Lazy Monday

4 Reaction(s)
Potek sobrang katamad ang araw na ito. Naging catalyst pa ang pesteng computer shop na nakita ko along the way na mas mabagal pa sa snail ang connection kahit isang website lang ang nakabukas dahil no choice ako nun sinunggaban ko lang para lang umalis sa amin para mawala pagkabagot.

Hindi kasi natuloy ang overnight kina Rene at kelangan alagaan niya ang anak niya. Excited pa naman ako, well may next time pa naman. Kaantok lang kasi pag nasa bahay ka. Tingin kalang sa 4 corners ng bahay at iyon mag hallucinate ka nalang ng kung anu-anong bagay.

Ako talaga pag weekend eh hindi mo ako mapapa-pirmi sa bahay, baka mamatay lang ako sa pagka-bored talaga, kaya naman ang usual tambayan pag hindi kami nagkikita ng tropa eh dito sa computer shop ni Mang Willy, san kapa 10/hr sulit talaga at mabilis pa ang connection. Nag plug talaga enoh.

Anyways, hindi ko na file ang leave ko ngayon at baka sa Friday nalang dahil sayang nga naman at wala rin naman akong gagawin ngayong araw na ito dahil na nga sa hindi natuloy ang plano. May pinagiisipan pa akong pupuntahan at kailangan ko na itong gawin para rin sa future ko. Hayz, grabe ang hirap maging panganay, masisira ang ulo ko kakaisip ng mga problema sa gastos. Kahit prinsipe ako sa bahay, pagdating sa gastos mamumulubi talaga ako. Ang hirap magpalaki ng pamilya. Hehe!

Wawa visit

3 Reaction(s)
Supposedly punta kami sa Little Baguio ngayon pero dahil na rin sa umalan ng malakas kagabi kaya hindi kami natuloy dahil masyadong maputik at mataas ang ilog. Disappointed dahil maganda ang panahon last Saturday pero dahil na nga naunahan ako na mag-file ng leave eh hindi kami matuloy. Nakakainis pero chillax lang at alisin ang nega.

Napagkasunduan nalang namin ni Thomas na mag jogging nalang pero instead sa school oval eh sa Wawa nalang, first time ko rin gawin iyon kaya hindi ko estima kung gaano kalayo siya at itatagal ko sa pag-jog. Nagkamita kami sa isang gas station malapit sa amin, then nag-start sa terminal ng jeep sa San Rafael.

Paakyat ang terrain kaya challenge siya. After ng ilang minutes, hiningal na talaga ako at huminto sandali. Sayang at hindi ko na kinaya at naglakad nalang ako pero malapit na naman kami sa Sitio Wawa kaya target ko next time hanggang dun dahil alam ko na ang distance niya. Dumaan saglit sa gotohan at kumain ng mami. Natatawa nga ako kasi akala ko kung anung usok ang nakikita ko sa likod ko. Sarili ko lang pala at nagre-release ako ng body heat. Katuwa nga eh ngayon ko lang napansin. Siguro dahil malamig ang panahon.

Then nagpunta kami sa Montalban Toursim office para magtanong kung saan banda ang Pamitinan Cave, well - ganun talaga kung sino pa ang taga rito eh iyon pa ang hindi nadadalaw sa sariling lugar niya. Maski nga ang Avilon Zoo eh hindi pa ako nakakapunta. Tinuro sa amin ang 2 daan sa baba sa ilog at sa taas naman sa batuhan.

Tumawid na kami ng tulay. Motivated at excited. Nakakalito ang daan kahit merong mga settlers ang andun kaya nagtanong tanong na rin kami kung san banda ang hinahanap naming kweba. Tinuro naman sa amin at nagpatuloy kami sa paglalakad. Lost na kami sa masukal na trail pero tamang tyempo naman at nakita namin si Mang Boy doon na siyang nag-aayos ng patubig sa kanila mula sa bundok pababa sa mga naninirahan sa lugar na iyon.

Grabe ang daanan na tinuro niya, shortcut nga pero jusko, ang hirap hirap at hindi siya friendly path. Kailangan mong kumapit nang matindi sa mga batuhan dahil nagaabang sa kanan mo ang matarik na batuhan pababa sa ilog na ilang feet ang taas. Kaya delikado talaga siya kung hindi ka mag-iingat. Samahan mo pa ng kasukalan ng lugar, mga nagdidikitang mga amorseko at yung mga insekto kagaya ng lamok na takam na takam sa iyo.

