Currently reading..

0 Reaction(s)
Yehey! kahapon dumaan ako sa may Glorietta then napatingin ako sa mga books for sale.. bumaba ako then while browsing natuwa ako dahil andito yung matagal ko nang gustung bilhin kaso mahal; title ng book eh "Dracula: Prince of many Faces, His Life and His Times" by Radu Florescu and Raymond McNally, 4 yrs ago Php 1,500 pa sya pero sa ngayon eh Php 200 na lang kaya naman hindi na ako nag dalawang isip kaya binili ko na, inspired lang siguro ako sa book ni Bram Stoker: Dracula, i want to know more the historical Vlad Tepes (The Impaler) against the novel whereas ginawang inspiration ni Bram ang 15th century Wallachian ruler.

Random

0 Reaction(s)
kakabasa ko lang entry na ito.. wala lang,masyado lang akong naapektuhan sa matinding emotions mula sa author; talagang about deep inside ang message ng poem..

A MAN’S BROKEN HEART

I thought I already knew the game of love is all about
Now I get caught in the middle to the game I played out
When a guy loves a man, I told myself be careful at
Boys do cry, not me but him screaming out.

It really hurts loving a man, hidden and forbidden, not accepted nor welcomed
That’s why I’m afraid, when things were getting serious and he’s coming one by one
I love him, he loves me more, I need him, and he needs me more
He’s someone who completes me, but completely I cannot own.

He is sacredly vowed, blessed by god above
We truly love each other, ignoring what’s in store for us
We both found a place, near to each other’s heart
But things came to an end, when I decided to hold back.

After that wonderful kisses, then why I should I leave him
I don’t know why I’m not happy, I want him to set free
He refuses to let of me, and it really kills inside
Coz I want him to stay, but he cannot be mine

I’ve been waited for this moment, to be loved by a man
Who touched my heart and my body, but in my soul I’m a dead man
Full of guilt and worries, now how can we be happy?
If someone is dying, and your better life will be leaving

I’m too ambitious, frustrated by the broken dreams
What’s left is the pieces of hope, deceived now by the dream
He is flared with riches and fame, but he sacrifices them just for me
He’s dying to work all night to build bridges with, me.
There’s isn’t a better way to break somebody’s heart

Hurt can’t be avoided, when love will torn apart
I’m doing this for love unselfishly, so go on now continue your journey
There’s a heaven ahead of you, into hell if you chooses me.
I need to find myself now, whether I’m right or wrong

To face with the fire, knowing I’ll get burn
Fire will surely hurt me, but the traces and scars will help me to be strong
But I hope I could stand it before I completely burned
DAD I’ll be lonely, and sorry to leave you behind

But I’ll be watching you by far, hoping you’ll be fine
Thanks Dad for the moment, for sweetness and being kind
Forever I’ll be thankful, in my heart you’ll be kept inside
Things won’t be the same again, let’s move on with our life

What are left are the memories and the love I failed to give
The love that you gave, which I think I don’t deserve
May the right one will have it and take you as a whole.
It’s hard to pretend I don’t love you, YET I still miss you

Every time my 3310 beeps, hoping that would be you
Forgive me Dad I can’t stand to fight our love, and now I surrender you
I’m not saying goodbye, I’m just standing right behind you
Days had passed without you, and it feels like eternity

Pain in my heart starts fading, but longing ness and guilt still remains
Completely I can’t forget you; every time I close my eyes it reminds me of you
I’m wondering if you feel the same thing the way that I do.
Now were completely gone and I can see you never

We already said farewells and our goodbyes forever
I don’t know how to end this line…or do I really want to?
So I’ll just leave a question, are goodbyes forever?


