Long Break

6 Reaction(s)
Yay! Naka-holiday leave ako this Thurday and Monday na ulit ang balik ko. Supposedly normal ang pasok namin. Nakakahiya nga eh kasi ako lang ata ang naka-leave sa aming team. Hindi naman sa hindi ko kelangan ng pera (lahat naman may kailangan nun), pero syempre pagkakataon ko na rin kasi ito para makapagpahinga at makipag bonding sa aking mga tropa sa amin. Matagal-tagal na rin kasi na hindi kami nagkikita.

Masaya ako at nagbukas na ulit ang shop ni Angelo, at makakapaglaro na ako ulit ng WoW. Baka bukas pag-usapan na rin namin ang activities na gagawin namin this Friday. Sana nga lang makasama ang iba. Na-miss ko ang tawanan at kulitan kasi nila, lalo na sina Mike at Abundio. Hindi mo talaga mapagpapalit ang bonding na makasama mga kaibigan kesa sa kikitain mo dahil lang sa double pay siya.

Well enjoy your long break guys. Pero syempre kagaya noong nakaraang Pasko, isapuso pa rin natin kung bakit natin pinagdiriwang mga Katoliko ang panahon ng Semana Santa.

"Let Christ be the Reason over this Season"

M03W05

0 Reaction(s)
Almost goodbye na sa March.

Sa work, panahon ng paghahabol. Ok na naman ako sa primary ko. Iyon nga lang dito sa support, naghahabol pa ng audit. Galing talaga ng mga mata ng QA kahit 1% na lang nakikita pa rin nila. Ganun talaga ang buhay pag may error, tanggapin nalang nang maluwag. Pwede pa namang bawiin, hindi naman lahat perpekto.

Lapit na ang April, ilang days na lang at makakapag-bakasyon na rin kahit papano. Misyu na mga blogpwens ko. Hehe! Miss ko na rin si AMD, hayz. Almost a week na rin kasi pero parang ang tagal-tagal ng panahon. Hayaan mo pag nakaluwag, magkikita po tayo. Enjoy mo lang ang vacation mo.

Hanggang sa muli. Start ng Lenten Season. Behave guys. Ingat!

Teh many faces of Mr. Bean

0 Reaction(s)

Tuwing Lunes na lang

3 Reaction(s)
Nakakainis na. Hindi ako makatulog pag Lunes. Tapos pag nasa office na. After kumain ng lunch. Aantukin. Kahit ilang kape at tayo. Hindi pa rin mapigilan ang maka-idlip at mag-hilik na naririnig na ng katabi ko. Nasa dulo kasi ako, masyadong tahimik. Walang kausap masyado, hindi kagaya sa position ko dati. Puro tawanan kaya hindi ako nadadalaw ng antok. Buti nalang at kahit papano nahahabol ko ang work output ko. Grr. Puro ako pangako pero eto sinasaniban pa rin ako ng espiritu ng kaantukan.

Once in a Blue Moon

0 Reaction(s)
In Pagasa’s astronomical diary for March, Pagasa head Prisco Nilo said the blue moon - the occurrence of two full moons in one month - is due on March 1 and 30.

“On the average, [a blue moon] takes place once every two and a half years. But the second blue moon for this year which will appear this March is an exceptional case. Since the full moon occurred on January 1 and 30, 2010 and preceded by 28 days of February, the event will be repeated on March 1 and 30, 2010. The next blue moon will be on August 2 and 31, 2012," Nilo said.

M03W04

0 Reaction(s)
La masyado updates. Sa work nag-set ng expectations. A whole year plan.

Saturday night. Punta ng MOA. Nakita sina Blast at Jason. Nakikain na rin sa kanila. Meet sina Ogie pero busy sa work. Then eskapo muna to meet someone. Nag-overnight. Syempre dala ko mga gears. The rest is history.

Sunday morning. Breakfast. Change ng status. Hehe. Masaya. Pasensya na hindi ko na maiibibigay pa mga detalye. Hope everybody had a nice weekend.

He Says

0 Reaction(s)
"When I was happy, I wanted to call you and share it with you. When I was having a bad day, it was you that I wanted to run to so I can get a hug. With you by my side, I always felt that I can conquer the world and I was invincible. You were not just my partner – you were my bestfriend. We understood each other, we know what makes each other tick. We even finish each other’s sentences.
 ...
After a long time I am finally able to cry again. I cried because I felt I was lucky enough to have loved and be loved at one point in my life. I also cried because I knew I lost that very same person who made me feel that."
-Of Regret, IceKnight

Magandang Umaga

0 Reaction(s)



sarap ng umaga ko, salamat AMD for coming in to my life..

Earth Hour Manila 2010

0 Reaction(s)

TNT sa signs

2 Reaction(s)
 This really made my day,  kanina pa akong tawa nang tawa. More signs courtesy of CallCenter Confidential..

*^*%*&$# ATM yan!

0 Reaction(s)
Kahapon ng umaga. Nagmadali pa akong lumabas sa office para pumila sa ATM. Parang box office palagi sa haba. Mas pinili kong pumila dun sa Boni StopOver. Antay-antay. Text-text. Then nung malapit na ang turn ko. Saka naman nag "Offline" ito. Grr! Naiinis talaga ako nun. "Lost time, Bwisit", sambit ko nalang s sarili habang naglalakad palayo.

Ilang minuto rin kasi ang inantay ko sa pila. Tapos ganyan lang mangyayari. Hayz, buti nalang pinalamig ni Lord ang aking ulo nung pauwi na ako. Kaunti nalang pasahero sa bus na sinasakyan ko kaya pinababa nalang at kami at binalik ang binayad namin. Tyempo namang may ATM sa binabaan, ayun nakapag-withdraw na rin sa wakas at wala pang pila. Kaya eto smile na naman ako habang nakasakay ulit sa bus pag-uwi.

Have a great weekend guys!

He Says

0 Reaction(s)
"Suddenly, everything seemed a little less green. Inside, I smiled. It feels good to be trusted. After all, it's a far greater compliment than to be loved."
-Less Blue, Less Green, MakMak's One minute before Dawn

Ay Miss Geympal

2 Reaction(s)
Mga 4 taon na rin ang nakakaraan mula nang umalis ako sa GamePal. Nakaka-miss lang ang bonding ng mga co-gamers. Same interest at hobby pagsamahin ba naman sa isang company, masaya talaga nung panahon na iyon. Hindi mo ramdam ang pressure kagaya sa isang conventional na company, kasi masaya ka sa ginagawa mo at passion mo ang gaming.

Namiss ko ang mainit na environment, pagtabi-tabihin ba naman ang mga PC at hindi gaano malaki ang room. San ka pa. Parang hurno mismo ang room. Pawisan sa loob at paglabas mo naman, laking ginhawa.

Pati na ang mga ere at mayayabang na TL nung panahon na iyon, palibhasa kasi merong experience na sila at halos lahat galing sa former firm na nawala na rin. Pero Ok lang, hindi naman kailangan pansinin, natural na sa kanila siguro iyon. Si Sunny Pig Joshua. Si Rod na masungit at asim ng simangot. Si Tim na superbait at idol talaga. Si Marky na hindi mo ba alam kung ano ba talaga siya (peace!). Sila kasi madalas na nakikita ko, yung iba kilala niyo na sarili nyo kung sino kayo.

Medyo late na nang makilala ko sina Sir Dale at Jae (as a blogger). Eh di sana malakas ako sa loob at ka-buddy pag kakain or pag sa uwian. Naaalala ko pa dati nang mabigyan ako ng memo ni Jae dahil sa nakaka-ilang late na ako sa isang buwan. Paano kasi, ang arte-arte ko nun - inaantay ko palagi magbukas ang MRT at hindi ako sanay na mag-bus that time. Kaya eto palaging nale-late sa work. Andun silang dalawa nakakulong sa isang sulok ng room, parang ward. Pwede mong silipin lang thru small gap sa mirror.

