LSS ako sa kanya na ito, mula nang marinig ko ito mula sa blog ni Baby Daniel (anak ni Oliver) na nasa mabuting tahanan na sa Langit. Everytime na naririnig ko ito, nakaka-uplift ng spirit. Naka-save na nga siya sa aking phone at sa tuwing down ako lagi ko siyang pinapakinggan at nagkakaroon ulit ako ng pag-asa na magpatuloy sa mundong walang kasiguruhan.Salamat "mindslife" sa Youtube video na ito at nakalagpas ka na rin ng 1 million views.
Natapos din
Sa wakas, natapos na rin ang aking kalbaryo ng mga interview nitong linggo na ito. Makakapag-pahinga na rin ako nang maayos. Makakatulog nang mahimbing at hindi na magkakabisa ulit gaya ng ginawa ko ngayong linggo. Ginawa ko naman ang aking best shot para dito. Hindi ako umaasa pero favorable naman ang comment nila sa akin. Bahala na kung makakapunta sa next stage. Pero for the meantime; back to normal ulit ang aking buhay. Cheers to that!
Talagang napaka-stressful kapag may inaantay kang interview. Parang ang tagal-tagal at gustong-gusto mo na siyang matapos para wala ka nang alalahanin pa. Mula nang nabigay ang schedule sa akin last Tuesday, hindi na ako nakatulog nang maayos at super research at pagpupuyat ang aking ginawa. Nag-message na rin sa baby ko na sana intindihin niya ang situation ko na hindi muna tayo magkakausap nang madalas dahil sa malaking part ng time ko naka-allot na sa pagbabasa at review sa mga articles na kinuha ko online.
Yebah! Ang sarap ng pakiramdam na parang nabunutan na ng tinik sa lalamunan. Kaya sinumulan ko na ulit ang pagbabalik sa normal na buhay. Nyahaha! Ang saya-saya ko ngayon. Can't wait na weekend na at makapag-pahinga na rin. Sisimulan ko na pagbawi sa tulog mamayang umaga pag-uwi ko. Balik Facebook ulit, sana lang pumayag ang shop sa may harap namin na ma-install ulit ang WoW. Sayang naman kasi ang pinaglaanan ko ng pera at panahon. Huhu!

by
Jinjiruks
January 28, 2010
11:12 PM
Umay na Lunes
Naka-leave ako yesterday pero parang wala lang din. Hindi ako nag-enjoy sa araw na iyon. Lalo na't wala naman akong malaruan ng matino. Mula nang masara ang shop ng ka-berks ko. Parang nahawa ako sa umay effect talaga. Mula umaga nakatunganga ako sa higaan ko. Ayoko bumangon. Nanood lang ng TV. Natulog mag-hapon. Hanggang sa pumasok na nga ako ngayon sa office. Gusto kong magpunta sa Wawa sa may amin pero dahil sa wala akong makasama, heto hindi na naman natuloy.
Last Sunday naman ganun din, tamang trip lang na kumain sa Burger Machine nung umaga at gabi. Na miss ko rin ang burger chain na ito dahil nung nasa elementary palang ako ito na kinalakihan ko at may promo pa silang lunchbox that time. Siyempre maraming nagbago, hindi na siya kasing laki at kasingsarap, marahil nagbago na rin ang panlasa ko. Naglakad buong gabi, gusto ko mag-net pero hindi ko alam sang shop. Naiilang ako sa ibang shop at hindi kumportable. Nagpapawis lang ako talaga at nagbawas ng calories.
Mapupurnada pa ang planong Clark namin this Feb dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Kaya heto isip ng alternative kung saan makakapag-unwind kasama mga berks. After nitong interview na ito, makakahinga na ako ng maluwag. Ang hirap maging empleyado talaga, kailangan paghirapan lahat ng gagawin mo. Kelan kaya ako makakapag-simula ng aking business.