Senti na naman

0 Reaction(s)
Tulala na naman ako at nakatingin sa kawalan habang nakasakay sa tricycle at papunta na sa shop ng ka-berks ko dito sa may highway. Iniisip na naman ang kalagayan ko ngayon kung bakit hindi ako masaya sa buhay ko ngayon. Nakakalungkot na pakiramdam ko lalo na sa office na nag-iisa lang ako, na hirap akong makihalubilo sa ibang tao, iba kasi ang interest ko sa kanila, hindi ko man lang malabas ang aking mga problema at mga hinanakit sa buhay, kaya pag naiisip ko mga iyon, napapaiyak na lang ako sa sarili at kinikimkim ko na lang sa sarili ko. Hindi ko pinapakita sa kanila ang aking kalungkutan at mga problema dahil wala naman silang pakialam at may sarili rin silang mga problema. Hirap magsabi dahil wala akong tiwala sa kanila, na hinahanapan lang nila ako ng butas para ipahamak. Pasensya na at ito ang iniisip ko pero pareho naman tayong (mga tao sa office..) walang ginagawang effort para magkalapit at magkausap tayo nang mas malalim pa. Hayz.. napapagod na po ako minsan sa buhay, kung bakit ganito ang kinahahantungan ko ngayon, kung bakit sobrang lungkot ko, kung bakit wala akong nakakasama sa buhay kung saan pwede ko i-share ang aking nasasaloob, mga achievements, frustrations.. Hanggang kelan ba akong ganito.. kelan kaya ako sasaya.. Kelan kaya ako magiging kuntento sa buhay.. Minsan naisip ko na sana namatay na lang ako para matapos na itong paghihirap na nararamdaman ko ngayon, naaawa ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang matulungan ang aking sarili sa mga araw-araw na problema at mga obstacles na dumarating sa aking buhay.. Sana dumating na ang hinihintay ko na makakasama ko sa buhay.. puro failed relationships ang nararanasan ko.. sana nga this time.. makita ko na siya!

Ow Pi

0 Reaction(s)
Minsan nakaka-OP lang talaga sa office lalo na ngayon pag naguusap sila at biruan sa mga pamilya nila, wala lang; hindi ko lang masakyan yung mga jokes nila minsan kaya tumatahimik na lang ako. Ewan ko maski sa mga interest or hobbies ko hindi rin ako maka relate sa kanila kasi mukhang ako lang mahilig sa mga sci-fi at video games alam mo na naaiba ang mindset kapag may own family na. Iba na ang focus nila at level nang pakikipag halubilo at biruan. Pero Ok lang iyon work naman talaga ang habol ko at yung personal side eh add-ons na lang iyon. Kaya siguro napapansin nila minsan eh hindi ako nakikipag usap sa kanila, kasi alam mo na, iba kasi pag pareho kayo nang interest, mas lalong makakapag open sa mga usapan na related sa interest nyo. Ewan ko medyo nahihirapan ako rin minsan makipagusap sa kanila, saka na lang ako nakakahinga ng maluwag kapag pauwi na ako at nagiging anonymous na naman sa lahat. Sensya kung medyo magulo ang entry ko ngayon. Medyo nakakasawa na rin kasi ang buhay ko ngayon, wala nang bago. Gusto ko ng adventure hindi ko naman alam kung anung klase. Bahala na...

Anu na

0 Reaction(s)
Pasensya na at medyo hindi ako nakakapag update sa aking blog ngayon, medyo tinatamad lang ako nang kaunti sinamahan pa ng bagyo na yan kung saan eh ganado pa naman ako mag update eh saka naman nag brownout sa amin. Lalo na yung nangyari sa Toycon last June 14 kaso hindi ko pa nakukuha ang mga pics mula sa ka-berks ko. Nakaka-apat na buwan na rin ako dito sa Chase and sana nga magtagal ako dito dahil maganda naman ang performance ko dito, yun nga lang minsan naiisip ko na nakakasawa na minsan ang work pero kagaya rin naman ito sa ibang job ko na paulit-ulit rin, iyon nga lang maganda ang system at employee relations nila kaya satisfied ang mga peeps dito. Mula rin nung nakakapag wap ako through Globe eh walang tigil na ang access ko sa YM at YMail!, na upload ko na rin mga pics ng naging crush ko nung college pa ako, wala lang.. sana nga naging kami pero hindi na ako umaasa, tama na sa akin na andyan sila and in good terms kami.

