Somewhere..

2 Reaction(s)
Somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
will come to see
That you belong with me
Letting go is just another way to say
I'll always love you so

Narinig ko na naman ang mga lines na ito ng song ni Manilow.. nagiging senti na naman ako.. naalala ko na naman ang aking ex.. kumusta na kaya siya? hindi man lang namin nabigyan ang isat isa na chance na express ang pagmamahal namin sa isa't isa malamang hindi pa kami ready that time.. i know marami syang effort na nagagawa that time, marami kasi akong problems that time kaya medyo hindi ko sya nasisingit talaga sa mga priorities ko.. naawa ako sa kanya pag ilang oras siyang nagaantay sa may Megamall sa stair (jologs ba.. sensya na mas private ng kaunti pag sa area na iyon, nevertheless pakialam nyo ba! hehe!), tambak naman ako sa task nung mga panahon na iyon kaya pag nagkikita kami eh lagi nalang akong haggard. Galing pa siyang FEU that time and still studying.. at medyo malayo-layo ang inuuwian nya (hindi naman gaano sa Laguna lang!) sayang nga lang at hindi kami nagtagal (wala pang 1 month), but last month medyo nagkausap kami (thanks sa Sun unlimited bow!) ayun.. sinabi namin mga sama ng loob sa isat-isa.. we forgive each other at sa wakas may closure na rin kami (hindi kasi maganda ang break-up namin dati).. again busy na naman sya sa studies nya at gusto na talaga nya makapag work agad at abroad.. wala naman syang syota ngayon kasi priority nya studies nya.. and im glad to hear that.. i asked kung may chance pba na magiging kami ulit or liligawan ko sya.. sabi nya.. "im not closing my door naman.. tingnan natin but for now ayoko muna ng relationship.." ok naman sa akin iyon! back to zero ika nga.. siguro kailangan maging stable muna kami bago isipin ang ibang bagay bagay.. financial security.. that's why nde ako nawawalan ng pag-asa sa kanya.. malay mo.. along the road.. makita ko ulit sya at tanggapin nya ang pag-ibig ko sa kanya.. (waa! korni na, as much as possible ayoko maging ganito.. kinikilabutan ako!)

Unwell

3 Reaction(s)
Not feeling well for the past 2 days now. May sipon at masakit ang ulo. Malamang anemic rin ako. Im waiting for a call from the private and public firm right now.

Hinahanap nila sa akin..

0 Reaction(s)

Jin @ Public Service

7 Reaction(s)
Kahapon nakapasa ako sa Career Service Proffesional Exam (Professional-Computer Assisted Test).. kahit na Chance Examinee lang ako (aga ko pa pumunta kahapon 5.12am nagpalista na ako) madugo-dugo ang exam lalo na sa math problems grabe ilang methods ang kailangang gawin para ma solve lang ang problem, yung mga kinabisado ko wala naman masyado lumabas.. pure application lang talaga.. buti na lang at kumuha ako ngayon dahil balita ko eh mas hihirapan pa daw nila next year or so.. mataas na nga ang passing grade (80.00) hihirapan pa nila.. huhu.. then at 4pm eh binigay na ang results.. almost half lang ang nagantay at ang iba ay umuwi na.. kinakabahan talaga ako kasi halos iba sa amin ay notice of rating ang nakuha at nde certificate of eligibility.. ayun nung nakuha ko.. 82.70% i passed the exam! Yay!

Labor Market in Crisis

2 Reaction(s)
"Every citizen has a right to select a profession or course of study, subject to far, reasonable and equitable admission and academic requirements."
-Art XIV Sec.3 1987 Constitution

Granted na ang right na ito, na kahit sino eh may kalayaan makapili ng kursong nagugustuhan niya. Kung saan sa tingin nya eh mapapalabas nya ang potentials niya. Pero ang main problem talaga na nag eexist ngayon eh yung mga college graduate eh hindi makahanap ng work ngayin. Ang labor market ngayon eh mas nangangailangan ng mga skilled workers na kailangan sa industrial establishment. Nagkakaroon ng manpower imbalance ngayon kung saan marami ngang work pero wala namang skill ang mga new graduates or hindi competent sa job..