Narating rin namin ang kweba at kailangan mo talaga ng ilaw para makausad ka dahil sobrang dilim at kulob ang kweba. Dito ang source ng tubig ng nasa ibaba ebidensya ng mahahabang rubber hose papasok sa kweba. Sinabi pa ni Mang Boy, na though malaki ang kweba sa loob naman nito eh parang ilog tuwing tag-ulan at hanggang balikat ang taas niya minsan pag matindi ang buhos ng ulan. Kaya mas mainam na subukan ito tuwing summer dahil na nga at natutuyo rin siya.

Maraming kwento si Mang Boy, nung lumabas na kami at nag-stop over sa manukan nila. Tungkol sa mga anak niya, sa pagpapaaral niya rito. Ang mga issue nila sa patubig at mga hirap na dinanas niya hanggang sa pagbebenta niya ng towel na umabot pa siya ng Dagupan hanggang Batangas. Pati na rin ang mga dumadaan sa lugar nila at kung paano ma distinguish ang NPA at Militar dahil sa simula palang eh hindi mo talaga malalaman kung alin ang alin sa dalawa dahil pareho lang silang me armas at naka uniporme.

Pagkatapos ng kwentuhan, bumaba na kami at nakasalubog naman ang mga kapitbahay niya na nagbabalat ng isang "cloud rat" na nahuli nila na kumakain ng pananim nila. Parang manok lang pala siya kung balatan. Nag kwento rin si Mang Boy tungkol sa paniki na masarap daw lutuin na hanggang sa matuyo sa mantika. Nagpasalamat kami kay Mang Boy nang nakarating sa kanilang tahanan at naghabilin kami na kung aakyat kami eh siya ang aming sasadyain sa pagtahak sa Pamintinan Cave kung sakaling maisipan ng tropa na magpunta run.

Bumaba na kami sa Wawa at tumawid ng hanging bridge. Napagdesisyunan na huwag nang sumakay ng jeep at lakarin nalang namin ulit gaya ng pagakyat namin kaninang umaga. Kakapagod pero enjoy. Iyon nga lang mas masaya sana pag marami kami, sana nga next time sumama na ang iba at maglaan ng oras. Kaya naman tuwing weekend magiisip lagi kami ni Thomas ng Plan A-C kung sakali hindi pwede ang ibang napag-planuhan. Hanggang sa muli.

TGISabado

2 Reaction(s)
Hindi ko talaga kaya ang 7-4 na shift at kailangan todo effort pa ako sa pagmamadali at karir sa pagtakbo hindi lang ma-late at kahit papano nakahabol to the last minute unlike sa iba kong mga kasama na na-late na.

Meron kasing Department meeting tungkol sa 2011 initiatives. Boss Ryan thanks na rin sa pakaiun. Got a chance to talk to him sa ibang mga concerns at would like to thank him dahil open siya sa mga ideas and concerns ng agents niya.

Excited na ako para bukas dahil me bonding ang PS Boys though hindi makakasama ang lahat, still enough para ma-enjoy namin at lalo na ako na makakapunta ako sa Little Baguio ng San Isidro na barangay malapit sa amin. Have a happy weekend guys!

[WTF!@#]

4 Reaction(s)
Security Failure?!

Environment

5 Reaction(s)
More than a month na dito sa bagong function. Nangangapa pa rin at ini-estima ang personality at attitude ng mga kasama. Mahirap talaga pag sa iba't-ibang function galing dahil iba ang kultura at halo-halo na siya sa isang team. Hindi tulad sa nakaraang mga team kung saan ako galing. Madaling makibagay kasi alam mong sa iisang department lang galing. Anyways, sa simula lang siguro na ganito at pasasaan ba't masasanay rin ako at mapapakitungahan rin ang bawat isa. Mahirap lang siguro mag-adjust sa ngayon dahil halo-halo at maraming pumapasok na problema at mga negative sa buhay. Sana nga mabago ang ikot ng buhay ko at maging masaya naman ako sa buhay kahit sandali. Pwede po ba iyon?

