Ang init ng panahon

0 Reaction(s)
Sensya na at ngayon lang ako nakapag update sa aking blog. ang dami kasing problema na dumaan lalo na financially kaya hindi man lang ako makapag internet kahit na 15/hr lang ang mga shop dito. maski pamasahe ko nga eh problema ko pa. talo ko pa nga ang may pamilya eh, grabe na itong pagka breadwinner.. kinakarir na! ang init talaga ng panahon, maski sa office lalo na kapag hindi pa nakabukas ang ventilation system ng buong building eh napaka init talaga.. hindi sapat ang mga fan sa office.. hindi ka tuloy makapag concentrate sa work mo.. maski mga cpu eh bumibigay na rin sa init.. paglabas mo.. lalo nang mainit; kasi yung mga buildings dumadagdag pa sa init dahil nga sa metal nito, kaya masarap talaga bumili ng nescafe freeze o kaya mag halo-halo sa paguwi. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapag load sa aking smart at globe na sim sana eh hindi pa mag expire iyon. Hindi ko alam kung may pasok ba kami o double pay next week. Wala naman akong ginagawa sa bahay sana meron. Final Fantasy online na nga pala ang nilalaro namin sa office.. sa simula mahirap pero medyo nakakapa ko na rin at na eenjoy.. ang problema lang eh napaka party dependent ang game, hindi mo kaya mag solo kundi mamatay ka nang di oras.. buti kung simpleng patay lang eh.. kaso experience down ang mararanasan mo at level down ang worse pa kaya bawal mag papatay talaga.. sige sa susunod na update na lang..

Graduation Week na naman!

2 Reaction(s)
Panahon na naman ng graduation. Mga magsisipagtapos mula elementarya hanggang kolehiyo. Panibagong kabanata na naman ng buhay ng mga students. Bagong mundo, mga hamon, pag-asa, pakikipagsapalaran. Naaalala ko lang nung nasa elementarya pa ako; ang saya ng buhay dati. Walang problema, walang iniisip kundi mag-aral at makipaglaro sa mga ka eskwela pag recess at paguwi naman eh sa mga kapitbahay. Mura pa mga bilihin dati, walang problema sa gastos dati. Ewan ko pero hindi ko sineseryoso ang pag aaral dati.. yung tipong parang naglalaro lang ako.. pero mula grade I hanggang VI eh nasa Top 2 naman ako kahit papano.. mahilig lang talaga ako magbasa ng libro dati, salamat na lang at wala pang Internet dati kung saan eh nalululong ang mga kabataan natin ngayon. Namimiss ko na ang mga paninda ng teacher namin kung saan eh may contest pang paunahan makaubos ng paninda ang bawat row, ang pagdadamo sa oval area namin, paglalaro sa mini forest (sensya na po.. public school lang.. pero masaya naman!), ang sariwang hangin, paghiga sa damuhan pag recess, patintero at iba pa. Nag reminisce na naman ako, namimiss ko lang masyado ang buhay na wala kang iniisip kundi paglalaro at pag-aaral. Hindi ko man maibabalik ang kahapon.. andito pa rin siya sa puso ko.. inaalala tuwing malungkot at nag-iisa..


SAAN NA NAPUNTA ANG PANAHON
APO HIKING SOCIETY
I
Nagsimula ang lahat sa iskuwela. nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan, hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya. Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara, konting hudyut lamang kakanta na.
(refrain)
kay simple lamang ng buhay 'non, walang mabibigat na suliranin.
prublema lamang laging kulang ang datung.
saan na napunta ang panahon.
(chorus)
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon. (2x)
II
Sa unang ligaw kayo'y magkasama, magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago, O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio, kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita, pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
(refrain)
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang, nakaka miss ang dating samahan.
(chorus)
saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.(2x)
IIII
lang taon din ang nakalipas, bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman, at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita, mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa iskwela, pag magkasama ay nagwawala.
(refrain)
Napakahirap malimutan, ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon, magkabarkada parin ngayon.
(chorus)
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.
(repeat till faded)

Wala

0 Reaction(s)
wala talaga.. walang bago.. kahapon kumain lang kami ulit ng mga ka-berks ko doon sa merienda all you can na naman ng Triple V sa Megamall.. mautak talaga sila.. lagay nang lagay ng iced tea para nga naman mabusog ka at hindi na makakuha ulit ng mga merienda na nakahain.. wala lang; kwentuhan lang kung anu na nangyayari na hindi pa namin alam.. marami kasing tsismoso sa amin kaya daming balita lumalabas.. hehe! work related naman not personal.