He Says

0 Reaction(s)
one of the mushiest blog entry na nabasa ko.. thanks Yohske.. naalala ko na naman college crush ko.. sana happy siya ngayon!!

And then, you crossed my mind. Just like that. You crossed my mind. Reluctantly, I typed in something — your name. My fingers spelled it correctly. Yep, the file opened.

Good thing I thought of you first. Right now, my fingers are still stammering your name. They used to shout it out loud. Two years ago. I’ve had many passwords after you. (My fingers missed typing your name.)

-The Second Password, Yoshke

Bak to Iskul Agen

0 Reaction(s)
Team Pastoral back to school theme during at Chase LTDM "Manila Fiesta Week"

Pirmi

4 Reaction(s)
Sa loob ng 2 araw (Sabado at Linggo) eh walang nangyari sa buhay ko at isa sa mga walang kwentang araw, dahil hindi man lang ako lumabas ng bahay at nakapag Net kagaya ng regular na routine na ginagawa ko pag mga ganung araw. The usual stuff na pinaguusapan sa family, problema na naman sa pera. Lalo na't pinagiisipan naming wag muna magpatuloy sa pag-aaral itong bunsong kapatid ko dahil hindi ko talaga kaya ang mga gastos lalo na't sa kuryente at tubig pa lang malaki na ang nakakain at kelangang tapalan ang tindahan namin dahil isa ito sa mga ikinabubuhay naming pamilya. Nakakaawa tingnan na butas butas ang tindahan namin dahil nga sa walang pera na pambili ng mga paninda. Kaya ayoko rin pumirmi sa amin dahil hindi ko maiwasang kumain nang kumain kaya ang laki-laki ko na ngayon at kailangan nang magbawas. Sana hindi na maulit na buong araw eh nakatambay lang ako sa haus. Wala rin kasi akong makakasama sa labas kaya nakakatamad din pati na rin sa panahon natin na sobrang init.

Sa wari ko

0 Reaction(s)
Nakakatamad minsan sa office lalo na't walang ginagawa kami ngayon. Pero mas ok na ito kesa mag undertime kami. Marami tuloy akong naiisip ngayon. Maraming mga pangyayari ang hindi ko mailagay sa blog ko because of personal reasons. Mabuti pa nga ang iba at nasasabi nila sa blog nila ang mga bagay na sensitive. Kanina nag miskol pa si ***, nakakainis naiisip ko na naman kung sana maging kami na lang, wala lang ang bait niya kasi at talagang pinapakita niya na mahal niya ang syota niya ngayon. Ako naman kasi medyo mababaw lang ako minsan, sabihan lang ako na "Mahal kita", biglang bumibilis tibok ng puso ko. Ewan, siguro isa iyon sa mga hinahanap kong traits sa isang partner, kasi kadalasan ako na lang ang gumagawa ng paraan or moves; sana this time naman siya naman ang gagawa at ipadama sa akin na mahal niya talaga ako. Naka ilang failed relationships na rin ako for a couple of years, parang ayoko na minsan at mamundok na lang ako hanggang sa pagtanda. Wala naman kasi akong nahahanap or nagpapakita ng motibo, hindi naman siguro ako ganun kapangit para hindi nila pansinin. hehe! Ewan ko ba siguro dahil suplado ako minsan kaya nakaka-intimidate. Kaya pag-uwi sa work mas prefer ko ang mag-isang maglakad, para magisip-isip, maging sentimental. Sana'y na naman akong mag-isa, kakayanin ko naman siguro at state of mind lang itong nararamdaman ko. Halo-halo pumapasok sa isip ko ngayon, parang gusto ko pumunta sa isang isolated na lugar, mag self-reflect. Ayoko ng buhay ko ngayon, hindi ako makakilos, walang kalayaan, parang wala akong pagpipilian. Hayz.. mahirap kausapin naman ibang tao, wala siguro akong kwenta talagang tao. Thoughts ko lang naman iyon, baka mamaya mawawala na rin ito. Pasensya na sa lahat at eto na naman ako.