Isyus

0 Reaction(s)
Sobrang dami ng iniisip ngayon hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko, lalo na pag nasa jeepney ako at nakatingin lang sa kawalan. Maski problema ng ibang tao kelangan mo pang isipin. Ewan, sumasakit na ulo ko at sagad na sagad na ako emotionally, physically, mentally pati ba naman financially at kung anu-ano pang ly na yan. Kaya naman kelangan ko talaga mag-unwind para hindi masyado ma burnt out sa work at kahit sandali magkaroon ng peace of mind. Please lang, kelangan ko nito. Puro negative nalang nakapaligid sa akin. Pasukan niyo naman ako ng positive.

Lazy Weekend

0 Reaction(s)
Grabe wala man lang akong ginawa this weekend kundi mag-net lang at maging tambay sa bahay. Naiba lang nung nag-jogging ako nung Sunday pero aside from that normal routine lang sa bahay na nood ng TV at text. Ayaw ko nang ganito, paano yung mga balak kong gawin eh hindi natuloy dahil hindi naman nag-tetext sa akin yung mga inaantay ko. Buti nalang next weekend, kung makikiayon ang weather tuloy ang bonding ng tropa. Naka-set na ang lahat at naka-leave na rin ako the next day.

[Nandito] lang ako

2 Reaction(s)
i still dunno y m still hoping u wil love me.... khit n nssktan ako ok lng kasi para naman yun sa mhal ko..... kahit pa siguro anong mangyari kaw lang ang mamahalin ko ng ganito.... kahit magkaroon pa ng iba sa buhay ko ikaw lang tlga ang nand2...alam ko masakit pero lahat ng sakit kakayanin ko para lang sa'yo..... nnd2 lang naman ako e.... always here for u no matter wat..... if u only give me a  chance to love u, il do my best to take care of you..... and love u and stay faithful 2u...... siguro karma na rin 2 sakin kasi mapaglaro kasi ako........marami akong nsktan kaya e2 na cguro ung balik nun...... triple pa sa mga sakit na binigay ko sa kanila.....basta nand2 lang ako mahal ko!
-RKP, via Email (February 25, 2003)

of being [Single]

5 Reaction(s)
"Singleness isn't something that happens to a person because of luck, bad genes, or by whatever force outside the person's realm of control or knowledge. Being single is in fact, a choice. I have learned that before one can truly love somebody, one must completely love and wholly accept oneself first -- and that can only happen if one is single, happy with the world, and with no regrets or contempt in life.

Yes, being single at times could be lonely, but that's a fact we need to learn and accept. I'd rather be single rather than be in a strenuous relationship. In my experience, a couple in a straining relationship cannot properly learn and grow from one another, while a person content in being single can learn almost everything and anything from almost anyone."
-Singleness, Rudolf's One Midnight Wolf

He Says

2 Reaction(s)

Naruto Shippuden, #524: Things I want to Protect

Basag

5 Reaction(s)
Me,

Ano ka ngayon, basag na naman ang ego mo nang nasampulan ka na naman at tinanggihan. Natunaw na ang ego-coping defense mechanism mo (anu daw?). Problema sa iyo masyado ka kasing nag-eexpect nang malaki, kaya naman bigtime ka rin na ma-frustrate at masaktan. Hindi ka na natuto, pero alam ko namang pinipilit mo ang best mo para this time matuto ka na sa pagkakamali mo. Baguhin mo ang attitude mo, wag ka masyadong magmadali at assuming masyado, maraming nagkakamali sa maling hinala. Akala mo iyon na pala pero para sa kanya, hindi pala ganun. Napahiya ka na nga, basag ka pa at may posibilidad pang iwanan. So ngayon, back to base 1 ka na naman ngayon, hindi alam kung anong gagawin, parang napahiya ka na kasi sa kanya at hindi ka na muna magpaparamdam unless siya ang gumawa ng move para kumustahin ka. Tsk tsk. Hindi pa ba napapagod yang puso mo, ilang beses ka nang dumaan sa pagkabigo pero hayan subok at sugod ka pa rin kahit mukhang tanga ka na at nakakaawa tingnan. Hindi naman kita masisisi, ganyan talaga ang buhay. There is no more way but to move forward and move on. Tuloy pa rin ang buhay. Bahala na kung saan dalhin ng kapalaran. Bahala na.