Syempre lalo kong miss ang mga fellow gamers ko dun. Na kasabayan ko sa pagkain, pag-uwi at mga kalakohan. Si Zander, na sobrang kulit sa pangagaya kay Eric Smith lalo na ang BoomTarat na yan; paano kaya manligaw ito - curious lang talaga ako. Si Orbe (Eric), isa sa mga pinakatahimik at mabait na taong nakilala ko. Araw-araw makikita mo siyang nakangiti palagi pag may kausap. Sobrang tahimik din niya na hindi iimik pag hindi mo kakausapin. Hope to see you soon pare. Si Mark, partner ni Zander sa mga biruan. Makulit rin ito minsan, lalo na yung gesture niya pag tumatawa, hindi mo alam kung nagaasim o hindi. Si Toning, sa simula hindi ko masyado kilala ito pero simula nang maging blogger siya ayun mas kilala ko na at maraming kalokohan din pala sa buhay. Si Rolly, na laging pinapansin ang tiyan ni Zander. Sina England, Ochi atbp.

Ilan lamang yan sa mga taong natatandaan ko pa na nakasama ko sa kumpanya bago ito nagsara. Ang iba me contact pa ako, ang iba san na kaya sila napadpad. Salamat po sa memories. Miss ko na ang bonding moments natin guys.

6.0 Magnitude Quake

0 Reaction(s)
A strong earthquake struck the Philippines early Thursday afternoon, according to the U.S. Geological Survey. The 6.1 magnitude quake hit in the Mindoro region of the Philippines at exactly 01.29:30PM. The epicenter was about 86 miles (139 km) from the capital, Manila, and was about 72 kilometers (45 miles) deep, the USGS said.  The quake was felt in Quezon City on the island of Luzon and also in the Lubang Island, the Philippine News Agency reported. There were no immediate reports of damage or injuries.

source: USGS, CNN

He Says

2 Reaction(s)
"..sa buhay ko, wala ni isa sa mga nangyari sa akin ang pinagsisihan ko… lahat ng yun ang gumuhit sa akin para maging ako."
-Summer Senti, Siopao and Bunwich

Hilik at Sanib

0 Reaction(s)
Grr. Hinding-hindi na talaga mauulit ang nangyari kagabi. Nakakahiya talaga. For almost the whole shift. Headbang at bangag ako. Pinipilit ko talagang hindi makatulog pero naaantok talaga ako. Siguro dahil na rin sa sobrang kulang na oras ng pagtulog. Mga 2-4 oras lang kasi ang tulog ko ngayon. Paano ba naman kasi, nagigising ako sa biglang ingay na maririnig ko. Kagaya ng pagbubukas ng TV o kaya ang ingay na pagkatok sa gate namin.

Hindi na kasi ako nakakatulog pag nagigising na ako, either magtetext nalang ako hanggang hapon or manonood ng DVD. Hayz, ayoko naman matulog sa taas namin dahil mainit dun at baka ma-heatstroke lang ako. Pinilipit ko matulog pero gising na talaga ang diwa ko.

Pagpasok naman sa office. Usually around 11pm-2am ayan antukin na ako. Para nga daw ako may sanib kasi nakita niya akong niyuyugyog ang sarili paikot sa upuan na parang may ritwal na gagawin. Kakahiya talaga, samahan pa ng mild na hilik, tanda na naka-idlip ako. Hehe! Kaya gagawin ko ngayon, eto pag inaantok, siguro tatayo na lang at maglalakad. O kaya nakatayong mag-process nalang ako. Good luck nalang mamaya.

Unang Bagyo?

2 Reaction(s)
kung dati rati naiinis tayo pag may bagyo, ngayon - dahil sa El Nino. Abot kamay natin siyang tatanggapin, bumuhos lang ang patak ng tubig sa uhaw na lupa..


Bisita sa Wawa

4 Reaction(s)

The Pamitinan Protected Landscape is located in the Eastern portion of Montalban (Rodriguez) Rizal in Sitio Wawa, Brgy. San Rafael covering an area of 608.0 hectares. It lies within geographical coordinates of 121°10’45” to 121°11’50” east longitude and 14°43’14” to 14°44’5” north latitude and bounded by alienable and disposable land. The Pamitinan Protected Landscape is covered by Presidential Proclamation No. 901 dated October 10, 1996. The area is accessible to any kind of land transport passing thru the center of Marikina City, San Mateo and Montalban. It can be reach thru a rough road from Brgy. San Rafael, approximately 10 kms. from the town proper.

Kahapon nagpunta sa Wawa Dam, bumisita lang. Kahit papano wala paring nagbago matapos ang bagyong Ondoy nung nakaraang taon. Buti nilagyan na rin ng fence ang gilid ng daraanan dahil nga bangin siya at matarik, pero nilubos-lubos na sana sa buong lugar. Pati yung malalim na tunnel (or flood control gate dati), sana hinarangan pa, parang open manhole kasi at tiyak hindi makakawala ang sinumang mahulog dun.

Hindi talaga maganda pag peak season pumunta dun, ang daming ginawang bamboo cottage na parang squatter na ang itsura ng lugar. Mula sa baba hanggang sa paakyat ng ilog. Pag nagpunta kami dun kasama mga tropa, pwesto agad kami malapit sa baba ng dam mismo. Tuwang tuwa ang mga bata na tumatalon sa dam reservoir, hindi alintana ang panganib ng tetanus na nakaambang lang sa gilid ng dam. Kakainggit kasi hindi pa naman ako marunong lumangoy at eto sila nagkakasiyahan pa.

Kumuha lang ako ng mga pictures, mula nang pagtapak ko sa Wawa (officially named Pamitinan Resered Area). Namangha pa rin ako sa kagandahan ng kabundukan nito. Lalo na ang twin mountains na sumisimbolo sa official seal ng aming bayan. Sandali lang ako tumambay at kumuha ng mga pictures sa lugar na iyon. Sabi ko sa sarili ko, babalikan kita pag off-peak season para mamalas ko ang natural na ganda mo kagaya ng nakikita ko na naka-publish sa isang buwanang magazine ng aming bayan.

Pagkauwi medyo inabutan pa ako ng pag-uulan, mabuti nalang at sandali lamang iyon. Sumakay na rin ng jeep habang minamalas ang daloy ng ilog paibaba sa mga kabayanan. Sana nga ay matuloy ang matagal nang plano na gawing tourist destination ang lugar na ito dahil talaga namang maipagmamalaki ito ng mga taga Montalban. Umuwi ako sa amin na hapong-hapo mula sa biyahe pero masaya dahil kahit papano nakapunta ulit ako sa Wawa.

GameTrailer - Resident Evil: Teh Darkside Chronicles (Nintendo Wii)

0 Reaction(s)

Random Picture: Meow!

0 Reaction(s)
 "Ich liebe Katzen!"

November 2009, People's Park, Tagaytay City

Tarot Card: Teh Magician

0 Reaction(s)

You are The Magician


Skill, wisdom, adaptation. Craft, cunning, depending on dignity.

Eleoquent and charismatic both verbally and in writing, 
you are clever, witty, inventive and persuasive.

The Magician is the male power of creation, creation by willpower and desire. In that ancient sense, it is the ability to make things so just by speaking them aloud. Reflecting this is the fact that the Magician is represented by Mercury. He represents the gift of tongues, a smooth talker, a salesman. Also clever with the slight of hand and a medicine man - either a real doctor or someone trying to sell you snake oil.

What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

03.21 Wallpost

0 Reaction(s)
Katawa wala na naman akong maisip na title. Kasi paulit-ulit naman ang topic eh. Kahapon, hind maintindihan ang aking pagtulog. Nagising ng 10am tapos tulog ng tanghali. Nagising ng 3pm na naman, naglaro sa shop. Nakatulog ng 6pm. Nagising na naman by 8pm, kumain sandali, nood TV - nakatulog na naman by 10pm. At eto hindi naman nagising kundi, ginising ni Mama kasi magsisimba siya ng 5am. Ako naman eto hindi na nakatulog at naghanda na lang para sa weekly jogging ko. Walang laman ang aking tiyan, goodluck nalang na magutom. Buti nalang may magtataho na dumaan, bumili at geh tuloy lang sa jogging.

Plano ko sana magpunta sa Wawa ngayon, pero mainit na. Mamayang hapon nalang siguro. Wala lang. Gusto ko lang makita ang Wawa bakit ba. Kahit wala akong kasama, ok lang. Senti mode muna. Kukuha ng mga pictures. Hayz, balita ko dami daw naliligo dun. Kainis, hindi na daw maganda ang Wawa. Sana lang nga matuloy ang rehabilitation ng dam para magamit na siya just in case umabot na sa critical level ang Angat Dam na pinagkukunan ng tubig ng mga resident ng Metro Manila. Well hindi naman kami apektado kasi me sariling water pump ang subdivision. Pero siyempre mas ok pag naayos ang dam at gawing tourist attraction ang Pamitinan Cave.

