Jin turns 26

4 Reaction(s)
Happy Birthday nga pala sa akin kahapon (February 27), tumatanda na talaga ako. Wala lang normal day lang. Salamat sa mga nakaaalala sa aking kaarawan, hindi pa huli para magbigay ng regalo.

Jinji Syndrome

0 Reaction(s)
Salamat nga pala sa mga visitors around the world.. talagang epidemic na si Jinjiruks!!

2008 Philippine Holidays Update

4 Reaction(s)
PGMA issues Proclamation No. 1463 setting the dates of 2008 regular and special holidays

President Gloria Macapagal-Arroyo has issued Proclamation No. 1463 setting the specific dates of movable holidays as mandated by Republic Act No. 9492 which rationalized the celebration of the country’s holidays.

President Arroyo signed the proclamation on Feb. 18, the day she declared Feb. 25, 2008 (Monday) as a Special (Non-Working) Day nationwide to mark the 22nd anniversary of the 1986 EDSA People Power Revolution.

R.A. 9492 provides that holidays, except those which are religious in nature, are moved to the nearest Monday unless otherwise modified by law, order or proclamation.

This year, the following regular holidays shall fall on the following dates:

• Maundy Thursday (March 20, Thursday);
• Good Friday (March 21, Friday);
• Araw ng Kagitingan (April 7, Monday nearest April 9);
• Labor Day (May 1, Thursday);
• Independence Day (June 9, Monday nearest June 12);
• National Heroes’ Day (Aug. 25, last Monday of August);
• Bonifacio Day (Dec. 1, Monday nearest Nov. 30);
• Christmas Day (Dec. 25, Thursday); and
• Rizal Day (Dec. 30, Tuesday).

Meanwhile, the Special (Non-Working) Holidays for 2008 shall fall on the following dates:

• Ninoy Aquino Day (Aug.18, Monday nearest Aug. 21);
• All Saints’ Day (Nov. 1, Saturday);
• Additional Special (Non-Working) Day (Dec. 26, Friday);
• Additional Special (Non-Working) Day (Dec. 29, Monday); and the
• Last day of the year (Dec. 31, Wednesday).

As for the Muslims’ observance of Eidul Fitr, President Arroyo ordered the Office of Muslim Affairs (OMA) to inform the Office of the President (OP) “on which day the said holiday shall fall.”

The President said another proclamation shall be issued declaring the Eidul Fitr date as a national holiday for Muslims “after the appropriate date of the Islamic holiday has been determined in accordance with the Islamic calendar (Hijra) or the lunar calendar, or upon Islamic astronomical calculations, whichever is possible or convenient.”

The President tasked the Department of Labor and Employment (DOLE) to promulgate the implementing guidelines for Proclamation 1463.

source: Gov.Ph news

I love Chase :)

7 Reaction(s)
Musta. Mukhang magpo-post na lang ako sa blog ko on a weekly basis from now; dahil na rin wala na rin akong time makapag-Internet dahil sa sobrang busy at dedication ko sa training period ko sa JP Morgan Chase. Pero sulit naman talaga at worth ang paglipat ko sa company na ito.

Monday - Supposedly eh ito ang start ng training pero Holiday sa US (President's Day ata - bank holiday) kaya nalipat ng araw.

Tuesday - Formal start ng training period (namin 9induction), ang rami pala namin (around 27 ata), sa may 24/F ata ng PhilamLife ang induction area. Nagpakilala lang ang mga managers ng iba't ibang department na kelangan namin ma-meet just in case may mga questions and queries related to them like the IT, Security, HR and Operations. Wala akong masabi napaka thorough ng information and handouts na mga binigay nila, as in elaborated talaga and hindi mo na kelangan pang magtanong. At the start eh Nagpakilala ang aming Operations Manager (which is Sir Darwin), masyado lang akong na-inspired sa job history niya, imagine at the age of 26 eh manager na siya), si Ms Judith na napaka accomodating at joker talaga at lakas ng PR power. Then we tackle the benefits, health cards, other work related matters. Marami pa sana akong gustong sabihin kaso medyo mahaba na at in general iyon ang mga nangyari.

Wednesday - Friday - Ayun sa training room/class sa 27/F na kami na designate. Ok naman ang lugar cozy and little bit cold, hindi pa naman ako nakakapag-dala ng jacket kasi ang init sa labas at nakakatamad (tanghali kasi ang start ng klase), at class mismo, grabe talagang gumagastos sila ng mga paper as handouts/aids for every topic (alam ko recyclable naman at nagagamit ulit), at saka for every right answer during discussions eh may reward na foods, which is quite motivational talaga. Ok magturo sina Ms Judith and Wilma (nahati na ang class kasi marami nga kami), proud naman ako kasi kami ang pioneer batch ng account na iyon under Home Lending Department ng JP Morgan at second batch kami sa Department na iyon. Kaya todo naman ang pag-iintindi ko sa mga lessons (kahit medyo wala akong experience sa area na iyon), I'm doing my best naman para maintindihan ang ibang ibang terms and loan procedures and sana ma-endure ko pa at maging masaya ang mga susunod na training days with them.