Talaga lang ah..

5 Reaction(s)

I Write Like by Mémoires, journal software. Analyze your writing!


Maski pala kahit Tagalog ang ilagay mong entry dito, nag-aanalyze parin, paano naman kayang kalokohan ang ginawa dito at pati pananagalog o halos lahat ata ng isulat mo dito eh me results talaga, para kang horoscope, so random..

Monitoring

3 Reaction(s)
Pagdating sa office, diretso agad sa clinic para patingin ng temperature. Borderline fever daw nasa 37.5+ balik daw ako sa 1st break ko, meanwhile take ng meds.

1st break, normal na daw at bumaba na sa 36 pero advice na balik during lunch.

Lunchtime, normal pa rin, binigyan ng meds ulit. Balik daw 2nd break.

2nd break, normal na at hindi na nag-advice ng medication, maintenance nalang, supplements, vitamins, fruits, lots of water.

Buti nalang at nawala na ang fever at on the way to recovery.

Pero kanina lang, balik high blood na naman at frustrated dahil ang matagal nang plano, napunta na naman sa wala, nag file na ako ng leave for that day. Cancel ko nalang pagdating ko sa office mamaya. Wala naman akong magagawa, ganun talaga buhay. Sana lang wag mangyari sa iba pang scheduled trip ko this quarter. Kapang-init ng ulo. Lalo na malaki ang share mo sa event na iyon sa effort, time, energy tapos mapupunta lang sa wala. Kaya minsan, mas mabuting manahimik nalang ako at hindi mag-organize ng mga ganito dahil wala rin namang nangyayari. Peste.

[Sick]

8 Reaction(s)
Ngayon lang ulit nakaramdam ng sakit after a couple of months or years na nga. Hayz, ayoko nang ganitong may lagnat at ubo. Nabigla siguro nung nag jogging ako at kakakain ng junk foods kaya bumaba ang resistensya. Samahan mo na rin ng panahon ngayon na sobrang lamig at tuyo pa ang hangin. Nag take naman ako ng meds and fruits, hopefully makakabalik na ako sa office bukas.

He Says

2 Reaction(s)
"As a group we've come to a point where you have to trust your gut, your hear and your head and accept that all things change. The hardest part as always is to know when to pack it up and part ways. We've learned that this journey is not only about is but includes all who came along for the trip. Family, friends and of course our front row believers who were there for the best reason of all. To simply listen. "
-Bamboo Manalac, press release - Bamboo being disbanded

Teh Man who can't be Moved - Teh Script

2 Reaction(s)


The Man Who Can't Be Moved
The Script

Going Back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke I'm just a broken hearted man
I know it makes no sense but what else can I do
How can I move on when I'm still in love with you

'cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinkin maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving

Policeman says, "Son you can't stay here"
I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year"
Gotta stand my ground even if it rains or snows
If she changes her mind this is the first place she will go

'cause If one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on our corner of the street
So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving

People talk about the guy that's waiting on a girl
There are no holes in his shoes but a big hole in his world

Maybe I'll get famous as the man who can't be moved
Maybe you wont mean to but you'll see me on the news
And you'll come running to the corner
'cause you'll know it's just for you
I'm the man who can't be moved

[Chorus 2x]

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move

What's your sign?

5 Reaction(s)
MANILA, Philippines - "What's your sign?"
You think it's an easy question to answer, right? However, a story published Sunday by an American news site has netizens scrambling to find if they have the correct answer. A story by the Minneapolis-St. Paul Star-Tribune published on Sunday quoted Parke Kunkle, a board member of the Minnesota Planetarium Society, saying that the zodiac signs as we know it are off by a month.

It revealed a 13th sign -- Ophiuchus -- representing a man wrestling a serpent. The sign was discarded by the Babylonians, because "they wanted only 12 signs per year," the Star-Tribune story said. The slow but continuous movement of Earth and the sun adjusted the alignment of the constellations, thus the 13th sign was born, Kunkle said.

"It is the only sign of the zodiac linked to real men, sharing traits with Imhotep, a 27th century BCE Egyptian doctor, and biblical Joseph," reports TIME magazine.