Hindi ko alam anung plano ko, paguwi ko sa shop. Text mode na naman, medyo kakasawa na nga. Kagabi nga, pakiramdam ko latang-lata ako kaka-text, hindi ko na mai-angat ang phone. Lowbat na siya pero hindi ko mai-charge. Nakakatulog ako na hawak ang phone. Paggising mo, daming messages. Reply. Nakatulog. Reply. Ganun ang siste kahapon. Hehe! Parang tanga lang noh.

Balak ko sana punta kina Angelo mamaya at yayain sa Wawa pero paguwi nalang siguro. Sana si Cyril pwede rin. Geh iyon nalang muna. Enjoy your weekends guys. Raniel haberdey. Kala mo nakalimutan kita ah. Ang dami mo nang utang sa akin. Ewan ko nalang anung ipapakain mo sa akin pambawi. Lechon baka na siguro.

M03W03

0 Reaction(s)
Hindi maganda ang workstats ko this week kaya kailangan todo bawi next week. Hindi ko alam ang dahilan. Malamig masyado ang area, nakakabagal - at nakaka-antok lalo, ilang beses na rin ako muntik mag headbang. Super tahimik namin, minsan surf nalang ang ginagawa pag idletime. Hindi motivated or inspired.

On the other hand. *sigh* lablayp. No comment. Basta masasabi ko lang, naka-suspend pa rin ako sa ere, hindi ko alam kung may sasalo o lalagpak ako. Sana makaya niya akong buhatin kahit mabigat ako. Supposedly magkikita sana kami this week kaso pinagpasyahan ko nalang na sa susunod na linggo na lang para may resources ako sa pagkikita namin. Cautious mode. Wag muna umasa. Siguro ganun ako sa susunod na mga araw. Mahirap nang mag-assume. Baka makuryente.

Sa berks sa amin. La akong contact, malapit na ang Holy Week at mukhang walang magmamaterialize na gagawin. Nasasayangan ako kasi naka-holiday leave pa naman ako at gusto ko na silang maka-bonding. Pero wala naman akong magagawa kung hindi talaga sila pwede. Masaya sana pag nabuo ulit kami kagaya ng pag-akyat namin nitong mga nakaraang taon. Ok na naman si Angelo, nakikipag-kita na sa amin, lalo na kay Cyril. Kanina narinig ko kasama daw siya sa swimming ng iba pa naming friend. Good development ito mula sa kanya, sana tuloy-tuloy na siya at subukang umusad at hindi magmukmok sa nakaraan.

Ganun pa rin sa FB apps, naglalaan pa rin naman kahit an hour para makapag-laro, grabe na itong kaadikan na ito. Kaya nakukulangan sa tuloy at antukin sa office eh isa ito sa mga dahilan. Patuloy pa rin ang txt mode sa mga friends lalo na sa mga blogmates, officemates and fwenly-fwens. Minsan namamaga na ang right thumb ko, kakatext sa kanila. Walang tigil ang pagpasok ng mga text messages, minsan paggising ko 40+ messages agad tapos hahabol pa ang ibang messages kinalaunan.

Well, enjoy your weekend guys!

He Says

0 Reaction(s)
"Hindi dahil boyfriend mo ko may karapatan na akong pigilan ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Ang pinaka magagawa ko lang ay suportahan ka sa mga pangarap mo.
...

Masaya ako kung alam kong masaya ka sa ginagawa mo at natutupad mo ang mga pangarap mo.."
~ sabi ng puso, Bunwich and Siopao

Letter to the boy

2 Reaction(s)
Dear Jin,

Life is indeed unfair at some point but why allow it to swallow your whole being. Instead of stressing your self too much, show life that he cant beat you off because you may not have everything but you have some things that are enough to knock him down.

I honestly don’t know how I can make you feel a little better and I do understand your agonies but I’ll try…since I kept bugging you on going out and you keep saying NO, I’ve talked to ken (the band member) and found out that like you he also loves nature tripping…and I was thinking that instead of planning the reunion AGAIN why not plan to go out of town week end lang…if teacher lani cant make it the 3 of us will be fine…I know naman you’ll behave kundi lagot kayong dalawa kay mama kilala naman nya mama nyong pareho (“,)

Umm,,,tagaytay, bataan, pangasinan (if we choose this place may friend ako na taga dito) pero meron or wala we’re old enough to take care of ourselves and besides dyan naman si EDI (eh di mag tanong..nyak corny).

Nevertheless, I just want to inform you that you’re SJES friends are just around….without any second thought..just give us a txt (I bet kasi di ka tatawag txt lang talaga hahaha).

Cheer up mister ever serious cute silent brilliant boy (“,)


Sincerely yours,


Donna Makulit


P.S..kaw din if you keep on stressing yourself baka kapag natuloy ang REUNION natin eh isipin ng iba teacher ka namin hindi na classmate…joke lang po mwuah.

03.18 Wallpost

0 Reaction(s)
Maagang nagbukas ang shop ni kuya kanina, check lang ng updates. Then at 9am, umuwi na rin. Text-text muna, paantok. Nagising bandang 4pm. Sapat naman ang tulog. Hirap sumakay kanina, kahit maaga ka umalis kung wala namang diretsong masasakyan - wala rin. Buti nalang mabilis ang biyahe at nakarating pa rin on-time sa office.

Kahit papano, nakaka-recover na emotionally from being down to neutral na. Seeing someone again. I really really hope na siya na nga ito. Napapagod na ako kaka-on and off na parang bumbilya, malapit na akong mapundi. Hehe! Sana siya na nga. Alam ko nababasa mo ito. Salamat po sa lahat. Sa inspirasyon. Sa motivation. Hope to see you soon. I don't want to say 5254 muna baka maudlot. I miss you.

Lukalayk

11 Reaction(s)
sabi ni Janet (officemate), kahawig ko daw iyan (BJ Penn - UFC Fighter). no comment..

Sleep Breaks

2 Reaction(s)
Kaninang supposedly manonood pa ako ng mga routine shows sa umaga, pero sa sobrang pagod siguro. Nakatulog ako at nagising naman bandang 10.45am. Pinilit kong matulog, pero ayaw talaga. Kaya nag-net nalang ako. Sinugod ang init ng araw.

Nakauwi bandang ala-una na ng hapon. Init masyado, buti nalang at mahangin. Pagkauwi, hindi pa rin makatulog. Text nalang. Umabot sa Alas-3, wala pa rin. Nakatulog nalang bandang Alas-4 ng hapon. Alanganin na. Napaka-vivid ng dream ko na hanggang ngayon, natatandaan ko pa rin siya. Sa kasarapan ng tulog, hindi ko namalayan na Alas-6 na pala at dapat paalis na ako ng mga ganitong oras.

Buti nalang at hindi ako na-late kanina pagpasok sa office. Around 10 minutes before the start of shift. Isa sa mga usual day. Walang bago. Hanggang sa muli.

Current Mood

5 Reaction(s)

Surf TV?

0 Reaction(s)
talagang todo-effort ang Smart sa pag-endorse ng promo na ito nung laban ni Pacman, interesante kasi hindi ka na nga naman kailangan bumili ng PC o mag-antay pa sa mga computer shop para makapag-net lang..

Word of the Day: "Rebound" Relationship

8 Reaction(s)
A "rebound relationship" is one in which a person becomes overly quick to commit to a new partner after having experienced an upsetting breakup or divorce. People who have breakups and then immediatley involved themselves with someone else seem to feel the need to prove to themselves they are worthy of love and affection. They may miss the comfort and affection of a regular relationship. But whatever the reason is, it is a selfish reason, one that is based on serving the self esteem and satisfying feeling of personal worth. "Someone loves me and needs me." It can also be to affirm "I wasn't at fault in the breakup, this relationship will prove that." Most of these rebound relationships are not permanent, and they can be even more destructive than the earlier breakup.

source: WikiAnswers

03.16 Wallpost

2 Reaction(s)
Mula ngayon pag wala akong maisip na title, gagawing ganitong format nalang ang gagawin kong post plus samahan pa ng wallpost na kagaya sa FB. Paano ba naman kasi halo-halo na ang pumapasok sa isip ko, hindi lang dahil tag-init kundi wala talagang matinong isang idea na maisip. Parang ang gulo ng sinabi ko ah.