Porma

4 Reaction(s)
Kagabi medyo nag senti na naman ako nang kaunti habang pauwi sa may MRT, wala lang medyo nainggit lang ako nang kaunti dun sa nakatabi ko sa MRT, kasi ok at astig ang porma niya at talagang agaw pansin, mukhang mayaman talaga hehe. Bumaba na naman ang self esteem ko dahil dun, sinasabi ko sa sarili ko na wala kang kwenta at hanggang diyan ka na lang, kelan ka pa kaya makakapag ayos nang ganun, ni hindi man lang makapag ipon para sa sarili ko.Naawa ako sa sarili ko, hanggang dito na lang ba ako hanggang sa tumanda ako.

Litanya

2 Reaction(s)
Tuwing umaga na lang lagi na lang naglilitanya si Mama sa amin kung gaano kahirap ang buhay at kung nakakaahon pa ba kami dito. Medyo nakakasawa na kasi, hindi ko alam kung sino ang sinasabihan niya kasi bago umalis sa work lagi na lang iyon naririnig ko, ito kasing kapatid ko ilang taon nang walang work dapat man lang eh magkusa na siya habang si Papa eh naghahanap pa rin. Hindi ko talaga kaya mag-isa na ilagay sa aking balikat ang mga araw-araw na gastos sa bahay lalo na't paparating na naman ang pasukan at dagdag gastos na naman ang araw-araw na allowance ng mga kapatid ko. Sana'y nga dumating ang araw na nakangiti na si Mama tuwing umaga at hindi purong simangot na lang palagi.

Wala na..

2 Reaction(s)
Last Monday wala na kami ni B (baby koh), siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Nagtatampo lang ako kasi nung nagkita kami last Sunday,puro text ang ginagawa niya at ibang sim card pa ang gamit niya, ako pa naman, mas gusto ko na mag tetext ako sa kanya ng mga sweet tots pero hindi naman niya natatanggap. Sabi ko eh kaunting oras mo lang naman ang hinihingi ko pag nagkikita tayo, kung pwede eh wag na muna siya mag text at ituon niya ang atensyon niya sa akin kahit mga ilang oras lang naman, tapos hindi pa niya magawa. Sabi niya hindi niya kaya ang demand ko sa kanya, naisip ko dati nung nililigawan ko pa siya na handang siya at ako na mag adjust para tumagal ang relation namin tapos sa simpleng bagay na iyon, hindi pa niya mabigay. Bakit ganun siya, sa totoo lang ayoko magalit sa kanya, pero naawa ako sa sarili ko na nagmumukhang tanga sa kanya. Hindi man lang niya iniisip ang side ko kung bakit ako nagkakaganun, basta siya kung anu lang ang side niya, iyon lang pakikinggan niya. Siguro hidi talaga kami para sa isa't isa. Sana nga makahanap na ako nang totoong nagmamahal sa akin.

Semaj

3 Reaction(s)
Last Sunday nakipagkita ako sa isang co-blogger and this is my first time (supposedly sina Kuya Ymir at Jeff sana ang gusto kong kitain kaso walang time at hindi ko alam kelan sila free), since malapit lang naman kami sa Fairview area sa QC, kaya naman dumiretso na ako dun. At around 11am eh nagkita na kami ni Semaj, iba talaga pag nasa picture kesa sa personal hehe! Medyo maitim sya nang kaunti at pawis na pawis, paano ba naman eh kainitan ng araw eh naglalakad lang. Kumain lang kami sandali sa may food court, usap-usap tungkol sa blogging parrticulary yung mga entry na medyo malabo sa akin at pinakatago-tago pa niya. Ayun buti naman eh may tiwala siya sa akin para sabihin ang mga bagay na iyon, pati mga frustrations niya, problema sa haus and school and other thoughts na mas mabuting wag na lang sabihin hehe! Then tuloy namin kwento sa overpass malapit sa area ng North Fairview, malamig kasi dun at medyo tanghaling tapat kaya ok ung lugar, usap ulit tungkol sa ibang bagay. Then alam nyo na ang kasunod dun. Mga 3pm napagpasyahan naming umuwi na at magkita na lang ulit next time pag libre ako.

