip na work para bukas or sumthin.. hindi ko talaga alam anu makakapagpasaya sa akin at makapagbibigay ng peace of mind.. lalo akong napapanot kakaisip ng mga problema ko at ng ibang tao.. ah ewan!

Changes and Chances

2 Reaction(s)
Pinalitan yung rest day namin ulit kasi parang semi regular na ang maintenance ng World of Warcraft (WOW) every Wednesday (Tuesday morning sa US) kaya ngayon pare pareho na kami ng rest day ng AM shift, samantalang Tuesday naman ang PM at GY shift. Sabagay pabor ito sa akin kasi just in case na mag apply ako ng ibang work eh weekdays siya at hindi Sunday kung saan eh walang pasok ang majority ng mga company. Ilang linggo na lang malapit na akong bertdey. Wala naman akong planong maghanda, kulang pa nga pagkain ko at pamasahe, maghahanda pa ako. Bigla ko lang na realize hindi na ako bata at tumatanda na, kelangan isipin ko na ang mga short at long term goals ko. Short term oo marami.. kumita ng malaki, makaraos ng isang linggo ang aking allowance, makapag hanap ng work na babagay sa akin at kung saan mag eenjoy ako.; pero sa long term eh medyo wala pa, pangarap ko lang naman kasi maging stable na kami financially at siyempre sama-sama at buo kaming pamilya. Yung magkaroon ng bahay sa Laguna or Cavite, para naman makapag pahinga na at mag buhay donya at don sina mama at papa. Paano ko naman magagwa iyon eh hindi naman sa kalakihan ang salary ko, kaya kelangan talaga makahanap ng magandang work at malaki ang kita. Mahirap kasi kapag tumataya sa lotto.. "game of chance" ika nga..

The odds calculated as EXACTLY in a lotto game '6/49':
- 0 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 2.29
- 1 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 2.42
- 2 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 7.55
- 3 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 56.66
- 4 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1032.4
- 5 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 54200.84
- 6 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 13983816

The odds calculated as AT LEAST in a lotto game '6/49':
- 0 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1
- 1 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1.77
- 2 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 6.62
- 3 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 53.66
- 4 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 1013.03
- 5 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 53991.57
- 6 of 6 in 6 from 49 -> 1 in 13983816

nakita niyo na kung gaano "kaliit" ang chance mong manalo sa 6/49 na lotoo.. kaya hanggat maari eh huwag umasa sa mga larong ganyan kundi magsikap na lang tayo at magtiyaga sa trabaho ngayon, kung makahanap ng magandang oportunidad eh subukan natin.

Interesting Google search.. (the repeat..)

2 Reaction(s)
eto na naman po tayo.. mga nakalap na mga google search mula sa aking statcounter.. kung saan eh kadalasan eh nagkakamali silang mapadpad sa aking blogsite (salamat sa traffic na rin!)
  • popular na hirit sa text -siguro sa last entry ko
  • It's funny how someone can break your heart, and you can still love them with all the little pieces -kumakalat na pala ganitong text
  • anime clubbox - hindi ko pa nabibisita ang site na ito
  • doraemon blogskin downloads - sana nga meron ako
  • jin katamaran - hoy hindi ako tamad, pangalan kaya ito?
  • cha + cy - uyyy.. tsismis ito
  • "Love is not the only reason why a relationship stands" -true, tama ka dyan
  • bakti hindi na pwede manood ng maging sino ka man sa youtube - aba malay ko, copyright!!
  • salawikain ng ARMM -hindi ako Muslim
  • bawal s computer rental - huh? anung bawal?
  • gasat express - bus ito ah!?
  • One piece libreng laro - may game na ba na ganito?
  • init ng disyerto - parang sa amin dati
  • mabahong artista - haha, lol.. sino naman kaya iyon?
  • example ng RESUME DITO SA PILIPINAS -gumawa ka na lang!
  • kasalanan ba ang maging bisexual - malay ko po!
  • papano malalaman may iba ang mahal mo - tanungin mo.. malamang magsisinungaling yan!

Busog..