Saturday 11.30. Nakauwi na sa haus. Salamat Dan at Elias sa bonding time po. Kahit medyo hindi tayo nakapag-usap nang matagal. Dan may utang ka pa sa akin ah. Elias, ei nabasa ko ang post mo kanina lang (Monday morning), sorry to hear that. Huhu! Sayang ang cellphone at mga gamit mo. Nung una na-guilty ako kasi akala ko nangyari iyon nung umuwi tayo. Iyon pala kinabukasan na nun.

Sunday 6.30. Kainis hindi ako nagising nang maaga. Hindi na naman ako nakapag-jogging, siguro sa pagod mula nung kinagabihan.

09.00. Nag-net as usual. Updates dito at diyan.
12.00. Umalis sa haus. Whew ang init ah nasa biyahe ako. Effort talaga. Syempre inantay ko munang maging malilim bago lumabas.

03.00. Nakarating sa Trinoma para meet si Tuks. Mas nauna pa pala siya dumating. Nakakahiya naman sa kanya. Hehe! Dumaan muna ako sa Sandugo para bumili ng gears. Then saka kinita si Tukas. Kumain din saglit. Usap kaunti sa work niya kasama ang mga kimchi.

04.40. Ginamit ang movie ticket na napanalunan sa raffle. Watch ng Alice in Wonderland. Though maganda ang story at animation. Medyo nabitin talaga ako at nakulangan parang there is something na meron muna in between bago natapos ang movie. Rating 3/5 stars.

06.00. Kumain ulit. Usap again ni Tuks. Bili ng book. The Phoenix Guards, hmm ewan ko kung ma-appreciate ko ba ang Alexander Dumas style of writing ng author.

08.00. Nagpaalam kay Tuks. Sumakay na ng MRT para kitain naman ibang berks sa MOA. Medyo nakakapagod. Ang tagal bago nakasakay. Pagdating sa Taft nakita ko na yung iba sa kanila.

09.30. Magsasara na ang mall. Tapos na ang pyro. Naghanap na ng makakain. Medyo napagod kakahanap ng pwesto. Nagrereklamo na rin ang iba. Napagpasyahan na sa Lydia's lechon nalang kumain. Nakakahiya kay Kuya Leon dahil sinagot na niya yung food ng lahat. Kaunting usap-usap.

11.30 Umuwi na ang iba dahil me pasok pa. Natira ang kami-kami lang. Kaunting tambay sa seawall. Nabawasan na naman kami ng isa nang napagpasyahan ng isa na umuwi na rin dahil may pasok pa sa school.

Monday. 01.00. Nasa aming teritoryo na. Ang tinatawag naming "damuhan". Sa CCP grounds, kung saan lalatag lang ng kumot at pahinga ng kaunti. Usap-usap sa buhay. Mga balita na kay ganito at ganyan. Mga plano ng grupo kung saan pupunta. Yung iba nakakatulog na. Yung iba naman sight-seeing sa anyo ng Maynila at mga taong dumaraan.

04.30 Humabol pa isa naming kasama. Pero pauwi na rin kami kaya saglit lang nakapag-usap. Sabay nang umuwi papuntang EDSA at nagkanya-kanya na.

05.00. Bilis ng biyahe ng bus. Natatapon ang kape na hawak ko. Nakakainis.

06.15. Nakarating sa Terminal ng jeep. Punuan.

07.00. Mabilis naman ang biyahe. Nakauwi rin. Nag-text sa mga kasama na nakauwi na ako. Paguwi, paantok. Tapos nakatulog na.

13.30. Nagising. Text-text muna. Nood palabas sa TV.

14.00. Net ulit. Then by 17.00 prepare sa work. Bago umalis, nanood muna ng balita sa pagkapanalo ni Pacman kay Clotty. Nakarating sa office before 21.00.

Tuesday. 01.00. Blog mode. Lunch break. Hindi na naman kumain. Hunger strike ata. Salamat nga pala sa mga ka-text ko kanina habang nasa biyahe. Salamat Jay, Abhie, Alfred, Marko at Yanah.

Team Sam @ Pancake House, Bonifacio Stopover, Global City

0 Reaction(s)

Hectic

6 Reaction(s)
Sensya na po sa ibang nagtatampo at hindi ko sila nakaka-meet. Medyo busy po palagi tuwing weekends, parang celebrity hehe! Naka-sched na po kasi kada week yung mga commitments ko po. Hayz, hehe! Kakapagod pero Ok lang kasi kahit papano nagiging sociable na ako unlike before na sobrang introvert ako na ang ruta ko lang eh work-haus-then-weekend-shop-lang.

Saturday - Thanks nga pala Dan and Elias sa bonding kagabi. Nag-enjoy po ako. Elias - alam mo na ngayon kung bakit hindi ako makapag-post masyado sa blog ng mga bagay-bagay. Alam mo na iyon kung ano iyon. Message mo ako pag bakasyon si Father Fiel para ma-meet ko rin nang personal. Dan - hehe. ang tahimik mo ngayon - kelangan next time magsasalita ka na. Pakilala mo ako sa baby mo. See you guys sa Sagada trip natin.

Sunday. Tuks looking forward sa meetups. Pati na rin sa C6 Clan mamayang gabi. Sana marami ang pumunta. Enjoy your weekend guys!

Mortal Kombat versus Donkey Kong

0 Reaction(s)
 

M03W02

2 Reaction(s)
Tema ng buong linggo. Tea. At puro tea nalang sa buong gabing shift ko. Ewan ko ba. Naadik ako sa Green Leaf tea na HoneyLychee, Gary V. kasi eh. Masarap naman kasi, kaya nga lang kagaya ng nabasa ko sa isang review, hindi man lang naka-indicate yung sugar content. Alam naman nating lahat ang mga benefits ng green tea. Pero siyempre samahan pa rin ng excercise at right diet. Sa ngayon Lipton RedTea naman ang napag-tripan ko. Teaboi na nga tawag sa akin.

Walang katapusang tulong na naman sa kapitbahay na team dahil bagsak na naman ang service level nila. Ok lang pero minsan nakakaumay na kasi ang sobrang pagaantay ng matagal at medyo mabagal pa ang system. Wawa naman ako downward trending ang prod, buti ang quality consistent pa rin.

Hindi pa rin malinaw kung matutuloy ba ang IstampangBato sa HolyWeek ng tropa. Wala kasing nakakaalam sa amin kung paano ang pagpunta dun eh. Si Angelo buti nagparamdam na rin. Nag-sorry daw kay Cyril. Hindi ko pa naririnig ang buong story. Pero magandang balita iyon.

Medyo natamad mag-text ngayong panahon na sobrang init. Medyo walang direksyon ngayon at tuliro sa dami ng iniisip. Please bear with me kung hindi ako nakakapagreply sa inyo minsan. Nasa harapan ko na ang phone pero wala akong effort magreply sa SMS niyo.

Medyo kulang sa tulog palagi ngayong linggo. Syempre sisihin ko sarili ko dahil adik ako sa FB, to the point na tanghaling tapat na, andun pa rin ako sa shop. Hayz, kelan mawawala itong addiction kong ito. Isa sa mga factor siguro kung bakit bumaba ang prod sa work. Antukin masyado. Tapos super lamig pa kahit naka-hoodie na ako, pipikit-pikit pa rin.

Salamat nga pala kay Mark (blogger/officemate) sa pag-burn nya ng copy ng The Secret sa akin, kahit papano na-shift sa positive thinking ngayon. Optimistic. Hopeful!

Excited na ako mamayang gabi, magkikita kami ni Yas at Dan (blogmates), last na meet pa ata namin eh nung AkoMismo event sa TheFort last year. Sana marami kaming mapagusapan at mas lalong bonded (pandikit?). Iyon nga lang sana maganda ang panahon at malamig. Tapos sa Sunday naman yung ka-clanmate ko naman sa Uzzap. Sana makahabol ako, meron pa kasing ibang personal business.