Dumagdag na naman ang circle of friends ko sa paglipat ko sa JP Morgan, yung mga kasabayan kong batch siyempre.. buti na lang nga at marami kahit papano ang mga boys kaya nakakapag bonding minsan lalo na pag breaktime at sabay kain sa pantry ng 24/F (thank you sa free iced tea/coffee na talaga naabuso ko naman minsan hehe!), sana nga pagbaba namin sa operations area eh marami pa kaming maging kakilala lalo na ang mga vets sa ibang departments and accounts. Excited na rin ako sa payroll kahit medyo malayo pa, yung Chase jacket grr.. i need to get that as well as caps and other apparel, wala lang; ganito talaga pag proud ka sa company mo at alam mong binibigay nila ang lahat para sa satisfaction ng employee and in return we give that favor sa pagtaas at buti ng job performance/productivity. Amen! That's why kahit at this early point.. I really love Chase!!!

Wish List / Book

0 Reaction(s)
Dracula, Prince of Many Faces : His Life and His Times
written by: Radu R Florescu, Raymond McNally

Dracula, Prince of Many Faces reveals the extraordinary life and times of the infamous Vlad Dracula of Romania (1431-1476), nicknamed the Impaler. Dreaded by his enemies, emulated by later rulers like Ivan the Terrible, honored by his countrymen even today, Vlad Dracula was surely one of the most intriguing figures to have stalked the corridors of European and Asian capitals in the fifteenth century. In this definitive biography covering Vlad Dracula's life and subsequent legend, readers will discover that life can truly be more terrifying than fiction.

Weak and Strong

2 Reaction(s)
Emotional: This cycle tracks the stability and positive energy of your psyche and outlook on life, as well as your capacity to empathize with and build rapport with other people.

Intellectual: This cycle tracks your verbal, mathematical, symbolic, and creative abilities, as well as your capacity to apply reason and analysis to the world around you.

Physical: This cycle tracks your strength, health, and raw physical vitality.

Mastery: This is the composite of the Intellectual and Physical cycles. Mastery encompasses your ability to succeed at tasks and to obtain what you desire. This cycle also tracks athletic ability and the focus required to learn physical skills.

Passion: This is the composite of the Physical and Emotional cycles. Passion encompasses your motivation to act, and the drive that allows you to continue a difficult pursuit. This cycle also tracks sexuality in its purest form.

Wisdom: This is the composite of the Emotional and Intellectual cycles. Wisdom encompasses your understanding of the world, your role in it, and the things that are truly important to your life. This cycle also tracks the presence of mind that you need to make crucial decisions.

***

Hayz.. kagaya nang naka-indicate sa biorhythm chart ko para talagang wala akong gana ngayon at bukas eh mas lalong critical pa dahil nag reach sa zero line ang physical at emotional wave ko, kaya siguro kahapon eh walang katapusan ang pagbahing (sneeze) ko sa amin, na namumula na ang ilong ko kakakamot, allergic kasi ako masyado sa dust pero hindi naman sa hair ng cat. Hindi tumigil iyon hanggang gabi at basa na ang facetowel ko sa sipon hehe! Buti naman kaninang umaga eh medyo ok na ako.

Pero nakakatamad pa rin ang araw na ito, parang walang nangyayari sa buhay ko ngayon at parang napakatagal ng Martes kung aantayin mo. Tapos makulimlim pa which adds to the mood pa ng buhay ko. Ewan ko, siguro kulang lang ako sa thrill of an adventure siguro or kelangan lumabas naman ako sa kweba ng Montalban at lumanghap ng polluted na hangin sa ibang lugar. Balak ko sana dumaan sa tulay kahapon para magpahangin pero naunahan ako ng katamaran. Tsk tsk. Ganun ako dati nung nasa San Jose pa kami nakatira pag hapon dadaan ako ng tulay para manood ng paglubog ng araw at ang damhin ang hangin mula sa ilog.

Kagabi eh medyo late na ako nakatulog kasi mga hating-gabi na nakauwi ang tatay ko at may dalang isda mula sa kliyente nila na kakilala naman niya, ayun puro tilapya, wala naman akong choice kundi iyon ang kainin kahit hindi ko hilig talaga ang isda kundi tokwa at gulay sa ngayon medyo nakakasawa na kasi ang baboy talaga at mukhang narating ko na ang "satiation point" ko doon at iwas cholesterol muna para healthy kahit papano.