Regarding pa rin sa Final Fantasy Online.. mahirap abutin ang 20 levels na quota na iyan.. maka 3 level nga mahirap na iyon pa kaya.. torture.. nde aabot ng ganung levels sa loob ng 8 hours.. wala pa ring tumatawag sa akin since nag apply ako online at nagpapasa ng resume sa friend ko.. still considering the options for working abroad.. si crush andun pa rin busy sa work niya.. (bakit naman nasingit yan.. tsismis!) pero sana bago siya umalis eh malaman niya na mahal ko siya.. amp.. napo-possessed ata ako.. kung anu-ano na ang pinagsasabi ko.. ayoko namang umasa.. kaya hanggang ligaw-tingin na lang ako.. alam ko darating din yang para sa akin.. kung wala ok lang.. mabubuhay naman ako siguro kahit wala siya.. sige sa susunod na lang ako magkwekwento..

Wow na Wow

0 Reaction(s)
For the past 3 days since Monday eh yung iba sa amin (kasama na ako dun) eh wala nang nilalarong client account for WoW (World of Warcraft not WoW Philippines and alike.. lol!). Inuubos na lang ang mga natitira sa ibang pc; kaya naman sinabi na lang ng aming team leader na pansamantala eh (pampalubag loob sa mababang sahod) gumawa ng personal account (trial accounts lang good for 10 days, up to lv.20 lang) syempre sa server ng mga pinoy (not necessarily pero dominant mga pinoy gamers) - Bonechewer (amp! PVP server pa!); wala lang tuwang-tuwa lang mga mokong na newbie nag nagpapa level.. pero trial lang nga eh sayang lang pag hindi mo lalagyan ng load (amp! mahal 800/month.. hindi me rich kid!), unless may milking cow ka na taga sustento sa iyo.. nyahaha! nanghihinayang nga ako eh.. gusto kong ituloy kaso wala naman akong pera.. naho-holdup kasi ako pag sweldo time.. kaya nga ayoko na magasawa kasi parang may pamilya na rin ako sa kaso ko.. hay buhay nga naman!

Hindi pa rin ako nagpapasa ng resume for forum spammer position sa company.. inaantay ko pa kasi yung Final Fantasy Online.. titingnan ko muna ang itsura at gameplay.. wala lang.. medyo unstable ang company.. at ang CS area lang ang safe kaya umaandar ang oras eh dapat na ako mag desisyon kung anu ba talaga ang gagawin ko for this month.. Nakakapagod minsan ang shift na ito.. hindi ka pwede magpaabot ng 11pm sa pagtulog kundi tatanghaliin ka ng gising.. kelangan 4am eh nakaalis kna ng bahay.. nakakapagod talaga.. wala pa ring reply ang Navitaire na pinasahan ko ng resume personally at online.. sana tumawag na sila para makapag exam na ako.. pag umabot pa ng April eh wala pa.. sasamahan ko si Miko sa paghanap ng work abroad.. me contact na kasi siya at sabihan na lang daw siya kung desidido na siya.. Iyon lang po.. saka na ako mag uupdate ulit..

Repleksyon

3 Reaction(s)
Nung isang araw eh medyo nagkasagutan kami ni Mama pero hindi naman ganun katindi.. wala lang pera na naman ang usapan.. puro na lang kasi pera ang nasa isip nya.. Wala kasing work sina Papa at yung kapatid ko ngayon kaya ako lang ang inaasahan, eh hindi naman ganun kalaki ang sweldo ko kaya naman medyo nagkukulang sa mga gastusin kaya naman mainit ang ulo niya, ayoko lang kasi eh ako ang pine-pressure niya.. bakit tambay ba ako at walang ginagawa; bakit hindi niya masabi sa kapatid ko iyon at sa akin lagi.. Mabuti pa nga eh naging normal na lang ako (abnoy ba?! wala lang..) iyong work lang at nagbibigay tapos walang pagbubunganga akong naririnig.