I want to meet: Zak Yuson, Si KoolKidEco ng 5 and Up (circa 1992, sigh matanda na talaga ako), ang bibong inglisero na pamangkin ni Madam Cheche Lazaro. Musta na kaya siya, anu na kaya balita sa kanya. Hehe! Wala lang na-curious lang ako sa ginagawa niya ngayon, officer siya sa isang sponsored project ng ADMU - Pathways for Higher Education (correct me if i'm wrong). Wala lang, akala ko dun nagtatapos sa show ang pagtulong niya sa mga bata, maski nawala na ang show patuloy pa rin siya sa mga projects, hanga ako sa kanya. Isa siyang inspirasyon sa mga kabataan ngayon. Inuuna ang kapakanan ng mga hindi makapag-aral kesa sa sarili. Saludo ako sa iyo kaya gusto kitang makausap at marinig ang iba mo pang mga kwento.

Unang ulan!

7 Reaction(s)
Matapos ang ilang oras na pagaambon eh sa wakas, bumuhos na rin ang ulan. Na siyang pinakaantay ng lahat. Tuyong-tuyo na mga halaman at puro alikabok na ang paligid. Pawang pinawi ng ulan ang bakas ng init at uhaw ng lupa na matikman ang halik ng tubig-ulan.

Memoria: Eh Kasi Bata!

4 Reaction(s)
dahil sa post ni Bunwich naalala ko na naman ang aking kabataan (late 80's), kung saan malinis pa ang hangin, makakakita kapa ng mga gamugamo at paruparo sa kalsada; hindi ko man maibabalik ang nakaraan - andito pa rin siya sa aking puso at nagsisilbing alaala ng kahapon..

Ilan sa mga naalala kong mga gawain ko nung aking kabataan..

- Peborit ko talaga yung "tuyo" dati; well hanggang ngayon din naman. Hinihimayan pa ako ni Mama sa paligid ng aking plato at nakaka-ilang servings ng rice ako nun.

- Nakakatulog ako pag nililinisan ni Mama ang aking tenga, ewan ko hinahanap-hanap ko iyon ngayon, pero pagagalitan ako at sasabihing ang tanda-tanda mo na.

- Pag-akyat sa puno ng aratiles sa gilid ng bahay ni Aling Dading. Ang sarap kaya kung ikaw mismo ang pipitas nun at kakainin. Katabi pa nito ang puno ng bignay at balimbing pero hindi ako kumakain nun, sa kabilang bahay naman (nina Mang Ado), puno ng sineguelas naman. Kasama ko mga kalaro ko nun pag aakyat ng puno.

- Syempre lahat halos ng mga bata eh nagdaan sa mga electronic games - Game n Watch kung saan nakilala ko best friend ko (mula Grade 3), Nintendo Gameboy na green pa ang screen, Family Computer na magdamag nilalaro pagkatapos ng exam. Isama mo na rin ang brick game kung saan nagbuo pa kami ng "BrickGame, Family Computer club" - ang siste me schedule kung saang lugar maglalaro ang lahat.

- Larong patintero (gamit ang tubig kanal sa gilid ng kalsada), taguan (tuwing brownout o bilog ang buwan). Kaya pag-uwi ayun, amoy-pawis halos pero masaya siyempre kasi kasali lahat ng nasa street namin. Iyan ang isa sa mga nakaka-miss talaga. Pagiging close ng mga tao sa isang barangay na pati lahat ng mga bata eh kasali pag may larong kalye.

- Nakakahiya pero sa kagustuhan matikman kung anu ang lasa ng itlog ng pato eh patago akong pumunta sa patuhan ng kabilang bahay at kumuha ng itlog dali-daling tumakbo. Kinabukasan, sinubukang iluto, ayun malapit na pala mabuo ang itlog at may dugo pa, kakaawa naman ang magiging sisiw sana.

- Hindi ko talaga makakalimutan yung nainom kong tubig eh galing dsa FishPond sa aming school, kainis buti hindi ako na-LBM nun. Akala ko pa naman kasi malinis ang nainom ko nung nakisuyo ako sa isang kapwa-bata na pwede maki-inom dahil uhaw na ako, naka-ilang lagok na ako nun nang makita na bakit may lumot at kiti-kiti ang tubig. Huli na ang lahat. Alangan naman sukahan ko iyon.

- Ang mahabang lakarin sa pagtatapon ng basura. Noong nasa Grade 1/2 ata ako nun, since nasa public elementary school lang po ang inyong lingkod, hindi maiwasan na mautusan ng mga guro sa ibang mga bagay. Isa na roon ang pagtatapon ng basura, kelangan dalawa ang magbubuhat dahil may kalakihan ito. Sobrang layo para sa isang bata ang lalakarin. Kaya minsan umaabot ng 15minutos ang paglalakad kasama na roon ang pagbalik naman. Pero masaya kasi nagkaka-kwentuhan minsan.

- Ang buteteng laot (sumalangit nawa) na si Mr. Dominguez ang terror sa iskul. Pag nakikita niyang walang klase ang isang section, palalabasin niya at pagbubunutin ng mga damo ang mga ito. Naalala ko pa dati, parang mga pugante ang iba kong mga classmate kung magsitakas pag dumarating na si butete ay Mr. Dominguez pala.

- Ang baon kong Sarsaparilya (root beer), ewan ko kung iyan ang spelling pero iyan ang naririnig ko kasi dati sa TV ads. Bibili muna si Mama sa tindahan ng mama ni Dylan (elementary classmate) para iyon ang aking inumin (take note, marami akong baunan nung panahon na iyon, iba't ibang kulay at disenyo at hugis pa). Tapos nung kasikatan ng Burger Machine, iyon din ang baon ko minsan.

- Nakakahiya pero naranasan kong maihi sa klase, nahihiya kasi ako mag "Mam may i go out?", kaya ayun naihi ako sa klase. Kinabukasan ayun, tampulan ng tukso sa aking mga classmate. Pasalamat nalang ako at Grade 1 nun at hindi kung kelan matanda saka ganun. Hehe! Kesa naman dun sa isa kong classmate na natae naman. Waa!

- Pag recess time, since malaki ang oval area namin. Dun lagi ang punta namin at naglalaro minsan ng habulan Tatsing-Raber (cops and robber), luksong baka at tinik at longjump. Minsan sa mini-forest naman ang aming tambayan, sarap ng hangin kasi.

- Naranasan ko nang makagat ng antik (fire ants - dunno kung tama), sa puno ng makopa. Bigla kasing bumagsak ang sanga sa akin habang nanunungkit kami nito sa bahay ng landlady namin. Muntik na ring masunog ang aking paa dahil sa hindi inaasahan na nalapit ko sa siga ng apoy ang aking paa. Mabuti nalang at mabilis ring naapula pero nagkaroon ng 1st degree burns at ilang araw na nakabalot sa panyo (ewan ko bakit hindi uso ang benda nung panahon na iyon). Mabuti nalang at walang peklat na naiwan.

- Ang karoling tuwing nalalapit ang pasko, kung san-saan kami nakakapunta ni Ray-an at ni Banak (Jennylyn), masaya kasi nung panahon na iyon, hindi pa hirap ang buhay ang mga tao at namimigay talaga, walang nagsasabi ng patawad. Isama mo na rin sa listahan ang C.O.D. tuwing pasko kung saan may munting palabas na kadalasan eh sina Santa Clause, mga angel, Baby Jesus. Naalala ko rin ang pagpunta namin sa Luneta at sa PhilCite. Pag-uwi naman yung peborit kong leche flan at pininyahang manok ang nakahain na sa mesa.

- Pag birthday ko, laging imbitado ang mga teacher sa school at mga kaibigan. Maraming lobo at cake mula pa Goldilocks na custom-made. Ang saya-saya talaga pag birthday ko. Ewan ko, nami-miss ko rin iyon. Ngayon kasi hindi na ako nag-celebrate gaano, praktikal na rin.

- Ang mahiwagang Mighty Kid, lahat ng bata siguro ito ang pangarap nung kapanahunang iyon. Pati mga latest na damit meron dapat kami, kada dating ng remittance ni Papa abroad, namimili kami minsan sa Isetann o kaya sa Uniwide Cubao.