April 2007 Labor Survey
15 y/o and over - 56,411,000
Labor Participation Rate % - 64.5
Employement Rate % - 92.6
Unemployment Rate % - 7.4
Underemployed Rate % - 18.9

Highest Grade Completed
No Grade Completed 10,000
Elementary Undegraduate 74,000
Elementary Graduate 89,000
Highschool Undergraduate 126 ,000
Highschool Graduate 207 ,000
College Undergraduate 97,000
College Graduate 52,000

Laborers and Unskilled Workers (Oct 2003) 9,830,000 (31.2% of total workforce)

Makikita naman natin sa data na maraming underemployed dahil sa kawalan ng tamang job para sa kanyang course. Isa sa mga solusyon eh pagbabago sa education / curricula eh naka allign dapat sa labor market realities kung saan kung anu ang demand ngayon ng market eh iyon dapat ang pinagtutuunan ng panahon. Universities and technical school should train the youth in those skills / competence for which a demand exist, meron dapat proper corrdination among the gov't, school and industry para ma address ang annual problem between manpower and demand. Students must be able to relate and apply what he learns in the classroom to his specified field of employment. Hay naku naalala ko na naman ang AMA na iyan.. sa simula puro pangako ng trabaho sa mga parents sa enrollment na sila daw ang bahala.. pero pag graduation na eh.. ikaw pa rin ang bahala sa sarili mo at wala kang maasahan sa kanila, ultimo ang double diploma na pinagmamalaki nila eh wala rin.. tapos ang tinuturo pa nila eh hindi naman tugma sa mga demand na job description sa mga ads kaya nahihirapan talaga mag Computer Science grads na makahanap ng work usually ang iba sa Data Entry or sa Call Center ang bagsak. Ewan ko ba.. Ika nga nila.. Education which ignores the local job market only promotes joblessness and brain drain.

Inutil na Civil Service Exam

3 Reaction(s)
Kaka-badtrip lang talaga kanina, hindi ko alam anu iisipin ko ngayon at nasayang na naman ang oras, pagod at pamasahe ko sa b******* na Civil Service na yan.. Kanina maaga akong nakarating sa area (around 6.55am) nagpalista na agad ko sa guard at sa lobby ng Mamamayan Muna Center.. pang 15th ako sa mga nag chance.. dapat pala eh inagahan ko ang pagpunta iniisip ko kasi kanina baka hindi na ako umabot kasi ang daming nga na nag chance exam.. then at 8am eh pinapunta na ang lahat sa examination area for Computer Assisted Test.. up to 44 ang nasa list pero halos kalahati ay absent.. binanggit na ang mga pangalan ng magkakaroon ng pagkakataon mag exam.. nakahinga lang ako ng maluwag nang mabanggit ako at pinakahuli pa.. ang iba pinabalik na lang.. pagpasok sa loob pinapali na kami ng mauupan at mag antay for the processing of examinee data.. nag antay kami up to 10am nakatanga lang.. habang sila ay nagaaway away kasi sobra na ata ang mag eexam dahil sa mga "defective" na pc na sa araw araw na ginawa ng Diyos eh hindi nila pinapaayos na dapat sana ay 45 pc ang available eh nabawasan pa ata.. kaya ayun kinausap kaming nasa last 2 na sa "next Tuesday" na lang daw mag exam at agahan. Laking kahihiyan talaga itong nangyari sa akin lahat nagtinginan sa akin.. ako umaasa talaga ako na mapapasama sa list kasi mas maaga ako sa mga nagpalista.. tapos tatangalin ako.. hindi rin sila "consistent" sa policy nila na kapag "late" eh hindi na pwede mag exam kaso iyong dalawang huling regular examinee na dumating eh pinag exam pa rin.. "galing talaga!" napapasambit ko na lang nang paalis na ako sa CSC at pauwi na sa amin.. bulok at inutil talaga ang gobyernong itong.. walang sistema.. tama lang na batuhin ng kamatis ang ga**** ito at alisin na sa pwesto.. baka naman sa Tuesdau eh hindi na ako makapag exam niyan.. pag ako naasar kakasuhan ko na sila sa Ombudsman talaga pag inubos nila ang pasensya ko.. mga ga** sila..

update: hindi po ako violent person.. just want to express my frustrations here.. parang outlet.. im Ok right now.. medyo nahimasmasan na.. ill gonna prove them that im really eligible for public service after the exam..

The truth is out there..