January 26, 2010
9:33 PM
Por a Pren
Supposedly this weekend, the usual na ginagawa ko - punta sa computer shop ni Angelo para maglaro ng WoW. Nagulat ako sarado. Sabi ng nanay niya tulog daw siya. Umuwi nalang ako. Nag-text ako sa kanya. Reply niya - sarado na ang shop at maghahanap daw siya ng trabaho. Nagulantang ako sa sinabi niya. Wala namang dahilan para isara ang shop at hindi naman ito palugi. In fact last week lang iniisip niya na dagdagan ng PS3 o kaya additional PC.
Hayz ewan ko anu na naman ang pumasok sa isipan nitong kaibigan kong ito. Worried na ako masyado sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin ito at patawarin mo ako Angelo kung isusulat ko ito. Minsan kasi napapansin ko bigla nalang siyang nagagalit nang walang dahilan. Makikita mo, tatalsik na naman ang ibang mga bagay sa sahig. Lalo na nung nakaraang linggo, kung saan yung isang sako ng kangkong, hinagis niya sa bubong ng kanilang kapitbahay.
Ok sana kung magagalit siya at magwawala, hindi iyong tahimik pa rin siya at walang imik. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung papaano. Ginagawa ko ang tungkulin ko bilang kaibigan niya, kada linggo dinadalaw ko siya para kahit papano may nakakausap siya. Pero mahirap talaga na ipilit sa kanya na mag-open up tungkol sa kanyang nararamdaman.
Dagdag ko pang balita, na sinabi sa akin ng isa pa naming kabarkada. Nagwala daw siya sa ibang bahay at naghahagis ng mga gamit. Na-praning mga tao sa bahay na iyon na kabarkada rin namin. Hindi ko pa siya nakakausap nang personal tungkol sa bagay na ito.
Hindi ko na alam anung gagawin para sa kanya. Patuloy pa rin siyang nabubuhay sa nakaraan at hindi makapag-move-on mula nang mamatay ang kanyang nag-iisang kapatid. Kagaya nga ng sabi ni ex niya. Sana nga one of these days makita na niya ang liwanag at makapagsimula ulit. Bagong buhay. Naiinis ako, pakiramdam ko inutil ako at hindi ko siya matulungan. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan niya bakit ganun ang inaasal niya.
Gusto ko bumalik ang dating Angelo na nakilala ko mula pa pagkabata.

January 25, 2010
11:21 AM
Wata Wik Again
Sobrang stresfull ang week na ito para sa akin. Lalo na sa work, grabe - ang daming pinapagawa. Going the extra mile ika nga na hindi na kasama sa function mo pero ginagawa mo parin para lang matapos at masarado na ang account.
Kahapon lang, for the first time after a couple of months or even year. Ngayon lang ako na-late ulit. Kahit pa sakop ng grace period. Count pa rin siya as tardiness. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi ang tagal tagal ko sa CR that time. Nyahaha! Sinamahan pa ng suwapang na jeepney driver at rally sa may QC Circle. Kahit pa nagtatakbo ako papuntang work at todo pawis, wala pa rin.
Kanina naman may interview. I admit hindi ako nakapag-handa para dito at akala ko ganun lang kadali. Pero hindi pala. Grabe ang tension na naramdaman ko that time. Binugbog ako nga mga tanong at ako eto nasamahan pa ng mental block. Kaya tuloy utal sa pagsagot at naligoy pa. Hindi na ako umaasa pa dun. Ginawa ko ang makakaya ko. Sapat na iyon. Kahit magsisi pa ako, wala na rin magagawa.
And come to think na for the first time again nagkaroon ako ng pimples kahit pa anung ingat ko na wag magkaroon. Siguro sa stress na rin kaya lumitaw siya. Una sa cheeks then nung nawala eto sa side ng nose naman. Hayz, san naman kaya lilitaw ulit siya.
Finally makakapag-pahinga na rin ako ngayong weekend. Pero maghahanda ulit para sa susunod na interview this week. Hayz, hirap maging empleyado talaga.