The "new" zodiac dates are as follows:

Capricorn: Jan. 20 - Feb. 16
Aquarius: Feb. 16 - March 11
Pisces: March 11- April 18
Aries: April 18 - May 13
Taurus: May 13 - June 21
Gemini: June 21 - July 20
Cancer: July 20 - Aug. 10
Leo: Aug. 10 - Sept. 16
Virgo: Sept. 16 - Oct. 30
Libra: Oct. 30 - Nov. 23
Scorpio: Nov. 23 - Nov. 29
Ophiuchus: Nov. 29 - Dec. 17
Sagittarius: Dec. 17 - Jan. 20

-source: ABS-CBN News

Prenly Bisit

0 Reaction(s)
Nagkita-kita kaming magkakababata sa simbahan ng San Jose, para dalawin at kumustahin ang friend namin na hindi na namin masyado nakikita nitong mga nakaraang mga buwan. Dahil na rin sa kanyang kundisyon. Lalo na mabalitaan namin ang series of events na nangyari sa kanya at ng kanyang pamilya. Kaya kahit weekdays, pinilit namin magkaroon ng oras para magkasama-sama at bisitahin siya.

Kaso kagaya ng nakaraang mga araw, palaging nakakandado ang gate nila at mukhang wala pa sila sa kanilang tahanan, kesa naman masayang ang oras eh sinadya na namin na puntahan ang kanyang tiyo na si Mr. Cruz kung san nga kinuwento niya ang series of events na nangyari nitong pagpasok ng taon. Sa susunod pa na buwan namin siya makikita, at this time kelangan mas tulungan pa namin siya na maka-recover sa kahit anung paraan na maiisip namin.

Balak namin na isama siya at dadalasan namin ang gala at pagpunta sa iba't ibang lugar dahil alam ko, gusto niya rin ang ganitong mga moment at malay natin bumalik sa dati ang ngiti sa kanyang mga labi at kagalakan sa puso na matagal na naming hindi nakikita. Sana nga gumaling ka na at bumalik sa dati friend.

Isked

5 Reaction(s)
Katapusan ng buwan, plano ng tropa na mag-bonding at this time, adventure trekking naman. Marami pang lugar dito sa amin ang hindi pa napupuntahan namin at isa na rito ang "Little Baguio" at aalamin ko palang kung bakit ganun ang tawag nun sa lugar na ito. Masaya ako kasi kagaya ng napapanood ko sa TV na sasakay kami sa taas ng jeep at dadaan sa ilog at matatarik na bundok at susungabin naman ang kasukalan ng gubat bago makapunta sa aming destinasyon. Sana nga lang maganda ang panahon at makiayon sa amin.

Isa na rin ang plano din ng "regular" cast ng annual college reunion na sina Neri, Tere, Charlene, Arnold at ako ang magkaroon ng road trip. Tentative ang Tagaytay dahil ito lang malapit na pwedeng puntahan. Sana nga lang mag materialized at ma-settle ang mga conflicts sa schedule at free time ng bawat isa at sana may dumadagdag pa at hindi lang kami ang palaging present pag may ganitong lakwatsa. Hehe! Hanggang sa muli.

Welcome Back

0 Reaction(s)
"I said to myself I'll try to start writing again. I've been reading my posts in my previous blog, and came across an entry that shared that I "write for my own sake; I blog to keep memories alive." It's true that I wrote down what I felt and shared the emotions tied to it, and I recognized these even if a year has passed.

It felt nice.

A lot of things have happened during the previous year. A lot of experiences and lessons worth sharing to my future self were lost forever, so here I am now, ready to write and start anew."
-See, Rudolf, Now , Rudolf's One Midnight Wolf

Rizal sa FB

3 Reaction(s)

PSE Bullrun 2011: Takbo para sa Ekonomiya

2 Reaction(s)
The Philippine Stock Exchange (PSE) 7th Annual Bull Run 2011 is expected to draw 6000 runners when it kicks off on January 9, 2011 as the first Sunday race in Metro Manila for the year. The PSE Bull Run: Takbo Para Sa Ekonomiya, which will be held at the Bonifacio Global City in Taguig, is an annual running event organized by the PSE as part of its advocacy campaign to inform the people about the Philippine stock market.