Ok yung palabas sa Ch.7 kagabi yung nanalo ng prize sa New York Festival ata, dun naman ako bilib sa 7 kahit medyo Kapamilya kami eh talo talaga ang 2 sa current affairs program ng 7 masyado na kasi silang tambak sa entertainment na hindi ko naman tipo talagang panoorin at sayang lang sa oras, and yung title ng documentary eh Iskul ko number 1 ni Sandra Aguinaldo.. Sana eh magsilbing modelo ito ng iba pang mga paaralan at ng mga estudyante na maswerte pa nga sila at kahit papano eh lahat ng pangangailangan nila eh natutugunan samantalang ang mga batang ito eh todo ang pagtitiis at sikap para lamang makapagtapos ng pagaaral at kahit salat sila sa mga pangunahing kailangan sa iskwelahan eh natutugunan pa rin nila ito at nagiisip ng paraan para matugunan ang mga ito, sana nga eh bumuhos pa ang tulong hindi lang sa lugar na ito kundi sa iba pang depressed area sa probinsya.

Who would think that the country’s number one elementary school is located on a mountaintop in one of our poorest provinces?

The Sindangan Elementary School of Southern Leyte surprised everyone when it topped the 2006 National Elementary Achievement Test (NEAT) given by the Department of Education.
Sandra Aguinaldo meets the students and teachers of this quaint rural school, and documents exactly how Sindangan became the top elementary institution, at least in terms of test performance, in the country.

Much of its success can be attributed to Teacher Lea Gabriel. Teacher Lea herself grew up in Sindangan. She then moved to Manila, working as a domestic helper in order to send herself to college. When she decided to return to Sindangan to teach, she made sure that her students would get the best possible education she could provide. Teacher Lea would use games to teach math to her students. She would also make creative visual aids, spending out of her own pocket.


But many of her bright students will never even make it to high school because of poverty. After their elementary graduation, many of the boys go straight to work in the rice fields, while the girls go off to Manila to apply as house maids.

Currently Watching

0 Reaction(s)
Brothers and Sisters is about a collection of five enmeshed and somewhat damaged adult siblings and their strong but passionately devoted mother, Nora Walker (Oscar and Emmy Award winner Sally Field). The Walkers' lives have not been without challenge; romance, parenting, divorce, infidelity, addiction, war and even death have pushed each of them to the limit, but they continue to work toward living their lives as individuals, while loving each other unconditionally and trying to maintain some semblance of normalcy after the loss of their larger-than-life family patriarch, William Walker.

Eldest sibling Sarah Whedon (Emmy Award nominee Rachel Griffiths) is a mother of two who left a prestigious corporate job to spend time with her family and run Ojai Foods. After finding the business in ruins, she fights to salvage what's left of her failing marriage and keep Ojai alive. Kevin (Matthew Rhys) is an openly gay lawyer who is cautiously learning about love while keeping the family out of legal trouble. Loyal middle brother Tommy Walker (Balthazar Getty) struggles to provide the emotional support needed by his beautiful wife, Julia (Sarah Jane Morris), and their vulnerable newborn daughter, Elizabeth, while risking everything to open a winery with his father's lifelong mistress, Holly Harper (Patricia Wettig). The baby of the family, Justin (Dave Annable), struggles with war trauma and addiction, while Kitty (Calista Flockhart) hits the campaign trail alongside Republican presidential candidate Senator Robert McCallister (Rob Lowe) - her boss and fiancé.

***
I know hindi ako ganun kahilig sa drama na mga palabas, pero wala lang parang nakaka-relate lang ako sa palabas na ito, kahit sabihin mo medyo nakakaantok minsan ang palabas may mga moments/episodes na talagang medyo napapa-senti na lang ako bigla at naiisip ko na somewhat pareho ng kalagayan ng mga character sa TV series na ito, alam mo na mga obstacles na dinadaan sa buhay, struggles and kung paano nila na-overcome mga ito and stay as one family pa rin. Ayoko nang gawin pang specific pero talagang attached ako ngayon sa panonood ng palabas na ito. Pag family talaga ang paguusapan medyo lumalambot tayo at nagiging emotional.