4:42 AM
He Says
"Pero nasanay na ako. Nasanay na ako na hindi na kami nag-uusap. Nasanay na ako na walang kumustahan. Nasanay na ako umagahin sa lansangan. Siguro ready na ako. Ready na ako ma-gain ang freedom ko. Siguro, ready na ako maging single ulit. Lahat naman yata ng bagay natututunan at napagsasanayan."
-Password, The Loves Curiousity
-Password, The Loves Curiousity
by
Jinjiruks
January 21, 2010
10:47 PM
it's Monday again *yawns*
Sana nag file nalang ako ng VL ngayon. Sobrang tinatamad talaga ako ngayon. Gusto ko pa maglaro ng WoW ngayon. Lalo na't nasa ibang area na ako ngayon at nakikinig ang GM sa mga request ko. Pero Ok lang, trabaho kasi ito. Kelangan eh. Hays, kelangan ko ng mahabang bakasyon at maraming pera. Har har!
by
Jinjiruks
January 18, 2010
8:56 PM
Konfus
Habang paakyat sa footbridge sa Quezon Avenue pa-MRT. Hindi ko maiwasang malungkot bigla. Meron lang akong naalalang tao. Though masaya ako dahil nakapag-move-on na siya sa last heartbreak niya. Mukhang ako hindi pa sa kanya. Sobrang mahal ko talaga siya na kahit meron na rin ako. Siya pa rin ang iniisip ko. Gusto ko kasing maging kami dahil nakita ko sa kanya ang mga bagay na hinahanap ko sa isang partner sa buhay. Iyon nga lang, mukhang ako lang ang may gusto maging kami. Kaya naman wala akong gana ngayon sa work at nakatulala minsan. Hay, ewan ko. Jinji - meron ka nang special someone. Try to divert your attention. *sigh* Hirap magpakatao.
by
Jinjiruks
January 13, 2010
10:20 PM
Ewan ko nga ba
Hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko. Pakiramdam ko pa rin hindi buo ang aking pagkatao. Ilang tao na ang nagtangkang punuan itong aking kakulangan pero wala paring nagtagumpay. Kelan ko kaya mararamdaman na kumpleto ako. Nalulungkot nalang ako bigla sa hindi malamang kadahilanan. Ayoko na ng ganitong pakiramdam.
by
Jinjiruks
2:34 AM
Teh Usual
Sabado. Movie date with a special someone. Still broke at matagal pa sahod that time. Kakahiya, hindi man lang kami kumain at nanood lang ng sine. I thought ok ang Zombieland, it sucks like a zombie rin. Hehe! Pero Ok lang kasama ko naman siya. Kinalikot ko phone niya, daming katuwang mga videos, bluetooth siyempre. Almost 10pm na umuwi. Hinatid muna siya sa sakayan bago ako umalis. Got home before midnight.
Sunday. Usual jogging. Dapat magkaroon na rin ako ng program para dito, hindi yung puro walk, light to medium jog. Pahinga lang sandali. The usual, pag weekend, eh di sa shop ng berks. Playin World of Warcraft pati na rin mga Facebooks apps. Umuwi na rin ng hapon. Text ulit kami hanggang gabi. At iyon ang usual kong araw pag weekends.

January 12, 2010
4:34 AM
Realizations
Work. Tama na ang panahon ng pahinga at kailangan mag-isip-isip ulit sa pag-angat ng career. Kagaya nga ng sabi ni Ate Vivs kaya siya lumipat eh, bored masyado sa work at paulit-ulit lang ang ginagawa. Wala daw challenge at nakakainip. I agree with her sa ibang mga punto. Wala naman kasing bago. Ilang taon na rin ako sa company at narinig ko ang heads-up ng isang sup sa kanyang agent. Hanggang kailan ba daw siya dun sa function niya mag-stay. Don't you think it's time for you to grow? Iyon ang natatak sa aking isipan ngayon.
Kaya naman next week, seryoso mode na ako at review sa background ng mga internal jobs na apply ko. Narinig ko rin ang side ni Oliver na gusto niyang lumipat ng LOB dahil medyo stagnant na rin siya dun sa function namin. Plano niya na kumuha ng short IT course para may diploma na siya at dagdag credentials. Sabi ko sa kanya kung pwede lang na mag-aral babalik ako, kaso marami akong pinag-aaral ngayon kaya hindi ako makakilos masyado.
Health. Palagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na magbabawas ako ng taba pero hanggang salita lang ako. Ilang taon na ang lumipas ganito pa rin ako. Mataba na gurangers. Hehe! Kahit papano nababawasan sa jogging every weekends. Disiplinahin ko dapat sarili ko at pilitin kahit mahirap ang pagpapapayat. Ayoko na sa ganitong katawan kahit marami ang nagsasabi na tama lang daw sa akin. Siyempre gusto ko ibalik ang dating katawan ko kagaya nung nasa college palang ako.
Relationship. Hayz, heto nagsisimula na naman ako pumasok sa panibagong relasyon. Kahit papano may natutunan sa mga nakaraan. Kagaya ni Doc Mike, gagawa ako ng rule - "Don't make relations again with your ex". Nadali na kasi diyan ang isa kong friend kaya mahirap na. Trying my best ulit, and sana magtuloy-tuloy na po siya. Wish me luck. Sa tingin ko naman compared sa mga nakaraan, this is the best relationship that i ever had. Mahal niya ako at nararamdaman ko iyon.
Hanggang sa muli!