Kahapon naman habang pauwi na ako sakay ng bus eh parang may mangangaral (hindi ko alam anung sekta o relihiyon siya pero iyon lang naman ang intensyon niya at walang hinihinging pera o namimigay ng mga pulyeto at kung anu-anu pa) wala lang.. nagpatotoo lang siya tungkol sa sakit niya na gumaling sa kabila ng pagsasabi ng mga doktor na wala na siyang lunas (luma nang modus operandi iyan.. pero nakinig pa rin ako).. Sinabi lang niya.. kung hindi man tayo lumapit o magbalik loob sa taas eh tayo pa rin ang talo, tayo ang mawawalan; may sinabi rin siya tungkol sa pagiging greedy ng mga tao at pag iwas sa mga pagsubok.. sinabi niya nakatanggap ka ng karangyaan o kaya mabubuting bagay bakit hindi mo tanggapin ang mga pagsubok o di kaaya ayang mga dumarating sa buhay mo.. nag kwento siya sa buhay ni Job (sa Matandang Tipan ata ito.. sensya na nde na ako nakakabasa ng Bible at kung nagbabasa man eh sa Revelation lang ako nagbabasa!) na kung saan eh dati marangya ang buhay pero nanatili pa ring tapat sa Taas sa kabila ng mga masasamang karanasan na naramdaman niya.. patuloy pa rin niyang pinupuri ang nasa Taas.. marami pa siyang sinabi.. pasensya na at nagkahalo halo.. sayang lang at hindi nakikinig ang iba.. akala siguro nila manghihingi na naman ng donasyon.. dapat talaga mabatid ng mga tao na pansamantala lang ang buhay sa mundo at huwag masyadong materyalistiko sapagkat hindi mo naman ito madadala sa hukay mo.. maging masaya at makuntento kung anung meron ka! binibigay naman niya kung anung mga kelangan natin, panay hindi nga tayo nang hindi pero nakakalimutan lang natin magpasalamat.. malapit na naman ang Mahal na Araw; magtika at magnilay nilay.. hindi lang dahil malapit na ito dapat araw araw ginagawa natin ito.. (teka nasa homilya ba tayo.. baka magpapari na lang kaya ako?!)

He says..
my primary reason for blogging is to have someone who will listen to me, ease my burdens, and who will laugh at me when i am happy. and i found it in a blog. not someone. blog alone. here, it's not like a diary where i have to keep my stories in life. i also don't have to ask and please people that, "hey, listen to me i am going to talk now". i am not a very important person who needs attention. it's enough that i have one with me.
Why Do I Blog, Aaron James

Adik sa Lotto

1 Reaction(s)
Bukas rest day na naman pati na rin sa Thursday eh wala rin kaming pasok, buti naman at bayad; may aayusin ata sa wiring sa mga pc, para na kasing mala octopus ang pagkakabuhol eh.. kanina si Cyril parang The Buzz kung magpasabog ng mga rebelasyon.. haha.. nakauto ng isang CSR at ngayon eh girlfriend na daw niya.. panigurado butas na naman ang bulsa nito.. ok lang.. mayaman naman ni Cy kaya yakang-yaka niya yan. May sinabi pa siya tungkol sa bagong grading system sa power levelling.. nakakagulat kasi bakit hindi sinabi sa amin ng aming TL (team leader) napaka unfair nito pag saka nila sasabihin.. may giyera talagang mangyayari.. malapit na rin daw buksan ang Final Fantasy 11 (Online) sa mga PL's.. panigurado isa ako sa mga mag sign up.. pero tinitingnan ko pa rin ang offer ni Iced sa akin as forum spammer.. wala lang sarap kasi ng buhay niya.. nakakapag net pa sya sa ibang sites unlike sa amin na limited lang ang pwedeng ma surf sa net at saka 35 post a day lang ang quota.. kaya madali lang para sa akin.. since medyo may experience na rin ako at lagi ko pang ginagawa sa mga message boards ang mag spam. nyahaha!