- Syempre hindi ko rin malilimutan lalo na yung pag-akyat nina Ma at Pa sa stage tuwing Recognition/Graduation day. Hindi sa pagbubuhat ng banko, pero parang laro lang kasi sa akin nung panahon na iyon ang pag-aaral. Kahit mahilig ako maglaro sa labas, hindi ko nakakalimutang magbasa ng libro at mag-aral nang mabuti. Consistent 2nd honor nung elementary, talagang ayaw ibigay sa akin ni Frendy ang 1st honor pero Ok lang. Kaming dalawa lang ang hindi natinag sa pwesto na iyon sa batch namin.

Medyo mahaba na ang listahan, pero marami pa akong naiisip. Ilan lang yan sa mga gintong alaala ng kahapon. Masasabi kong maswerte ako nung kabataan ko dahil naranasaan ko kung paano ang maging bata.

He Says

0 Reaction(s)
"It was lonely and difficult to be in the company of people who aren't readily capable to understand who you really are."

-a2 Continuation: On Coming In and Out, Lukayo's I-Am-Lukayo

Random Picture - Teh Oso Family (Flashback)

2 Reaction(s)
miss you guys! *sigh* kelan kaya ang reunion na magiging kumpleto tayo;
at kumusta na rin kaya ang ating Oso at Mocha!
Asan kaya ako diyan, may libreng halo-halo mula kay Aling Petra..

BenteKwatro

5 Reaction(s)
15:40 Nagising, hindi na nakatulog. 5 hours. Ok na rin siguro iyon. Nag-reply lang sa mga text messages.

16:00 Soundtrip (MTVs). A couple of songs from Secondhand Serenade, SimplePlan, Kavana and Human Nature.

17:00 Lamon mode, salted egg para maiba naman. Yum!

17:30 Prepare for work.

18:30 Nanood pa ng TV Patrol. Nakaka-miss ang dayshift. Hindi na ako nakakapanood ng balita, thru Net nalang minsan.

20:45 Nakarating sa office.

23:00 Eto blog mode. Namigay si boss ng sandwiches at juice pampalubag loob.

23:45 Nakaramdam ng antok, pero pinipilit na wag makatulog.

Bagong araw

01:00 Lunchtime. Hindi kumain. Nabusog sa green tea. Netsurf lang sa mga balita ngayon.

02:00 Inantok na naman, naglakad-lakad para hindi makatulog. Ayoko mag-kape. May aftertaste kasi. Pero magandang combination sana ang caffeine at green tea.

03:00 Akala ko wala nang OT dahil bumaba na ang accounts, iyon pala matutuloy at 3 hours pa siya. Biglang nag-upload kasi ang system. back to 5 digits na naman ang accounts. Ang saya nito.

04:00 Eto tamad tumayo at update ng blog ulit. Ubos na ang green tea ko. Kukuha nalang ako ng inumin sa pantry mamaya. Hayz, nakakapagod talaga. Tapos inaantok ka pa.

06:30 End of regulation time (parang basketball lang). Start naman ng 3 hours OT. Sakit sa ulo na naman paguwi. Puyat, pagod at init ng panahon. Nakakabingi ang katahimikan sa office. Kami lang ang maingay (malamang kasi kami nalang ang naiwan).

07:00 Makulimlim sa labas. Pero lagi namang ganito pag umaga. Pinasasabik kalang sa pag-asang uulan pero makalipas ang ilang oras eh magpapakita na ang haring araw at balik sa initan na naman ang lahat.

07.15 Bagal ng system. Surf muna sa stats ng aking blog. From Cubestat - Website worth $326.31, 149 Daily pageviews, Daily Ads Revenue $0.45. From Alexa - Alexa Traffic Rank 6,715,764, Philippine Traffic Rank 64,014.

07:30. Natuluyan na talaga ang system. Pinauwi na kami. Super Antok sa biyahe. Sa jeep nabagsak ko pa ang cellphone ko. Tapos ang sikip-sikip pa.

09:15 Nasa amin na. Net kaunti. Mamaya uuwi na at matutulog. Sana umulan at tumuloy na yang maitim na kalangitan na iyan.

11:00 Nood showtime. Pampaantok. Hehe! Walang kokontra.

11:30 Nagluto ng sopas si Ma. Ako talaga ang pintasero ng mga niluluto niya. Sinabi ko kanina lasang tubig. Hehe! Pero ok naman ang pasta.

12:00 Nakatulog. Naglalaway. Naghihilik.

17:00 Nagising ulit. Ayan cycle na naman ang buhay. Grabe paulit-ulit nalang.

Ow Ti

4 Reaction(s)
Haggardness. 2 hours OT ngayon. Bukas 4 hours naman. Mukhang mapapadalas ang ganitong sa darating na mga araw. Papayat kaya ako sa ginagawa kong ito? Pagod ka na la pang nagmamahal sa iyo. Nice. Sige lang.

Current Mood

6 Reaction(s)

He Says

2 Reaction(s)
bunso talagang inaabangan ko ang mga ganitong blog entry mo, ituloy mo lang yan. Be an inspiration to everyone..

"We are all free and no one shall label us nor decide over our fates. We shall dream for ourselves and never allow anyone to limit us. We shall never let others tell what we can only be. We shall be what we want, even if it means leaving home or walking alone. We are who we are for a reason. We are our dreams, our capabilities, our courage."

-Move, Elias' Ang mga Lihim ni Hudas

C1A3: Baliktanaw

3 Reaction(s)
Lumipas ang ilang linggo na naging mga buwan. Wala nang balita si Jerry kay Kate. Pilit niya itong kinalimutan. Binura at inalis ang mga bagay na makakapagpaalala sa dating minamahal. Matagal ang healing process, sabi niya sa sarili niya. "Matagal, pero kakayanin ko ito; nabuhay ako nang wala siya magagawa ko ulit ito."

Hindi na nakatiis si Jerry, sabik na siya kung ano na ang balita kay Kate. Kaya naman kinaibigan niya ulit ito sa mga social networks kung saan may account din si Kate. Hanggang sa naging magkaibigan ulit sila. Humingi ng tawad si Jerry sa mararahas na salita at aksyon na ginawa niya. Madali naman siyang napatawad ni Kate dahil naiintindihan naman siya nito. Masaya na si Jerry na kahit kaibigan lang, kahit papano'y magkakausap sila ni Kate.

Lumipas pa ang ilang buwan, nawala na rin ang nararamdaman ni Jerry kay Kate. Kaibigan nalang talaga ang turing nito sa dalaga na dati ay halos sambahin na niya. Pero syempre hindi naman mawawala ang pagmamahal at ito'y nagbabagong-anyo lamang. Merong mga oras na hinahanap-hanap pa rin niya ang pagmamahal ng dating kasintahan. Ang mga masasayang sandali nung sila'y magkasama. Alam niyang hanggang sa alaala lumipas na lamang ang mga iyon at hanggang sa puso nalang niya ito muling masasariwa.

Nagbabalik rin ang kanyang diwa sa mga taong dumaan at nagbigay ng pitak sa kanyang buhay. Kung maibabalik lang ang panahon. Muli niyang naalala ni Micah, nakilala lang niya sa isang forums at malapit-lapit lang sa kanilang lugar. Strikto at konserbatibo ang pamilya nito at halos parang prinsesa sa taas ng tore kung ikulong sila sa bahay. Kaya naman halos walang kaibigan si Micah sa kanilang lugar at karamihan ay mga kapwa niya kolehiyala s Maynila.

Napagpasyahan nila na magkita na malapit lang kina Jerry. Umaambon pa noon, naka-kotse si Micah at tinanaw si Jerry na nag-aantay sa upuan sa tapat ng barberya. Sumakay si Jerry sa kotse, at sila'y nag-kumustahan at usap-usap tungkol sa kanilang buhay. Hindi nila pansin ang paglipas ng oras at masyadong naaliw sa pakikipag-kwentuhan sa isa't-isa. Hindi namalayan ng isat-isa na unti-unti na silang nahuhulog sa isa't-isa.

"Isa ito sa mga hindi ko malilimutang araw ng buhay ko", sambit ni Micah. Pero batid nilang dalawa na itong si Micah ay hindi rin makapag-pasya dahil na rin ayaw niyang bitawan ang ilang taon na nilang relasyon ng kanyang boyfriend. Na kung saan niloko siya nito ng ilang taon sa pagaakalang pinsan niya ang kinakasama sa kanilang bahay. Nagagalit si Jerry dahil, sa kabila ng ginawa nung taong iyon. Martir itong si Micah at pilit inaayos ang nasirang relasyon sa kanyang kasintahan.