January 10, 2010
11:27 AM
Geym
Dati-rati halos araw-araw update ko mga Facebook game apps ko. Ngayon sa sobrang busy ng schedule. Eto tuwing weekend nalang. Kaya naman nahuhuli na tuloy ako sa ibang mga kakilala ko. Ahehe! Ok lang iyon. Wala namang endgame ang mga java-based games na yan.
Sa WoW naman, heto been following Jame's Horde Levelling guide (minana ko pa sa GamePal), lev. 20+ palang ang aking Tauren Druid. Kakahiya dahil puro greens palang ang equipts. Wala kasing makasama sa WC (Wailing Caverns) instance. Bago umalis sa Barrens kelangan naka Blues/Violets na ako. Nyahaha! Been doin Aquatic Form quest. So far enjoying the Feral Cat form. Grabe ang fastkill. Kakatuwa. Hindi ko lang sure kung kaya ko na makipag PVP ulit since hindi naman ako mahilig makipag-away. Teehee!

January 8, 2010
1:22 PM
He Says
"Wag kang magtangi ng nararamdaman at nalalaman kung wala kang balak panatilihin ang relasyon. Wag mong hintaying ibang tao ang mang-iwan sa'yo. Tandaan, ang umiibig ay nagtitiwala. Kapag nakita mo na ang kaligayahan mo, wag mo nang iisipin na baka may mas hihigit pa sa taong sa'yo na. Sa mundong ito, natural na may nakakahigit at nakakababa."
-Ibang daan pabalik, Elyas' Ang mga Lihim ni Hudas
-Ibang daan pabalik, Elyas' Ang mga Lihim ni Hudas
by
Jinjiruks
January 7, 2010
1:42 PM
Changes
- Mas mahigpit ngayon dahil 1:1 na ang ratio ng error, unang araw palang meron nang mali hehe. Wish ko lang na sana maging Ok ang dispute at madaan sa technicality. Hehe! Pero kung ano man ang kalalabasan igagalang ko siya. Mukhang mapapadalas ang paggawa ko ng ganitong action ngayong taon. Mahirap na makabawi pag nagkamali sa una palang.
- Sa shift naman, salamat naman at huling linggo nalang ng aking kalbaryo sa pagiging midshifter. Next week, nightshift na ulit kami. Sana nga lang, hindi ako ma-headbang gaya ng dati.
- Sa career, good luck nalang next time, still thinking of applying to other position. Bahala na si Batman.
- Sa Transpo naman, been trying to take other route aside sa nakasanayan na. Medyo napapauwi kasi nang alanganin dun sa conventional na dinadaanan ko. Tried yesterday ibang route, maaaga umuwi. Butas naman ang bulsa ko. *sigh* Last na itong experiment na ito. Sa ngalan ng maagang makakapasok at uwi.
- Seeing someone again, wish me luck to both of us. Ayaw ko na mag kwento, ma pre-empt lang.
- Sad naman na mababawasan na naman ang mga holidays namin sa office. Recession kasi sa US kaya tipid mode ang company. Ok na rin kesa naman walang trabaho.
- Sa gaming, balik online ulit, sa all time fave na "World of Warcraft". Bumalik na naman ang gamer's urge ko and pangako Tauren Druid ko, lalakas ka sa aking mga kamay.
- Pangako ko sa sarili ko, ngayong taon, - maglalakbay ako sa buong Pilipinas. No matter what. And February will be a jumpstart. Excited na ako lalo na't kasama ko aking mga ka-berks at pag may time - with my special someone. *kilig*
Hanggang sa muli..