Mainit

0 Reaction(s)
Kahapon sobrang busy talaga ako sa pag-alis dito at doon, wala lang parang nagkasabay-sabay kasi ang mga lakad ko kahapon at hindi na nga ako nakapag pahinga man lang, after kasi mag-net eh mga tanghali na iyon eh kikitain ko si Kuya June at samahan niya ako sa officemate ko sa may Sports Center habang siya naman eh naghahanap ng swimming gears para sa anak niya mga 3pm pa naman ang usapan namin ng kasama ko pero nakarating ako run mga 2.30pm kaya na-text ko na siya na magkita na lang kami sa McDo sa tapat lang then ilang minutes lang eh andun na siya.

Then usap muna at bili na kami ni Kuya June then at around 4.30pm eh umuwi na ako dahil nga makikipag-kita naman ako sa isa ko pang friend sa may MegaMall yun na nga medyo hindi na ata ako aabot kasi nanood pa ako ng Naruto (ang sama ko talaga!), 6.30pm ang usapan pero what time na ako naalis sa haus mga 6pm at sumabay pa ang trapik; ang malas ko nga naman that time talaga oh, nakakahiya tuloy kina Mark kasi may kasama pala siya at na-delay ang lakad nila dahil sa akin kaya naman eh todo ang sorry ko sa kanya, buti na lang at mabait siya at mga kasama niya, wala lang kaunting kwento lang sa mga nangyari sa ibang kasama namin, plan nga eh kung nalalayuan sila sa meeting place sa Mega eh sa may Southmall na lang tutal halos lahat naman sila eh sa Cavite nakatira medyo dehado sa akin pero Ok lang sana nga this March eh matuloy na.

Pati na rin nga sa real property tax sa bahay namin eh nabayaran na ni Mama at nakuha na rin niya ang Voter's ID namin dyan sa munisipyo buti na lang kamo at naibigay pa kasi hindi na kami umaasa pa dahil sa tagal ng pag process nun, isa pa yan sa mga nagpaabala sa kanila sa pagkuha ng pera sa Western Union, amp tlaga.. kulang na lang eh yung mapping ng haus mula sa isang surveyor at makakapag re-structure nas kami ng loan sa Pag-ibig ulit.

Kanina eh medyo nag-init lang ng kaunti ang ulo ko sa mga text messages nila Luz at Jeth sa akin regarding sa process ng clearance, para kamong bumalik ako sa kolehiyo ulit sa dami ng department na pipirma para lang sa clearance, at kailangan pang sunod sunod siya at may araw kung kelan lang sila pipirma and one more thing eh may "bayad" pa kamo ang locker na kung saan eh halos hindi ko naman nagamit talaga, kapal talaga ng mukha ng mga yan; naaawa lang tuloy ako kay Luz (isa sa mga unang nag resign sa batch namin), kasi pabalik-balik siya at kung minsan eh wala namang pipirma kahit pa kamo andyan na sila at umaabot pa siya ng 1am ng madaling araw para pirma.

Jin's Dilemma

3 Reaction(s)
Supposedly eh last day ko ngayon sa work pero medyo nakakatamad na rin kasi pumasok at isa pa eh wala na talaga ako pera kaya antay ko na lang talaga yung ATM na magkalaman ngayon at syempre san pa ba mapupunta ang sahod ko kundi dun sa gastos sa bahay at kailangan na rin kasi bayaran yung real property tax namin at mapping ng lugar namin para maayos na ng father ko yung Pag-ibig housing loan namin baka kasi next month eh magbigay na ng closure order pag wala pa kaming ginagawa.

Hayz ang hirap talaga ng buhay, kagaya ng classmate kong si Beth, na lahat halos ng sweldo eh napupunta na sa gastos sa bahay at wala man lang tira para sa sarili mo, may gusto kang bilhin o kainin hindi mo pwedeng magawa dahil yung pera na iyon eh pang-gastos sa bahay.

Isa pang iniisip ko eh yung pag-work abroad, kagabi eh nag-text sa akin si Miko (officemate ko sa Intel), ayun sa Mar.8 na ang alis niya s Dubai, last day na ng final interview ngayon ng employer sa may agency sa Malate, buti pa siya kamo at makakaalis na at makakapag-ipon na talaga, ako kasi nagdadalawang-isip pa rin, 1] gusto ko makapag-ipon ng pera kaya gusto ko mag-abroad, kasi dun libre lahat at talaga yung sweldo mo eh walang bawas hindi kagaya dito sa Pinas na lahat na lang may bawas hanggang mamatay ka na lang may babayaran ka pa rin; samantalang 2] gusto ko naman mag create ng career at stable job dito sa Pinas para hindi na ako palipat-lipat pa ng company, I wanna try JP Morgan first kung magkakaroon ba ng direction ang career ko rito. Pag walang nangyari eh di syempre back to option 1 ako.

