lamb´ing maglambing (mag-) v. to caress, to show fondness, affection, tenderness.
A week ago i asked my former officemate bout kung paano ba siya maglambing sa kanyang gf then he texted me..
"Paglalambing ko.. sinusundo ko siya sa work kahit maghintay ako nang matagal, iniintindi ko ang mga hobbies niya at minsan sumasama ako, pinagluluto and lumalabas kami kahit Saturday o Sunday pero halos araw-araw basta may pagkakataon; minsan pa kinakain ko pride ko for her..."
Siguro kaya sila tumagal nang ganung katagal dahil sa mga ginagawa niya sa kanyang syota.. i think hindi ko ata magagawa lahat niyan sa kanya.. sunduin? ang layo niya kasi parang north at south kami kung compare natin, i'm trying na bigyan ng attention mga interests niya at hobbies pero hindi ko pa siya natatanong bout that.. busy kasi siya sa school at graduating na siya this December sana nga eh makasama ako kaso siguro text ko na lang siya bout that.. hindi naman talaga ako ma-pride na tao.. yung patigasan ba ang tipo.. ayoko kasi as much as possible ng away sa relationship namin although alam ko minsan hindi maiiwasan iyon pero sa ngayon buti naman at wala pang nangyayari talaga.. gusto ko rin na open ang communication lines namin para kahit papano yung mga small disputes eh hindi na lumaki.. pero minsan nagseselos talaga ako sa kanya lalo na ngayon.. balak ko sana mag date kami sa birthday niya kahit gala lang sa mall kaso uunahin pa mga friends niya kaysa sa akin.. ako naman.. napa buntong hininga na lang at nag-Ok na lang sa kanya siguro maybe next time na lang.. hindi naman niya binabasa blog ko kaya Ok lang sa akin.. hindi nya lang alam kung anu nararamdaman ko ngayon.. a bit depressed pero ayoko maging immature at naiintindihan ko naman siya.. lilipas rin siguro itong tampo ko sa kanya.. kailan naman kaya siya maglalambing sa akin..