Indiana Jones and the Kingdom of Crystal Skull

0 Reaction(s)
Famed archaeologist/adventurer Dr. Henry "Indiana" Jones is called back into action when he becomes entangled in a Soviet plot to uncover the secret behind mysterious artifacts known as the Crystal Skulls.

***

Waaa.. napanood ko rin sa wakas ang next installment ng Indiana Jones series, kahit medyo matanda na si Harrison Ford eh kaya pa naman nya at may justice pa rin ang pag portray niya ng role, hindi ko nga nakilala si Cate Blanchet dun sa Indie siya pala ang Irina Spalko. Ok pa rin ang adventures niya, trademark na talaga niya ang mga ancient civilizations at mga mysteries behind it. Hindi ko talaga nalaman kung anu ang crystal skull na iyon hanggat sa dulo eh iyon pala ang skull ng isa sa mga 13 alien leaders na bumaba sa Earth to help humans sa agriculture etc., hindi sila makaalis dahil nanakaw ang skull at kelangang ibalik iyon sa dating pwesto niya. Ok yung mga special effects lalo na dun sa falls, breathtaking talaga. Sana nga eh may netx sequel pa siya, this time anak na ni Indiana Jones.

Magastos

0 Reaction(s)
Kahapon eh nagpunta ako Mangaholix Mangamania EB (after hindi mag text sa akin ang aking baby hmp!), almost 11am na iyon at buti na lang eh isang sakayan lang siya mula MRT-Taft. Waaa. First time ko sa Mall of Asia kaya hindi ko alam kung san ba ang SMX Convention Center, dumaan pa ako ng ilang annex ng MOA para makapunta dun. Mahaba ang pila bago nagpapasok sa event. Maski sa loob eh hiwalay ang pila ng guys sa girls, si Popoy una kong nakita at hinanap pa niya ang ibang Mukamo Forumers na supposedly eh magkakaroon ng EB nga pero naging informal ang nangyari dahil kaunti lang at ayaw pa ata magpakita ng iba. Hmp!

Then at around 1pm habang nasa loob na ng Mangaholix event eh saka naman nag text itong baby ko at kakagising lang niya, hindi niya sinabi sa akin na may work pa pala siya nun, eh hindi ko naman alam kaya nag sorry ako sa kanya sa mga sinabi ko sa text nung mukhang tanga na ako kaka-antay sa kanya, ayun usap usap sa text then napag desisyunan na magkita muna kami sa MOA at tingnan muna kung may Non-IMAX cinema ba dun (kaso napansin ko wala ata eh ewan ko lang kung meron), then ayun we decided ulit na sa Megamall na lang pumunta, una pa nga balak niya Caregiver ang papanoorin pero gusto ko talaga Indiana Jones, pareho kaming contrast when it comes to movies, ako gusto ko action, anime pero siya hindi ko alam kung mapili lang ba talaga siya sa mga panonoorin niya.

After manood eh kumain muna kami stroll nang kaunti tumingin muna sa Cyberzone specifically sa Sony area dahil balak ko talaga that time na bumili ng memory disk kahit mga 1GB lang para may storage ako ng mga document files ko lalo na ang mga scanned na school credentials, employement certs etc. Mga 10pm na kami umalis sa mall. Marami kaming napagusapan pero sa amin na lang iyon. Hehe! Magastos talaga pag may ganitong date kaya iniisip ko pa kung tutuloy ko pa ba. Umiiyak ang bulsa ko kasi.