The PSE Bull Run is organized in partnership with title sponsor Megaworld Corporation. The PSE Bull Run is also supported by the Philippine Stock Index Fund, PSE Foundation, Century Tuna, CitisecOnline, The ABS-CBN News Channel (ANC), BusinessWorld, and Manila Bulletin. Ayala Corporation is this year’s major sponsor. It is also sanctioned by the Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA). The PSE Bull Run has four competitive categories: the 3K, 5K, 10K and now, the 16K races. Winners in each category will receive cash prizes and trophies.

teh event poster

teh route for 5k run which i joined

thanks RunnersRunner for this shot, caught off-guard ako

unofficial results taken from the time chip, whoa i thought 55 minutes ko siyang natapos - mas maaga pa pala hehe. Good job Jinji! 35 minutes breaking you personal record from your last run at Milo National Marathon, next time 10k run naman ang susubukan!

ang Nightshift, si Angelo at ang Bullrun

3 Reaction(s)
Nightshift pa rin ako! Yay! Nakipag-swap sa akin ang isang analyst dahil gusto na niyang magpang-umaga. Up to the last minute eh naihabol pa, buti nalang at walang issue ang mga superiors tungkol dun. Mahirap kasi give-up ang night diff. lalo na't ngayon na balik school na naman ang mga kapatid ko at sa dami ng gastos. Salamat nga pala sa bonding pareng Jonats, Mon at si Ranier, salamat sa tawanan at kulitan lalo na ang SER1 na yan na hindi na mamatay-matay. Pakabait kayo pagpasok niyo sa Lunes. Samantala kami naman nina Jannet at Salve ay patuloy pa rin in training at makikisalamuha sa bagong team-mates.

Nung Sabado naman, me narinig akong balita mula kina Jervin na ni-relay din ni Rene ang tungkol sa nangyari kay Angelo, na merong event na nangyari sa may palengke sa amin. Sana naman hindi ganun ka-seryoso iyon kung ano man iyon, gusto ko sana puntahan sila at magkita-kita kami para puntahan namin si Angelo kaso mukhang busy sila sa umaga at ako naman eh sa hapon ay hindi pwede dahil aalis rin ako. Hayz, ano ba itong nangyayari sa friend namin. Hindi na namin alam ang gagawin at hindi rin niya matulungan ang sarili niya.

Samantala naman, umalis ako kinagabihan ng Sabado na naiinis dahil brownout at hindi alam ang dahilan at hindi tuloy ako nakapanood ng Misteryo. Peste man kung sino yang may dahilan ng power interruptions, sa lahat ng oras kung bakit hapon pa niya ginawa na mawalan ng kuryente. Tinagpo si Joel makalipas ang ilang oras dahil dun ako makikitulog sa kanila dahil maaga ang sasalihan naming fun run sa may The Fort.

Maaga kaming nagising, suot na ang aming jersey. Nakakatawa dahil meron kaming nakakasabay na suot din iyon at nagkakahiyaan pa. Nag-taxi na kami dahil inutil ang pupugak-pugak na bus. Nakarating naman ng maaga sa venue which is 28th street. Marami-rami narin ang andun. Nag-warm-up muna kami. Hanggang sa nag-check-in na kami bandang 6am for 5k run. Instead of a gunshot to start the race, eh trading bell ang gamit nila dahil PSE ang organizer at iyon ang ginagamit nila to signify the start of trading sa stock market.

Ok naman ang start ng race, maraming nakikipag-unahan. Tigil at andar kami para mag-conserve ng energy. Hanggang sa nakarating na sa Finish Line, salamat at nakaabot pa sa 1 hour cut-off, finished the race at 55 minutes while Joel was 2 minutes behind naman. Nag hydrate at kinuha na ang loot bag then umalis na kami. Sayang nga lang at walang camera para may remembrance naman kami ng event. Overall naging masaya naman ang event at talagang pinawisan ako kakatakbo. Plano namang salihan ang 10k event to push myself to the limits ulit. Hehe. Race results will be posted as soon ma-release ng organizer ang data. Hanggang sa muli ang enjoy your day po!

teh Switchblade - imagine WoW in your pocket

4 Reaction(s)





for more information - Razer's Switchblade

[Half] Life - Duncan Sheik

6 Reaction(s)
sayang walang official video, naririnig ko na naman sa office lately and learned to love and appreciate the song..

teh new 500 peso bill

5 Reaction(s)

old pwen Dan

0 Reaction(s)
Kagabi nakipag-meet sa old timer friend na si Dan, kala ko nga hindi na siya darating at paalis na ako at baka ma-late nang dumating siya na pawisan, loko-loko at galing pa kasi sa gym at tinakbo daw niya mula sa The Fort. Kung alam ko lang na malayo pa pala paggagalingan niya eh sana set nalang namin sa ibang araw.