Isa pa itong problema eh yung kapatid ko na ilang buwan o taon nang walang job, masyado kasing mahiyain at laging kailangan pa ng kasama kapag mag-aaply sa ibang company, kaya ako na mismo ang nag-aaply sa kanya through Internet at mag-tetext na lang sa kanya yung employer kung pasado siya initially sa mga requirements nila. Gusto ko rin na siya na lang ang pumalit sa slot ko sa pag-aabroad dahil nga gusto ko muna try itong new company ko, habang siya naman eh andun at kumikita na, para kahit papano eh guminhawa naman ang buhay namin, ilang taon na rin na ganun pa rin ang takbo ng buhay namin, parang tubig sa kanal dyan sa labas - '"stagnant", gusto ko naman ng pagbabago kahit papano at umikot ang gulong ng kapalaran sa amin.

Iyon na lang muna sa ngayon, guys pasensya na at hindi ako nakapasok sa last day ko sa work dyan sa ICT, magkikita pa naman tayo eh, sana nga swertehin tayo sa buhay natin ngayong taon kagaya ng ibang mga kasama ko. Tatahakin ang mga landas na hindi pa napupuntahan, susubukan ang tapang at lakas ng loob. Hehe! Korni ba! Wala lang ganun talaga ang buhay minsan. Hanggang sa muli!

Puso

0 Reaction(s)
Valentines Day pero hindi naman ako nagcecelebrate nun, it's just an ordinary day kagaya ng ibang holiday sa Pinas, kumikita lang ang mga kumag na negosyante sa special day na iyan. Pwede mo namang i-celebrate iyon any day pa kahit pa sa Mahal na Araw eh mag PDA pa kayo. Wala lang siguro ganun talaga pag single wahaha! Wala lang ganun talaga ang life, walang partner, currently naghahanap pa rin ako, seeing ang texting someone syempre first frienship muna tapos come what may kung anu na ang mangyari.

Probably ito na ang last day ko sa work, medyo tinatamad na rin ako at para makatipid na rin ng pamsahe pero ewan ko hindi ako magsasabi ng tapos baka pumasok pa ako or nde na talaga, wala lang kasi wala naman masyadong ginagawa at alam mo na, para makapag move on na ako at hindi ko na ma-miss ang mga ka-office mate ko run, kanina nag very very short parts sa Valentines mga games lang naman, sayang nga at wala akong chocolate kahit man lang pa despedida at pa-birthday ko na rin. haha!

Uber na!

3 Reaction(s)
Grabe tinodo ko na talaga ang 100% ng aking kapangyarihan sa records ngayon.. naka 600+ ako ngayon, siguro iyon na ang una ang huli kong gagawin para sa company. Bukas magpapaalam na ang kasama ko na kasabayan ko sa JP Morgan, ako naman eh sa Friday pa ang huling araw ko. Hayz nakakapagod, ilang calories rin ang naubos ko dun.

Whispering Hopes

2 Reaction(s)
Kumusta! Hindi ako nakapasok ngayon sa work kasi ba naman tinanghali ako ng gising amp! nagiging maantukin ako ngayong linggo ata ah siguro nag aadjust na naman ang body clock ko sa mga past shifts na parang see-saw. Kagabi eh mga 8pm na ako nakauwi sa ICT sa Internet area, hindi ko na natapos yung Naruto at up to ep.15 lang ako, medyo mabagal na ang connection at parating na ang mga agent kasi lalo na si Mayora (reyna ng Net) kaya medyo dapat na akong umalis, nagpapalipag lang naman ako ng oras kasi traffic pa at around 7pm kaya nagpalipas lang.

Nakita ko na naman ang crush ko sa lockbox kagabi (other account aside from Flook sa area namin) wala lang, ok ang ayos nya kagabi, hindi nga lang siya nakapag Net kasi yung kasama niya eh sapaw at ituro ba naman ako na dun na pumila; alam na naman nila pag naupo ako dun eh matagal pa bago ako umalis (pero mas mataas pa rin si "Reyna Elena (real name ni Mayora) sa akin), wala lang sayang, pag naupo sana siya at nagtanong baka siya muna pag Internet ko para alam ko na ang Friendster niya (may motibo ahihi!), ang hirap kasi kausapin at makahanap ng connection sa kanya, baka mamaya eh tsismis na naman ang abutin ko nito, pero ang cte nya talaga kagabi, hehe pero taken na iyon at may asawa na, wala lang kausap ang asawa niya, selos nga ako.. Crush lang naman! teehee!