2 Reaction(s)
Last February 14 eh wala lang parang common day lang para sa akin. Natatawa lang ako sa mga nananamantala sa so called Valentine's Day.. ang presyo ng rosas sky rocket. Eh pwede mo namang express ang love mo sa ibang oras at pagkakataon meron ka namang iba pang 364 days para i express. Sinamahan ko lang si Chun-Li sa Megamall at nag friendly date lang kami.. wala lang nanood lang kami ng sine "A Night at the Museum".. gusto ko sana The Messenger pero baka punitin lang ni Irene ang damit ko.. ang mahal naman ng sine.. 150+ ang pinakamahal at 90+ ang pinakamura.. samantalang nung 2000 eh 90+ pa lang ang mahal.. hindi ko nararamdaman ang peso appreciation at inflation na bumababa daw.. ok naman ang movie kahit simple effective pa rin ang portray ng mga characters lalo na ang mga wax figures kuno; bagay si Robin Williams as Roosevelt.. then tumingin lang kami ng cellphone after that.. nakakalula talaga ang mga price (hindi kasi kalakihan ang salary po.. kaya ganito reaction ko..) hindi ko alam kung mag Sony Ericsson na ba ako pag bumili ako ng new cell just in case; nakakasawa na kasi ang Nokia..

Kanina naman.. nag merienda eat all you can kami ng mga ka berks ko a Triple V. Try lang namin.. ok naman ang mga pagkain kaya lang alam mo na.. puro pasta, gulay at mga kakanin ang nakahain.. pero ok na rin at least unlimited siya.. naka ilang balik rin kami pati na rin ang iced tea. Tuwing sweldo lang naman namin nagagawa ito eh. Ewan ko nag dadalawang isip tuloy ako kung mag aabroad tuoy ako.. ito ang mami-miss ko eh just in case. Yung barkada at mga trippings.. Nagexam ako sa Maersk 2 days ago.. wala pang tawag.. pero sinabi ni Irene ang salary nila.. kinumpara ko mataas pa rin dito sa work ko, kaso bawi naman sa benefits daw.. saka ko na muna pagiisipan ang mga yan. Ang mahalaga eh masaya ako ngayon.

Lapit na ang eleksyon talaga.. wag iboto ang mga balimbing.. sariling interest lang talaga ang mahalaga sa kanila. Nakakatawa lang ang ad ni Prospero Pichay.. "unrealistic" sa palagay ba niya mawawala ang mga squatter at ang kahirapan pag nakaupo na siya.. PAANO MO IBOBOTO ANG MGA TAONG GUSTONG ALISIN ANG SENADO AT NGAYON AY TATAKBO PARA SENADOR.. GINAGAWANG TANGA ANG MGA TAO.. matalino na ang mga botante ngayon.. mapanuri na sila at sawa na sila sa mga pangakong napapako naman ng ilang trapo na iyan.. sinasabi pa ni unano.. kalimutan na ang nakaraan at move forward.. KAKALIMUTAN NA LANG BA ANG HELLO GARCI SCANDAL.. EH KUNG GANYAN EH DI KALIMUTAN NA RIN ANG PLUNDER NI ERAP HINDI BA?.. sabi nga ni Lacson buti kung na resolve ang issue kaso hindi eh.. pwede sanang ibaon na lang sa limot.. ewan.. baliktad na ang pulitika talaga.. naging entertainer na ang mga pulitiko natin. Everyday na lang may drama, suspense, action, horror sa senado at kongreso.

Panahon na naman ng kampanya!

2 Reaction(s)
Malapit na naman ang eleksyon at amoy na ang pangangampanya ng mga pulitiko sa bansa. Ang dami na namang balingbing. Maging matalino ngayong halalan, ito lang ang panahon kung saan may kapangyarihan ang taong-bayan na maghalal ng iniisip nilang makakatulong sa kanila sa pagunlad sa kanilang nasasakupan. Mahalagang may paninindigan at prinsipyo ang ating ihahalal, mula simula hanggang sa huli hindi nagbabago ang kanyang posisyon at hindi naiimpluwensyahan ng ibang tao.

Naubos Agad..

2 Reaction(s)
Haay.. kahapon parang hangin lang na dumaan lang sa kamay ko ang pera. Nagbayad kasi ako ng utang sa isa kong friend, ang tagal tagal na nga nun eh.. nakakahiya talaga sa kanya pag hindi pa ako nagbayad.. tapos bibili pa ako ng sapatos kasi medyo sira na yung ginagamit ko ngayon.. balak pang humingi ng pera ni mama para sa tindahan.. hindi ko na nga alam paano pagkakasyahin yung sweldo ko next week.. ang hirap talaga ng buhay dito sa Pinas.. hindi ko nararamdaman ang peso appreciation.. mahirap pa rin ang buhay.. mahal pa rin ang bilihin.. totoo ba talaga ang mga survey na iyan.. o baka sa class A, B lang ang mga survey na iyan.. lalo tuloy akong napipilitan na mag abroad na lang..