Usap-usap lang, balitaan sa buhay-buhay. Kung ano na balita sa mga kakilala namin at mga friends na hindi na nagpaparamdam. Thanks nga pala sa Cheezy Bacon Baked Potato though ang lapit lapit ko lang sa Sandwich Guy eh hindi ko siya pinapansin. Dahil may pasok pa ako eh kailangan na namin magpaalam sa isa't-isa at next time nalang at mahaba-habang oras ng bonding. Thanks ulit Dan.

He Says

6 Reaction(s)
"Some call it martyrdom, some even call it foolishness but for me it's TRUE LOVE when you don't expect to be loved or anythin' in return for lovin' that person. Not to feel sadness nor hate but only happiness towards that person. Even if that person loves someone else, even if that person hurts you, even if that person laughs at your feelings, even if that person doesn't know you exist. If you truly love that particular person then you should continue lovin' that person and be happy 'bout it. 'nuf said!"
-England via Facebook

Tambay, Gala, Tambay, Gala

10 Reaction(s)
Lang magawa buong araw, hindi man lang ako nakapag-jogging. Almost 6am na rin kasi nagising. Nagpalipas ng oras na nakahiga lang at ka-text mga frens hanggang sa naisipan na mag-net na umabot ng 5 hours, then paguwi naman hindi naman ako makatulog. Bago mag-agaw dilim, hindi ko alam kung anung naisip ko at gusto kong umalis na naman at pumunta sa tulay ng San Jose. Hindi sa tatalon ah, mababaw ang tubig para gawin iyon, mapipilayan ka lang. Wala lang pahangin lang kagaya ng ginagawa ko dati lalo na pag stressed out ako at hindi na kaya ng Internet. Sarap ng hangin at magmuni-muni.

Dumaan naman sa aming Town Center at naghanap ng makakain, syempre diretso sa Supermarket, therapy ko kasi ito na tumingin-tingin sa mga goods, hanggang sa bumili na ako ng fruits at nilantakan habang naglalakad pauwi. Parang melon din pala ang Honeydew at Cantaloupe, sorry naman kung ngayon lang ako kakain ng ganito hehe. Ilang minuto rin ang lumipas bago nakabalik sa amin. Parang nag-jogging na rin ako sa haba ng nilakad ko para mabawas-bawasan naman ang calories mula sa food.

Tira-tirang pagkain kasabay ng Misteryo, samahan mo pa ng Dalaw sa Riverbanks

6 Reaction(s)
Walang ginawa buong araw kundi kumain lang ng leftovers nung nakaraang pagsalubong sa Bagong Taon. Syempre dahil wala pang pasok nag-adik muna sa Net lalo na sa Cityville. Nanood muna ng episode ng Misteryo bandang alas-5, kung bakit kasi nilipat pa sa GMA ito samantalang ok na naman ang timeslot nya sa QTV. Siguro dahil kumikita siya pero sana man lang magkaroon ng replay sa twing Sunday. Nakaka-relate dahil lighthouse ang topic nila at minsan nakapunta na rin kami sa lumang lighthouse pero hindi na kami nakapasok dahil kandado na ito.

Pagdating ng hapon nagpunta naman sa isang mall sa bandang Cainta para may i-meet na friend. Sabay nood ng "Dalaw" bandang gabi. Pagkatapos manood, nagutom at napagpasyahang magpunta sa Marikina Riverbanks, dahil sarado na rin ang mga Mall dahil pasado alas-9 na. Maraming napagusapan sa buhay-buhay hanggang sa umuwi na kami bandang alas-11 ng gabi at napagod na rin kakalakad at puna sa maduming ilog. Hatinggabi na rin nakauwi.

Happy New Year! Welcome 2011!

5 Reaction(s)

Simulan na ang paglalakbay..