Up to now wala pa ring work ang bro ko ilang months na rin, paano kasi ang pili sa work; ayaw na kasi niya ng contractual type na isang term ka lang tapos hindi ka na pwede mag renew, iniisip ko nga at ni Mama na mag-abroad na lang siya kapalit ko (plan ko kasi pag tumawag na yung agency ako ang aalis), ako rin naman kasi gusto ko muna try ang JP Morgan kung maganda ang lagay ko dun eh baka dun na lang muna ako, kaya naman pag tumawag ang agency eh sasamahan ko siya dun at aaply ko kasi sobrang mahiyain iyon pag walang kasama, kaya ngayon naghahanap rin ako sa jobstreet para makatulong naman siya sa amin, ang daming gastos sa bahay na parang isinumpa na ata ang lugar na iyon. Hehe!

Sana nga eh magkapera na agad kami para maasikaso ni Mama ang lupa ng lola namin sa Bohol, sayang naman kasi, malawak ang lupain nila pero walang pera para ayusin ang mga ito, mag isyu rin sa tenant na kelangan nang ma-settle dahil ilang dekada na rin niya niloloko mga kapatid ni Mama ukol sa pangangasiwa at sharing ng mga inaning mga pananim, balak rin ni Mama magtayo ng mini grocery sa area dahil parang wala pa sa civilization ang lugar na iyon at nag-iisa lang ang grocery dun at medyo malayo naman sila Mama para makipag kumpitensya, sana nga manalo sa lotto para kahit papano eh makatikim naman ng ginhawa kahit panandalian lang.

Kanina eh may balita na suspendido si Mayor Cuerpo (mayor ng Montalban, Rizal), kaya naman ang daming supporters kuno dun at nag-aantay na lang na mabalita pa ito at mapanood sa TV, organized nga eh, nakakatawa parang anticipated na nila na ganun ang mangyayari, malamang eh sa "basura" issue na naman ang pinagtalunan nila ni Governor Ynares, bahala sila sa buhay nila, mag pulitiko nga naman "self-interest" lang ang alam nila at kung paano makakakurakot sa kaban ng yaman. Nakakahiya kayo!

Sa ngayon eh nag-aantay pa rin ako ng email and SMS mula sa HR Dept ng JP Morgan about sa finan instruction bago pumasok next week sa company, i dunno anu ang inaantay ko aside from the employee number na ibibigay nila, wala naman akong contact sa ibang kasama ko na nakapasa na run, basta antay na lang ako within this week, hanggang sa muli!


and finally..

Regarding sa theme ng blog ko ngayon eh may kinalaman sa pag-sagwan (sailing), naiisip ko lang na parang ganito ang takbo ng buhay ko ngayon na parang nasa barko ako ngayon "sailing through unchartered waters", hindi alam kung anu ang makikita sa dulo nito, ito ang gusto ko, adventures para kahit papano eh hindi monotonous ang buhay natin, ngayon ang taon ng katuparan ng mga pangarap, ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa, mga obstacles na dapat lagpasan, hindi naman ako mag-isa lang sa pagtahak sa landas na ito, may crewmates ako na handang tumulong sa akin sa anumang oras, andyan ang aking pamilya, kaibigan at ikaw na nagbabasa. Salamat sa pagbibigay ng oras na basahin ang aking blog entry.

Lazy Monday

2 Reaction(s)
Nakakatamad ang araw na ito. Maski mga kasama ko eh inaantok buong araw, ako nga nakatulog na nga dito kaka-antay lumipas ang araw at matapos ang shift namin. Hindi ko rin gusto ang seat plan nila, hindi ako maka-idlip man lang. Joke!

Up to now which is mga 7pm na eh andito pa rin ako sa pantry area at nag Internet, ilang araw nalang ako dito at sana eh pagbigyan na lang ako ng mga tao dito.. haha! wala lang.. watch lang ng Naruto.. hindi ko na kasi nasusubaybayan dati kasi alam mo na walang net connection at iba ang line ng work ko dati.. pero iba pa rin ang tagalized version nito sa Dos mas nakakatawa at hindi mo na kelangan pang tumingin sa translation nito pag nanonood ka.. Nasa simula pa lang ako at mukhang hindi ko na siya matatapos pa. Sige hanggang sa muli.

Whew

3 Reaction(s)
Mula kagabi eh mukhang sira ang system ng Smart, hindi man lang ako makapag pasa, all-text man lang. Pero swerte yung may natirang load that time kagaya ng kapatid ko kasi text-to-sawa na naman ang kumag. Kaya ayun kahit sino eh nag-tetext ako maski sa ibang bansa. Minsan lang ito kaya naman dapat sulitin talaga. Buti nakapag text ako sa friend kong nasa Al-Khobar, Saudi Arabia, pag may time at free sya eh kelangan naming magusap tungkol nga sa work nya run, medyo nauna lang siya sa akin nang kaunti at hindi ako nakahabol last year sa kanya sa pagpunta dun. Nag text siya kasi last month na baka this or next month pumunta ang employer ng Nesma dito sa Pinas at kukuha na naman ng job order.