Nag-usap pa nang kaunti ang dalawa ng iba pang mga bagay-bagay, hanggang sa napagpasyahan ng dalawa na umuwi. Hindi malilimutan ni Jerry ang araw na ito, wala mang kasiguruhan ang mga susunod na araw para sa kanilang dalawa. Kahit papano, nakaramdam ng kasiyahan si Jerry. May taong nag-appreciate sa kaniya at susubukan siyang mahalin.

Sidetrip sa UP Diliman

3 Reaction(s)
Napagusap ng mga kenkoy na blogger na sina Jin, Yanah at Marko na magkita-kita sa araw ng Linggo sa bahay kubo ni Pralines. Hindi naman maliit ang haus niya gaya ng sinasabi niya, studio type nga eh kaya lam mo na ang size nun. Medyo takot sa tao si Marko kaya laging nakasara ang bahay. Inisip ng iba siguro kung may nakatira nga ba dyan. Baka natatakot sila sa makikita nila na may nagpapahid ng langis pag gabi na pagsilip sa bintana at aswang pala itong si Marko.

Pasensya na sa kanila at medyo late na akong nakarating. Dahil na nga inasikaso ko pa itong blog links ko etc. Ayun nauna na sila nagkita. Sinabi ko sa kanila, wag na nila akong antayin dahil 1hr ang travel time ko. Hindi na halo-halo ang pinabili at ice kwem na lang para tipid. Pagdating sa haus, kaunting salo-salo. Ayun may pusit, sinigang, langka etc. Nabusog kami kasama na ang tawanan at kwentuhan.

Pahinga mode. Kwentuhan pa rin sa buhay-buhay. Kinalikot mga gamit ni Marko. Then sobrang init talaga, pawis na kami kakatawa. Ang lakas pa ng fan, bumili ka na ng industrial fan kasi para lumipad na tayo. Then mga hapon, napagpasyahan na dumaan sa UP Diliman, tutal supah lapit lang naman. Naligo muna kami. Nakakahiya sa labas, kasi lahat ng tao nakatingin sa amin. Akala siguro nila nag threesome kami sa loob. Nakakahiya tuloy. Haha!

Ayun pagdating sa UP. Lakad. Kwento. Tigil sandali sa oblation. Lakad ulit. Kung anu-anu mga comments namin sa mga dumadaan na mga tao. Tuwing Sunday pala parang Luneta itong UP, natalo pa ang Parks and Wildlife. Hehe! Dumaan sa isawan ni Mang Larry. Kawawa naman si tatay Larry, may picture pa tlaga sa cart. Napagkatuwaan. Akala ko naman malalaki ang isaw nila, pareho din pala sa iba. Kaya dinudumog kasi walang kumpetesyon.

Kumain. Bumili ng inumin sa UP Arcade. Then dumaan sa Parish of the Holy Sacrifice para dumaan at magsimba naman si Yanz. Then pagod. Sumakay na sa Toki palabas sa Philcoa. Super antok na ako nun kaya hindi na ako sumama pabalik sa kubo nina Marko. Salamat guys sa bonding moment. Nag-enjoy po ako promise! Hanggang sa muli. Excited na ako next month. Sana marami pa akong maka-meet na bloggista sa mga darating na buwan. Amen!

FB apps update

0 Reaction(s)
Dungeons and Dragons. Lv.5 Dragonborn Warlock. Third Generation. Mithral Shirt of Corellon (recurring equipts)

CastleAge. Lv. 92. 214 Army size. Doin Aurora demi-quest. Undead realm quest. 1000+ invasions. 500+ duels. Constructed 100 siege weapons. Rank 10 Lieutenant Commander.

MafiaWars.  Lv. 501. Doin Bangkok jobs. Yakuza reputation (allied). Chop-chop operation in progress. 1200+ Mafia members.

Spore Islands. 54% Biodiversity (got a trophy). Main pet lv.7. Almost 3.97 million points going for 4. Rank 1 local for pts and ratings. Rank 252nd (rating) 742nd (points) global.

Naruto Shippuden. Lv.97 special jounin. 18 team members. Doin side arcs.

M03W01

0 Reaction(s)
Adjustment. 1st week sa bagong team. Couple of meetings, getting to know part. Congratz kay insan Dave, promoted to Supervisor. Nabawasan na ng tower of power ang LTDM. So far ok naman silang kasama, though hindi pa ganun ka-close at few interactions with them. Sa seat naman, kainis nasa dulo pa ako at kita ni Boss yung ginagawa ko. Hehe! Kaya todo minimize muna ang ibang extra-curricular. Medyo malamig sa pwesto kaya hooded jacket palagi. Ok naman mga katabi ko, nakakausap ko minsan, kahit na super focus ako sa prod dahil nga 1st week kasi.

Ewan ko pero bakit ganun, lang gana ako kumain this week. Unmotivated. Uninspired. Dahil ba sa maraming iniisip. Nakakalimutan nang kumain minsan. Usually puro Milk and IcedTea nalang pag nasa work. Ewan ko, hindi ko mahuli kung anung ok sa tastebuds ko. Salamat nalang sa ibang nag-tetext at email to cheer me up. Medyo Ok napo ako. Minsan lang talaga andun tayo sa lows pero bilog naman ang gulong kaya tataas ulit. Hehe! Yebah!

Kakulitan pa rin sina Markotuts at Yanz mula texting hanggang dito sa Blog. Supposedly magkikita with Dan and Yas kaso moved nalang next week pati na rin si Tuks. Medyo walang budget mga tao ngayon, naubos nung sale siguro sa SM. Haha! This Sunday naman punta kina Mark with Yanz. Kukulit, finalize na namin yung trip namin this April sa Sagada. Next week, Dan/Elias, meet tayo sa Riverbanks.

Tumatanda na sina Pa at Ma at napilitang gamitin ang health card nila, almost a week na kasing nasa haus si Pa at ayun puro pahinga. Ilang weeks na rin kasi yung hika niya at bara sa sinus area. Tigas-tigas ng ulo. Sinabi nang magpatingin sa duktor para hindi na lumala. Buti napapayag ko kahapon. Eto dagdag gastos ang medication pero Ok lang para sa kanila naman iyon. Nag-restock ulit ng mga supplements at vitamins para sa family. Hayz, ang hirap maging breadwinner.

Kahapon galing UP Diliman, unwind mode. Liwaliw. Parang nasa Luneta lang, hehe! Actually first time kong pumasok sa loob na ganun ka extensive ang napuntahan. Buti nga hindi ako naligaw. Hinanap ko lang ang Malcolm Hall at Church of the Holy Sacrifice pati na ang Sunken Garden. Kakatuwa kasi imbes na football makikita ko dun eh adik sa Frisbee ang mga pips doon. Nung napagod sumakay na rin sa Toki jeep then headed home. Sobrang pagod, nakatulog nang maaga.

Welcome home nga pala, Vinz  ang Sadako ng batch namin. 2 years ka ring nawala. Miss you na po. Sensya na kung hindi ako nakapunta kahapon kina Nescel. Ngayon ko lang kasi nabasa yung reply mo sa Facebook, well I hope magtagal kapa kahit ilang weeks, para magkausap tayo. Tagal na rin tayong hindi nagkikita, parang dekada na sa tagal hehe. Miss ko na bonding with you guys. Sensya na at maraming priorities sa buhay. Maski weekends super busy. Kala mo artista. Hehe!

Eto katangahan na naman kahapon sa pag-aayos ng layout. Gusto ko kasi back to basic black kagaya ng dati. Hindi ako natutuwa sa layout dati, ang laki-laki ng font. Back to being a minimalist. Ayan sa kaartehan ko, since walang post date at post time lang nakalagay. Tumingin ng mga online guides, sinubukang tweak ang html codes, ayan nagka-leche-leche na at worse nawala pa ang mga blog links ko, mahihirapan na naman akong mag traceback nito at please bear with me guys. Tanga lang talaga ako at super confident na hindi mangyayari ito. *Kutos* Next time, backup backup at isa pang backup. Kainis. Grr! Hanggang sa muli.