Parang kinain ko lang ang mga sinasabi ko dati na hindi ako tataya sa lotto dahil napaka baba ng chance ng pagkapanalo mo ( 1 in a 13 million.. whoa!) wala lang.. na challenge lang ako.. naka isang linggo na akong sa pagtaya sa lotto.. 2 bets lang naman.. at sa kamalasan eh wala pang panalo maski maka 3 numbers eh wala pa rin.. puro 2 o kaya eh kulang naman ng number.. nagdududa rin kasi ako sa mga nananalo.. what if kung planted lang ang ibang so called winners para magkaroon lang sila ng kickback (bukod sa 20% na share nila sa jackpot! mga buwaya talaga!) buti sana kung sa charity talaga napupunta eh.. hindi naman ako magdududa nang ganito kung walang nagsabi sa akin mula sa loob.. kasi nag OJT ang isa kong classmate dun dati.. alam mo na mga nangyayari sa mga agency ng gobyerno.. hindi na mawawala ang mga kickbacks at mga under the table na iyan.. red tape na sumisira sa gobyerno sa loob na nang ilang dekada.. ah ewan! paano pa kaya maayos ang mga ahensya na iyan!

Katamad pag Lingo

2 Reaction(s)
Nakakatamad na naman pumasok pag Linggo talaga.. kahit pa sabihing kaunti lang ang tao at hindi ka maghihintay ng katakot takot na minuto para bumaba lang ang elevator sa Antel Global.. iba kasi pag Sunday.. rest day nga eh.. pero kami may work pa rin.. sana nga ibalik na ang 12 hrs.. kanina may memo pa ako.. 4 na late na kasi ako for February (132 minutes, whoa!) ang hirap kasing gumising pag umaga.. kahit naka alarm na ang 4 na cellphone sa bahay pati alarm clock eh naantok pa rin ako.. sana nga ma adjust na lang ang oras ng pagpasok para hindi ako ma-late. Minsan na lang ako makakapag update ng blog malamang mga 1-2 times a week na lang siguro or once na lang.


Random Kots..
"When you love, never stick only to what your heart feels.. Sometimes using your brain is a necessity.. never use your eyes for the4 person who fooled you.. Instead use it to search for the right one.. Don't be scared of breaking up, keeping a relationship with a selfish partner is scarier.. Love the one who will fight for you and bravely face each and every consequences.. Love the one who will accept and love you more despite great mistakes you did. Love the one who holds on.. Someone who would never let the feelings be gone. Love is a gift and not an obligation."

Ang init na!

2 Reaction(s)
Salamat nga pala sa mga bumati nung bertdey ko nung Feb.27, buti na lang at hindi sa leap year.. sa text nina lala, daniel, chun-li, barogs.. sa frenster naman sina chun-yang at nap, sa blogs ko tingnan nyo na lang mga nag greet.. madami eh.. lol..

Kahapon sweldo time.. wala lang.. kulang kasi ng araw ang February kaya nman anu pa nga ba! mababa ang sweldo.. tapos may ilang minutes rin akong late buti computation sa late eh 50/60 halos piso kada minuto.. kelan kaya dadagdagan nila ang sweldo namin.. sana ibalik na sa 12 hours ang work.. as usual na holdap na naman ako paguwi sa bahay.. halos kalahati ng pera ko.. huhu.. ewan ko kung may pera pa ako sa loob ng 2 weeks nyan..

Samantala eh.. balita naman sa former work ko eh.. nakaalis na pala si joel at nap sa office.. unti unti na silang nalalagas.. success pa kaya ang masasabi nya ngayo't nauubos na ang tauhan nya.. good luck na lang sa lahat.. sana magkitakita tayong lahat lalo na ang DES dept bago umalis si Tina papuntang Austria.. sana ampunin mo na rin ako Tina para makapag work na rin ako sa United Nations.. ahehe..

Nakakatawa lang mga pinaggagawa ng mga pulitiko ngayon.. lahat gagawin para lang makakuha ng boto mula sa tao.. andyang magtutulak ng sasakyan, kakain sa mga mahihirap, bibili ng paninda, magtatanim ng palay o pechay at may kayak pa.. anu pa kaya makikita natin sa mga susunod na araw.. lalo na ang mga "aso" sa team unity.. mga balimbing talaga..