Iyon na nga pinagiisipan ko, lagi na lang sumasabay ang mga jobs na dumarating, sa ngayon yung JP Morgan tapos baka magtawag na naman yung agency sa akin, hindi ko nga alam anu ang uunahin, kapag sa Nesma kasi free lahat at makakapagipon ka pa, sabi nga niya hataw raw sa overtime kaya malaki na siguro naipon ng mokong kahit ilang buwan pa lang siya dun. Pero itong JP Morgan rin napagisip-isip ko na sayang rin kasi iba ang pag build up nila sa mga employees nila at kahit papano eh Ok naman ang sweldo at kapag nagtagal ka run eh mas malaking compensation ang makukuha mo at sasamantalahin ko muna yung instant medical assistance nila once nakapag start na ng work. Kaya ayun inisiip ko muna na yung kapatid ko na lang ang mag-apply dun since wala pa naman siyang work ngayon.

Kaninang umaga naman eh super busy ang araw namin na parang family day talaga kasi lahat eh may work, may naglilinis, nagluluto, nagaayos ng sirang tubo sa banyo, nagbabantay sa tindahan,, in the end sabay rin kami kumain ng tanghalian which is very rare na mangyari kasi either may nauuna sa amin or late nang kumain. Masarap talaga pag kasalo ang pamilya. Waaa.. Mushy na naman amp! tama na nga yan.

Ilang araw na lang eh aalis na ako sa ICT wala lang nakaka-miss naman yung pag Internet ko sa pantry area kapag tapos na ang shift, pati na sina Mayora kung saan eh babad rin sa Internet at walang pakialam talaga sa ibang tao kung magaantay ba sila o hindi, yung unlimited na tawagan dyan sa pantry area rin. Libreng tubig at hindi kape, ang sobrang mahal na pagkain sa may vending machine, ang mga CCTV na kahit saan eh meron, yung mga coaches na iba't iba ang personality at mood swings, nakakatawa lang talaga sila na kung saan matanda na eh saka pa nagiisip-bata ngayon. Yung mga guard na mahigpit talaga sa paglalagay ng ID pagpasok mo sa work. Yung Riverbanks mismo kung saan dumadaan ako tuwing umuuwi ako, titigil run panandalian, senti mode, uupo sa may upuan na nakaharap sa puting kalabaw sa tapat ng ginagawang SM Marikina kung saan eh hindi pa tapos hanggang sa ngayon.

Miss ko na yung by ko pero ayoko na talaga siya isipin siya ngayon at parte na lang siya ng nakaraan pero andyan pa rin siya patuloy na nag tetext sa akin, laging may pahiwatig ewan ko ba sa kanya, anu ba talaga ang gusto nya, past is past na nga at wag na balikan pa ang nakaraan, hindi lang ako makapag move dahil sa mga ginagawa niyang pagtetext sa akin. Up to now still looking for an apartment/room/bedspace around Makati city, nakausap ko si Aryeh at sio Tito Al Ok sa kanila pag around 3k ang rate at 2 maghahati. Ayun sa may Cityland sa Dela Rosa ang inisiip ko, sana nga eh may bakante pang mga room para sa March eh makapalipat na ako at makatipid talaga sa pamasahe. Natatawa na lang ako kay Joseph sa laki ng gastos nya sa Makati paano ba naman kasi yung mga luho niya idagdag pa almost 5k raw ang nagagastos niya run.. waaa! anu ba yan, mukhang nde na ata siya makakaipon.

Sige hanggang sa muli, sana eh maayos ko na ang aking blog nang paunti-unti.. Ok sana ang theme kaso gusto ko mas gloomy or senti pa rito, wala lang yung sailing boat, inspired sa mga adventures na gusto ko maranasan na parang ala Indiana Jones talaga, sana nga bago man lang ako mamatay eh matupad ko ang aking mga pangarap nung bata pa ako, wala pa kasing natutupad kasi sobrang taas kasi, basta sa akin na lang iyon.

Bagong Liwanag

0 Reaction(s)
Musta na.. Hindi na talaga ako nakakapag Net ngayon linggo dahil andami na ring mga trainee ang nasa pantry at nag Internet na rin, medyo naaasar lang ako sa kanila kasi dati hindi naman kami ganun nung trainee palang kami at nahihiya pa nga kami lumapit man lang sa unit, ngayon talagang kapal-muks talaga mga *%$ na yan. Hehe! Siguro hindi lang ako sanay talaga at iba na ang panahon noon at ngayon kung saan eh kaunti pa lang nag Net talaga.