2 Reaction(s)
Nakakamiss talaga itong X-Files, sumikat siya last 90s pa, it really change my viewing habit during that time iba kasi ang detective + supernatural combination pati na ang partnership ni Fox Mulder at Dana Scully.. the skeptic and the believer.. the series really revolutionize the field of special effects.. Naging medyo pangit na lang nung pinalabas nilang patay na si Mulder at pinasok ang ibang character sa story.. some of my favorite episodes are The Host (si Flukeman..), Anasazi (mass murder of aliens), Ice (yung parasitic worm na gumagalaw sa aso at tao.. ) at iyon El Mundo Gira (yung Chupacabra / goat-sucker.. decaying corpse). Alam ko tapos na ang era ng X-Files pero sana buhayin nila ito kasi marami na ring cult followers sa TV series na ito..

Memoirs

5 Reaction(s)
Natutuwa talaga ako at alam nyo na hindi pa umaabot ang technology nung panahon namin (late 80's to early 90s) nung nasa elementarya pa ako. Napapansin ko kasi ngayon eh hindi na masyado nakakapaglaro sa labas ang mga bata ngayon usually makikita mo sila ngayon nasa computer shop at naglalaro ng Kanker Strayk at DOTA. Dati rati eh lalo na pag recess time eh punta agad kami sa oval area para maglaro ng cops and robber, long jump at taguan (malaki kasi ang school namin kahit public lang.. at marami pang puno 100% rural.. sarap ng hangin!) kaya naman nung panahon na iyon wala halos nagkakasakit sa amin kasi nakakapag excercise kami thru good old games. Iba ang kasiyahang nadarama talaga nung panahon na iyon, i think its one of the happiest part of my life.. nung nag enjoy ako sa kabataan ko.. walang problema.. walang iniintindi.. ang pag-aaral eh parang laro lang sa akin (consistent 2nd honor).. sa piso lang eh marami nang mabibili.. ang paliligo tuwing tag-ulan.. taguan pag gabi.. patintero sa kalsada bago kumain nang gabi.. nakaka miss lang talaga mga ganung moments.. ngayon halos wala na akong nakikita sa labas na gumagawa ng ganito..

-got a txt mesg from my friend.. sana hindi ito totoo kasi kawawa naman ang pamilya nito..
Hello, anak? Naipadala ko na nga pala sa kartero ang P50,000 na pang matrikula mo sa iskwelahan; Ipinagbili na namin kasi yung kalabaw natin, ang mahal pala kapag automotive ang course mo, saka nga pala wana na rin tayong alagang mga baboy, naipagbili na rin namin ng tatay mo para sa sinasabi mong project, Nokie N75 ba iyon? Ang mahal naman anak ng project mo, kasama din doon yung baon mo na P7,000 para sa recollection niyo sa MOA.. San ba iyon? Siguro malaking monasteryo iyon? Ingat ka palagi!

Kuro

4 Reaction(s)
Kahapon sinamahan ako ng friend kong co-gamer na si eric sa QJ ulit para magpasa ng resume, this time personally na nagbabakasakaling ma process agad ang application at ma interview sana agad. Kaso last week pa raw ang rush processing at hindi ako nakahabol. Sabi kasi ni Eric marami raw umalis sa company lalo na sa graveyard maybe coz hindi nakayanan ang "night-life" or hindi sanay (buti na lang ako almost a year na graveyard shift sa former employer ko kaya ok lang sa akin) kaya naman bakante ang 3 rows nila sa technical support at kailangan nila talaga ng employees ngayon kaya nag rush sila last week. Iniisip ko sayang kung sa loob ng 2 months na paghahanap ko ng work eh nag tyaga ako dito sa pinasukan ni Eric eh di sana continuos ang job ko ngayon at hindi ganitong nakatambay lang (naging liability pa ako kesa asset sa family tsk tsk!) I dont want to pre-empt pero im confident na makakapasok ako dito at gagawin ko talaga ang very best ko para makapasa no matter what.. (dramatic at maaksyon pa!) Kung matagal na akong nakinig kay Eric.. naku.. naasar talaga ako sa sarili ko.. ang arte at mapili ko talaga..

Nabasa ko lang ang isang entry ni Kiddo sa bago nyang blog about what he feels about blogging excerpt lang niya ulit ito kay Joms/Pulsar kasi hindi ko mahanap ang entry nya kaya reiterate ko lang..

"Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Wala akong iintindihin sa kanilang pananaw. Sasabihin ko ang aking nadarama dito sa blog ko at wala silang magagawa dahil akin ito. Sabi nga ni Joms, malaya akong makasusulat."

dpat naman talaga ganito ang mentality ng isang blogger ang ma express ang nadarama nya tungkol sa mga isyu hindi lang sa sarili nya pati na rin sa mundong kanyang ginagalawan, pero may mga bagay-bagay talaga na kahit gusto mong isulat eh hindi mo magawa dahil sa ibang instances kagaya ng ganito blog is written to be read online by the public.. so your prone to public scrutiny/injustice, parang public official wala ka nang private life pag magkamali ka lang ng isusulat ay magiging issue sya sa iba at kakalat pa, kaya sa totoo lang "this blog is not my totality.. it only mirrors only a part of me and not as a whole" gets nyo ba? kung naging anonymous lang ako at hindi kilala ng lahat eh malaya kong maisusulat talaga ang gusto kong isulat tungkol sa mga pangyayari sa akin. wala lang nag emote lang ako. Mahirap talaga pag kilala ka ng tao.. nagiging hindrance sila sa pagpapakatotoo mo.. ewan ko.. mahirap ipaliwanag talaga ang buhay-buhay..

Humor Time

6 Reaction(s)
just a collection of text jokes i received.. enjoy while it last!

after sex with coed...

congressman: how much?
coed: P200 lang
congressman: what? how can u exist on 200?
coed: sideline ko lang to. blackmail talaga business ko.

***

isang araw, nakita kita umiiyak sa ulan...
lumapit ako, sabi mo "wala kang pakialam! dito lang ako"

tumawa ako at sabay sabi,
"bahala ka! Yung dede mo bakat na.."

***

Dad : "How's school today?"
son : "We studied MATH and I did good!"
Dad : "Ows? ok, let me test you: "If I'll give you P300 & mommy gives
you P500,
ano sagot mo?"
son : "Great! TENK YOU PO!"

***

masahista: sir, ELMO pala name nyo.
man: hindi ah!
masahista: yan kc nakatatoo sa manoy mo, liit nga eh!
man: cge himas. o anu na basa?
masahista: wow! EL FILIBUSTERISMO!!

***

Adik: Will you marry me?
Pokpok: Oo, pero okay lang ba sayo kahit meron akong past?
Adik: Oo, okay lang. Wala naman akong future eh!

***

Pedro: Pare pinapili ako ng misis ko, pag-ibig daw o kaibigan?
Jaun: So kaya ka andito nagyon dahil pinili mo kaibigan?
Pedro: Hindi pare, Pag-ibig pinili ko

***

James Yap: kris, panglima na ba ako na lalake sa buhay mo?





Kris Aquino: hindi ha, sa totoo lang..... Thhhhhhhirty something na.U

***

wife: hon, sino si trixie?
husband: ah, kabayo yun. yung pinustahan ko sa karera.
wife: ah ganon? sige, animal ka! sagutin mo yung telepono, tumatawag
yung kabayo
mo!

***

Isang gabi,
nakasakay ako sa jeep.
Nagtataka ako kung
bakit lahat sila
natakatingin
sa akin.

Ayaw nilang kumibo.
Nakatitig lang sila sa akin.
Hanggang sa may isang
naglakas ang loob
at sinabing,





"Hijo, inarkila namin 'to."

***

May isang bus na pinasok ng isang rapist

RAPIST: Nandito ako para mang-rape! Kung ilan ang ngipin niyo, ganun
karaming
beses ko kayo rereypin!

DALAGA: Naku po, pakawalan niyo na ang lola ko. Wala na siyang ngipin.

LOLA: Gaga! May isa pa!

***

Teacher: What famous disaster occurred in the year 1912?
Know-it-all student: The Titanic struck an iceberg!
Teacher: Yes and where did it occur?
Know-it-all student: North Atlantic!
Teacher: What month?
Know-it-all student: April! 12th of April!
Teacher: How many passengers and crew perished!?
Know-it-all student: 1,517!
Teacher: And what were their names?!

***

Isang hatinggabi, si Sadako ay sumakay ng jeep patungong Balete at dun
siya...

dun siya wish you girlfriend was hot like me
dun siya
dun siya baby
dun siya!

***

as i watched the ants crawl upon the wall, i noticed that no matter how
busy
they are, they still stop & communicate...

i hope we could be like ants...

nakakalakad sa walls!