Movie Trailer: Bangkok Love Story

0 Reaction(s)
A gay romantic crime action drama, it is the story of a man who falls in love with a gunman who is assigned to kill him.  

Lang Gana

2 Reaction(s)
Alanganin akong nagising kanina. 3 oras lang tulog ko. Dahil na rin sa init ng panahon at ingay ng palabas sa TV. Nag-reply muna sa mga nabiting text messages. Dumiretso sa netcafe. Sobrang init ng panahon. Sabi nga ni Anne, parang disyerto na tayo - sobrang lamig pag gabi at tindi ng init pag tanghali. Pagdating pa dun, mag-aantay pa ako ng ilang minutes dahil puno.

Usual FB updates. Ka-chat sina Marco at Yanah. Nag-react sa mga wall post ng ilang fwens. Monotonous. Tumama na naman pagkatamad ko. Umuwi na agad ako at hindi na inubos ang time. Pag-uwi, lang gana kumain. Ewan ko, ilang taon na nilang niluluto mga putahe. Nagsawa na siguro panlasa ko. Nagluto nalang ako ng itlog. Panigurado mamaya gutom na naman ako.

Friday na, pero hindi ako excited. Wala lang, samantalang ang iba tuwang-tuwa dahil last day ng work ako, wala lang. Parang dadaan lang ito at paggising mo Monday na naman. Maski sa biyahe tamad na tamad ako, andami kong iniisip. Lumilipad ang aking diwa. Hindi ko nasasagot ng maayos text messages. Hindi lang siguro ako motivated at inspired.

Sana this weekend, may magbago para tuloy-tuloy na next week.

*UPDATE*

Eto nasa work, sobrang antok na antok. Siguro dahil ilang oras lang ang aking tulog. Hindi ko tuloy alam kung nakapag-prod ako nang maayos. Hay buhay. Ilang oras nalang naman at uwian na, babawi nalang ako paguwi sa amin.

Pihikan

5 Reaction(s)
Inaamin ko, maarte ako pagdating sa pagkain. Ayoko ng isda. Kahit anung luto pa siya. Trauma na ako sa tinik dati. Ayoko na maulit pa. Nagsasawa na rin ako sa mga niluluto sa bahay. Palagi na lang ganun. Kaya minsan kahit kay pagkain pa diyan. Magluluto nalang ako ng noodles at iyon ang kakainin.

Ewan ko bakit ngayon hindi ko na ma-appreciate ang tinola at sinigang na niluluto ni Mama. Nasanay lang ba ako sa pagkain sa labas kaya ganito. Maski sa pang-himagas, yung gelati at buko salad. Ayoko na rin. Yung leche flan nalang ata ang natitirang paborito ko ngayon.

Minsan sinasabi ko, bibili na ako ng cookbook sa National para may maluto naman kayong bago. Maski sa spag kasi nakakaumay na rin. Kasawa na ang matamis na red sauce. Ewan. Hehe. Alam ko maraming nagugutom at swerte pa ako. Hindi naman sila kasali sa usapan. Ako ang pinaguusapan dito at hindi sila. La lang masabi. Hanggang sa muli.

Love Alone

0 Reaction(s)


Love Alone

Caedmon's Call

No one would love me
if they knew all the things I hide
My words fall to the floor
As tears drip through the telephone line

And the hands I’ve seen raised to the sky
Not waving but drowning all this time
I'll try to build an ark that they need
To float to you upon the crystal sea

Chorus:
Give me your hand to hold
'Cause I can't stand to love alone
And love alone is not enough to hold us up
We've got to touch your robe
So swing your robe down low
Swing your robe down low

The prince of despair's been beaten
But the loser still fights
Death's on a long leash
Stealing my friends to the night

And everyone cries for the innocent
You say to love the guilty too
And I'm surrounded by suffering and sickness
So I'm working tearing back the roof

Repeat Chorus

And the pain of the world is a burden
And it's my cross to bear
And I stumble under all the weight
I know you're Simon standing there
And I know you're standing there

Random Pictures: "Online"

2 Reaction(s)
haha! Sir Sayms! Latest victim! asan na pinagmamalaki mong special force.. hehe!

hahaha! kahit mataas pa level mo Sir Mark, hindi ka mananalo sa akin
sucker punch nalang magagawa mo sa akin.. bleh!


kung saan nagsimula ang pagkakaibigan ng PS Boys..
mula noon hanggang ngayon!

Sulat

3 Reaction(s)
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggano nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihanang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihanng "binge!" paki-ulit nalang angsinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akongtulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyonoong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man aynagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.Huwag mo sana akong pagtatawanan opagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,maghapon kang mangungulit hangga'thindi mo nakukuha ang gusto mo.Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kamakapag ayaw mong maligo. Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,subalit nais kong malaman mo na sabikna sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihinang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.. At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakitat maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung akoman ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mgahuling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamayat bigyan mo ako ng lakas ng loobna harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala,kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Pers Tardiness

5 Reaction(s)
Kakalipat lang sa bagong team. Eto agad buena-mano. Late. Buti kung nasa grace period. Kaso hindi. Hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil nasa usual time naman ako umalis na may 15mins pang allowance pagdating sa office.

Merong ginagawang kalsada kasi sa Litex Road kaya sobrang traffic. Kung bakit sinisira ang kalsada samantalang wala pa naman palang materials para dito. Abala lang sa mga pasahero. Samahan mo pa na walang disiplinang mga drayber na hindi nagbibigayan sa daan. Lahat gustong mag-unahan. Ayan nangyari sobrang haba at buhol-buhol ang trapiko. Ewan. Parang pulitiko. Kaya hindi umuunlad ang bansa.

Imbes na magwala ako at magiingay sa inis. Kinalma ko nalang ang sarili ko, at tanggapin nalang sa sarili na talagang late na ako. Parang dahon na handang sumabay sa agos ng ilog. Kalma-kalma lang. Nag-text sa kasama na pa-inform nalang na late akong darating sa office. Hayz, bawas na naman sa sahod at scorecard. Next time, anticipate ko na talaga na may ganitong mangyayari. Kahit 3 oras ang biyahe ko, aagahan ko pa rin. Nakakapagod na ang ganito.

Victory!!

0 Reaction(s)

aww.. salamat po sa mga FB fwens ko, matapos ang ilang araw na pakikipaglaban kay Genesis.
Natalo rin natin siya. Hurrah!

Das gleiche alte neue

2 Reaction(s)
March na. Bagong araw. Bagong buwan. Bagong sup. Bagong teammates. Pero la pa rin nagbabago sa akin. Tapos na ang birthday. Back to reality again.

Eto nakaharap na naman sa monitor. Kinakarir ulit ang CastleAge. Last na naman ito, ayoko mag-fail kaya todo hataw ang pag-spam to the point na temporarily na suspend ang account ko dahil dun. 43+ hours na lang matatapos na ang lahat. Less than 1/10 ang life. Pakiramdam ko ngayong araw matatapos ko na siya at bukas kukunin ko na ang spoils of war.

Kanina pang kausap sa YM si Balbon, hehe. Na praning sa tsunami. Nag sorry naman ako. Kay Yansky, kaya mo yan. Umbagin natin yang nagpapagulo sa isip mo. Baka mamaya iidlip siguro bago pumasok. Nood ng palabas ulit. Kahapon pinanood ko naman "From Beyond", hayz mga 80s film talaga, natatawa nalang ako sa SFX na ginagamit at walang sense na story. Isipin mo higupin ba naman ang utak mula sa mata. Sarap ng cerebro-spinal fluid. haha!

Mamaya papasok na naman. Hayz, kakatamad na magtrabaho. Walang motivation. Walang pagbabago. Hanggang sa muli.

Paguwi sa bahay. Nanood ng DVD ulit. Usual collection parin, parang panata ko na atang tapusin ito ah. Kanina "Virus Undead" ang title ng palabas. Hayz, as expected - hindi siya maganda, usual humans-get-infected-by-a-virus-and-heroes-trapped-in-a-mansion thing. Kakasawa na mga ganito. Maski effects, horrible. Tinapos ko nalang nga para kahit papano alam ko ang ending.

Maagang pumasok. Around 8pm sakto, nasa office na. Bagong seat plan na naman. Bagong katabi. Adjust. Adjust. Adjust. Iyon lang ang masasabi ko ngayon.