Bakit SINGLE ka pa rin?

0 Reaction(s)
11. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny" na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. ayannn... kapapanood nyo ng "Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is useless.

10. Perfectionist/Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. ung gusto mo halos magtambling ka pero deadma parin yang stunts mO sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?

9. Busy Busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.

8. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho
kayong naghihintayan.. hmmp!

7. Born-to-be-one (Autistic)
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!

6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw... Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!!!

5. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.

4. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.

3. Si parents kasi
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo. Awwwww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba? Palibhasa inggit!

2. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na!!! takot na ako mangyari pa ang nangyari dati! O diba ang drama ng layp? Yes, tama ka. Eto yung dahil sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka!, ano pa ba? Madami yan wag na nating isa isahin at baka tumulo si tears heheh Gayunpaman, eto lang masasabi ko mga hija at hijo. Ibat iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba mapalad ka at natikman mo ang ibat ibang lasa nito. Kaya ikaw, Do not be afraid to fall in love again malay mo sweetiness na ang malasahin mo next time. E di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo¦ Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig. tsk! drama!

1. EX to the nth power
Oi aminin!!! LOVE parin si Ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi parin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't isa. YES, after ay year sasabihin natin, im over him/her na, pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, sya agad ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give urself KITKAT, take a break.

Senti ba kamo..

0 Reaction(s)
Kailan Ka Darating
WENCY CORNEJO

Dati ay nasaktan na
Ayoko na sanang lumuha pa
Nag-iisip, nagtataka,
Sa'kin kaya ay darating ka pa
Nagtatanong ako kailan kaya
Marahil ay nariyan ka lang
Sa'king tabi ngunit di ko alam
Sana nga'y malapit ka
Pagkat ako ngayo'y laging umaasa
Balang araw di na mag-iisa

Chorus:
Kailan ka darating sa buhay kong ito?
Kailan mapapawi itong aking lungkot
Ang puso ko'y naghihintay sa'yo
Nasa'n ka o giliw ko?
Ako'y nangungulila sa 'yo
Kay tagal ng 'yong pagdating,
Sa Diyos ako'y laging humihiling
Nagdarasal sana ay dumating
Ano'ng kinakailangan kong gawin

(Repeat Chorus)

Anong kailangan kong gawin
Upang ika'y maging akin
Nasa'n ka na

(Repeat Chorus)

Ayos na!

0 Reaction(s)
Buti naayos na ang owner ni Papa kaya naman tuwang tuwa sya kagabi. Gagamitin ata sa mahal na araw pupunta sila ng Manaoag (tama ba spelling ko?) Tahimik kanina wala kasi si Zander the kwek kwek master. Ang ganda ng login screen ng Burning Crusade (green gate na hindi na old red). Naka quota naman ako kanina, si Miko kanina nag mesg sa akin tungkol sa mga bagong job opportunities sa Kuwait. Sabi ko pag natanggap ka na; saka ako sasabay.. malaki laki rin.. ewan ko natatakot kasi ako umalis ng bansa.. kasi magisa ka na lang at walang maglalaba, magluluto etc para sa iyo.. training na ito ng pagiging independent siguro.. tumatanda na rin tayo para naman bagong adventure sa buhay..

Treat sa Sarili

3 Reaction(s)
Musta ulit. Kakauwi ko lang (hindi pa kung sakali.. nasa shop pa ako ngayon), kanina galing ako sa SM Fairview.. wala lang, paminsan minsan naman siguro treat ko sarili ko; 6 days na nga akong nagtratrabaho.. maski malapit ang SM Mega eh hindi naman ako nakakapag "mall" talaga.. yung tipong wala kang iiisipin or pagod mula sa work. Bumili lang ng jacket kasi kursunada ko.. bibili sana ako ng shirts kaso iniisip ko sa Tutuban na lang kaya ako bumili para makamura at rami.. wahaha! Tapos gumala na lang ako at nag window shopping.. medyo mahal mga damit at bags sa mall talaga.. walang budget.. sa susunod na lang siguro pag nanalo na ako sa lotto! Iniisip ko nga mauulit pa kaya ito..

Random..

0 Reaction(s)
"It's funny how someone can break your heart in a million pieces and yet you still love them with all the little pieces left.."