Ilang araw na lang eh, aalis na ako sa ICT at lilipat na sa JP Morgan sa Makati; up to now eh naghahanap pa rin ako ng apartment/bedspace along that area. Mahirap talaga pag thru Net at text lang, hindi naman ako makapunta sa area mismo kasi tapyas na agad ang extra money ko para maghanap, ito namang classmate ko na naghahanap rin tamad masyado at ako lang pinapahanap nya. May nagsabi Ok raw sa mga condo na room for rent na bedspace na rin sa loob, ayun up to now inquiry pa rin ang ginagawa ko, sana nga eh makahanap na ako para next month makalipat na ako.

Napansin nyo na medyo bago ang layout ng template ko, pasensya na at medyo magulo pa talaga siya kasi kinalawang na ako dyan sa HTML/xHTML codes kaya hindi pa naayos yung sidebar niya at yung text eh medyo malaki, saka ko na lang aayusin next time. Ang mahalaga eh bagong look na sya na sumasabay sa pagbabago ng buhay ko ngayon.

Kahit medyo maaga pa eh nagpapasalamat na ako sa mga ka-batch ko and my coaches para sa oras, tiyaga at pagiintindi na binigay nila sa akin sa loob ng almost kalahating taon na pamamalagi ko run, kahit medyo hindi maganda ang paraan ng pagsahod dun na puro disputes na lang kada buwan, nagkaroon ng bagong meaning ang buhay ko run at nakatagpo ng iba't ibang tao na nagpaunlad sa aking pagkatao, bagong kaibigan, karanasan at pag-asa.

Salamat kay Mark (sa pagiging joker sa batch, sa mga kwento niya sa buhay, kabiruan lagi), Reeks (sabi nga niya eh parang nakikita niya sarili niya sa akin when it comes to gaming, yung eagerness at passion sa games, yung kwentong "Black Hole" na anything goes na kahit saan napupunta ang kwentuhan), Robert (pagiging maginoo, mahinahon at mga advice regarding sa buhay abroad), Luz (kahit nauna ka pa nag resign hanga ako sa iyo dahil strong willed kang babae at hindi nagpapatalo sa hamon ng buhay sa tulong ng dasal), Jaja (pagiging matured, pala-asar at diretso kung makipag-usap), Tan (kahit ayaw mo gamiting ang mahaba mong pangalan ikaw pa rin ang nag-iisang Aiza ng ICT, sa mga biro nya, kalokohan, laging naka-ngiti, iyan ang gusto ko sa iyo sweet, Bugi (sa advise, kwento at pagiging kuntento sa simpleng pamumuhay lang), Cherry (asar-talo pag nag back-fire pang-aasar niya), Garry (hindi na kailangan kasi kasama naman kita sa paglipat, sa pagkwento niya sa buhay niya at sa mundo ng musika), Jeth (pagiging koboy lagi at game sa lahat, bagay talaga kayo ni Reeks haha!),

Sina Tina/Mylene/Joy/Noemi (ang quartet sa gimikan at sila lang nagkakaintindihan talaga, salamat sa pagiging kaibigan), Marife (si Ate Fe sa mga advice at pagkwento na rin ng buhay nya at kung paano nakaka-cope sa mga everyday problems), Jonatan/Leilani/Ate Nat (mga kaibigan ko sa naunang batch, sa pagkakabigan, sa mga oras ng tawanan at lungkot, sa mga advice na rin) at sa mga Vets/Coaches/Team Leaders and Mam Tess (salamat sa pagtuturo, pagtitiyaga, pag-intindi sa kakulitan ng batch namin at sa experience na rin maka-trabaho kayo hayaan nyo at ibabaon ko ito na parang kayamanan ang mga alaala sa aking puso't isipian)

Bagong Tabas

1 Reaction(s)
Pasensya na talaga at medyo hindi pa ayos ang blog ko ngayon. Medyo lang sandali at naghahanap pa ng bagong layouts o kaya eh pandagdag sa sidebar ng blog. Marami akong dapat isulat sana kaso nga eh kulang na kulang ako sa oras para gawin ang lahat ng mga iyon. Marami rin kasi akong ginagawa sa office at sa amin kaya wala akong time para makapag Net man lang. Baka mamaya o kaya sa ibang araw eh makapag post na ako. Salamat ulit.

Salamat Po!

0 Reaction(s)
salamat nga pala sa mahigit na 10,000+ pageloads at 7,000+ na mga bagong bisita sa aking blog sa loob ng 2007..


Thot

0 Reaction(s)
Kawawa naman ang baboy.. Pinanganak lang para kainin ng iba..