***

(in a cabinet meeting ...)

GMA: oshige ... kung sino man ang tamaan ng bola na 'to ay siyang
magre-resign

(initsa ang bola, tumalbog pabalik sa kanya ...)

GMA: o ... praktis lang un noh? ulet!

***

sa 1 ospital...

Lola (may cancer) : doc, anong gagawin nyo sa akin?
Doc : che-chemo lola.
Lola : t!t! mo rin!!! Bastos ka!! walang modo!!

***

A prince was cursed by a witch that he could speak only 1 word/year.
But if he
doesn't he could save the words for the next year. 1 day he saw a
pretty
princess and fell in luv, he waited for 10 years to say

"darling i love you, i would like to marry you"

guess what the princess replied....



"PARDON??"

***

ice cream ba
tlaga ung
iniendorz ni
pacquiao sa
komrxal nya
na nestle
ice cream?
kala ko kc
softdrinks eh?
kc sbi nya..





"oh mga bata..
MIRINDA na.."

***

may ngongo sa bus:

ngongo: mama mara lang a tami
(hindi huminto ang bus)
ngongo: mama mara!
(tuloy tuloy parin ang bus)
ngongo: mama inami ng mara e!
driver: ori a! aala o niloloo mo lan ao e!

***

"danbe fuld baragats daragats
emstel emstel jenepram dablak.."

ulit-ulitin nyo.. magegets nyo rin..

***

A toy...

A leaf...

A toy...
A leaf...

A toy
A leafin mo kahit hindi batid
Aaminin to minsan ato'y manhid...

***

sa mall..

mom: anak, wag kang bibitaw sa palda ko para di ka mawala.
anak: opo!

2 hours later...

mom: mamang sikyo, may nakita ba kayong batang may dalang palda?

***

hindi makapagtimpla ng juice si inday.


dahil nkasulat:







concentrate.

***

Pag nagalit mama mo,
kasi late ka na umuwi...

Wag ka matakot.
Unahan mo:
"Bakit ngayon lang ako umuwi?
San ako nanggaling?"

Sabay kuha ng bag at damit saka mo isigaw...

"Punyetang bata ako!
Hala sige lumayas ako!!"


***

TOP 8 Melanie Marquez Quotes:

1.I couldn't care a damn!
2.What's your next class before this?
3.Can you repeat that for the second time around once more from the
top? (ulitin
natin hanggang mamatay tayo!)
4. Hello, my brother Joey is out of town. Would you like to wait?
5.Don't touch me not!
6. Hello? For a while, please wait yourself.
7. You!! You're not a boy anymore! You're a man anymore!
8. Come, let's join us! (Why not, no?)

***

Erap writing on a slum book

Favorite Actor:
Arnold Scharzene... (erase)
Arnold Schwarze... (erase)
Arnold Schwarzz... (erase)
Arnold Shwazenne.... (erase)
Arnold Shwazenner... (erase)
Arnold Shwarzenneg... (erase)
Arnold Schchwarzenne... (erase)
Arnold Clavio

C² shock

7 Reaction(s)
Kahapon eh pumunta na ako sa IBM Daksh para examination at interview for CSR position (kahit ayoko talaga!) ayun hinanap ko pa ang EDSA Central Pavillion akala ko naman nasa Shang mismo sya iyon pala eh nasa kabilang side lang pala ng shaw. Nang makapunta na ako by 10am eh marami na palang nagaabang sa lobby area nila. Ayun antayin na lang daw tawagin ang names, akala ko naman eh interview agad, exam pa pala; 2 parts ang exam (logical, grammar, computer basics ang una at typing test ang second naman) nagulat nga ako sa nakuha ko sa typing 67 wpm at 100% accuracy, sabi nila pag nakaabot ka sa range nila eh sa email support ka pwede. Eh ako naman since yoko talaga ng voice kaya umaasa ako sa non-voice ako. Next exam would be yung oral assessment (yung parang simulation type na sya), waaa! nagkalat talaga ako kasi kinakabahan ako pero nakapasa naman ako after its just be confident lang daw ako pero ok naman daw generally. Then at 4pm eh na-interview na ako, isa pang waaa! ang hirap talaga magpaliwanag pag English meron na akong idea pero hirap expound into spoken words. Sa Monday morning daw tatawag or email sila. Cross my fingers!