1:25 PM
He Says
"I thrive in old friendships. Time weight nothing when I put bonds in relationships. Don't worry. No harm done. Its a gentle reminder to clutch your words like holding your own offspring."
-Words, Galen's Soul Jacker
-Words, Galen's Soul Jacker
by
Jinjiruks
January 5, 2010
8:14 PM
Teks Adik
Eto na naman tayo. Ilang taon ko nang binitiwan ang pagiging textus adiktus. Pero hindi talaga maiiwasan. Lalo na't ngayon, iyon lang ang means of communication namin ng nililigawan ko. Hehe! To the point na umaabot hanggang alas-2 ng umaga kapag weekends o walang pasok at ala-1 naman kapag pauwi palang mula sa shift. Kung dati all-text lang load ko, ngayon naka-unli na ako para tipid. Wala lang, hindi ko nararamdaman ang pagtakbo ng oras pag kausap ko siya kahit sa text lang. Hehe! Hindi naman ako umaasa pero masaya na ako sa ngayon na nagkakausap kami.
Sakto naman na, tuwing pag-uwi ko, saka lang siya na lowbat. Kakainis nga lang kasi nga bawal nga mag-text sa loob ng office at nabibitin ako pag ka-text ko siya tuwing breaktime. Lalo ko siyang nakikilala nang mabuti at nagpapalitan na kami ng mga nasasaloob, mga gusto, mga ayaw. Nagbabata-bataan na naman ang inyong lingkod. Pero pakialam niyo ba. Hehe! Ika nga ni pareng Enrico, "walang gamot sa insecurity"! Hanggang sa muli!

1:27 PM
Bagong Simula
Ilang araw din ako hindi nakakapag-blog. Masyado busy sa laro at sa iba pang mga bagay-bagay. Pasalamat lang at hindi pa rin nawawala kahit papano ang urge to do blogging. Maraming dumating at umalis sa aking buhay.
Bagong simula sa lovelife, after a breakup before Christmas, heto Ok na po ako. Kelangan makapag-move-on na agad and seeing someone right now. This time gagawin ang higit na makakaya kesa sa nauna para sa kanya. Mahirap na magsalita baka maudlot pa.
Sa PS Boys naman (tropa ko sa amin), heto si Angelo na ang nag-initiate para sa bi-monthly na lakad ng grupo. Yung abot lang sa bulsa at makakasama ang lahat. Plano palang naman at mga ilang weeks pa naman. Planning to go to Corregidor and Clark Air Base (nasa checklist na this month). Bonding moment namin, ilang buwan na rin kasi kami hindi nagkikita, siguro dahil busy ang schedule sa work o may ibang pinagkakaabalahan ang iba.
Sa sarili ko naman, heto. Masyadong baboy na ako. Kelangang mag-trim na talaga kung gusto mo pa maging mabenta sa iba. Hehe! Kahit pa sabihing Ok naman ang katawan ko ngayon, gusto ko pa rin bumalik sa dating katawang lupa ko nung nasa kolehiyo palang ako.
Sa karera naman sa trabaho. Gagawin ang makakaya, lalo na't ngayon simula ng taon at maraming internal opening na naman sa trabaho. Sa nakaraang taon, salamat nga pala sa mga awards at mga raffle items na napanalunan. Sana maulit ngayong taon at huwag batiin.
Sa ngayon iyan lang muna ang aking battle plan para sa unang quarter ng taon na ito. Sana nga lang may resulta naman itong effort na gagawin ko. Hanggang sa muli!

January 4, 2010
1:57 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)