Now Addicting, Playing i mean..

0 Reaction(s)

Oh Woman!

2 Reaction(s)

Were just the same..

2 Reaction(s)

"Little number of people know my private pains. Most do not know the personal struggles I have. I'm the kind of person that seldom speaks about what troubles me, what makes my heart heavy. Most see always the smile in my face. The foolish smile which tries to conceal the most crushing things in my head. No one yet saw the wild seas within me. My outmost pains. Sometimes I feel like I am alone in my journey. No one sees the weary heart of mine. Just me and the hypocrisy I have. Akala ko I'm so open to the things others must know. Di pala."
-Private Pains, Elias' Blog

50/50

0 Reaction(s)
Since STARS will be joining the Outbreak BGC which happens at Saturday night of July 28. Hindi namin alam ni Rene at Thomas kung push through ba kami sa Milo Marathon hours away which is morning of July 29. Bakit kasi ganitong wrong timing talaga, kung sakali man eh kelangan makapagpahinga talaga kami ng todo kung tutuloy kami sa Milo. Meron pa naman akong a month para pagisipan ito.

Real Feel

0 Reaction(s)


is this the second stage?

Bromance!

2 Reaction(s)

Naruto 590, Brothers Sasuke and Itachi Uchiha
image courtesy: MangaPanda

Truth

0 Reaction(s)

I Am Human

0 Reaction(s)

"We are weak. We make mistakes. We are lulled into making mistakes just by the simplest temptations. We surrender to our weaknesses right away. We commit mortal sins, ask for forgiveness, and commit them again just because of some petty tempting whispers of evil. We easily break apart. Our emotions are like eggshells that are so easy to crack. Our minds are not overloading with information. We don't know everything; we don't know a lot. We study and still know nothing. We surrender after every failure. We are easily consumed by our own selves.

Whenever we fall, we surrender until we see a tiny glow of hope, which we turn into a fiery light of success the moment we stand up. We learn after every mistake and use what we learn the next time we face another combat. We have weak emotions, but we always have a way of moving on and getting out of the shell in which we try to hide while mending. We don't know everything, but somehow, each of us has a unique way of figuring things out. We are lured into committing sins, but we learn in the process until we could finally overcome the temptations. We might learn things the long and hard way, but learning that way makes the lessons harder to forget. We don't have shortcuts, and people who learn the hard way are the hardest ones to break. No alien could ever do that."
-Human and Proud, Czar Caleb's Blog

Give Up

0 Reaction(s)

"Letting go of the one you love and wishing them to be happy is an ambiguous act for me (bitterness inside) but then again it must be done for my peacefulness where the memories must be kept in a chest on the account of nostalgia. Therefore, I am conceding myself for them (raising a white cloth in the air). “Ayaw ko na rin namang maghabol pa, nakakapagod. Hayz. Di naman lahat ng sumusuko ay duwag di ba? Minsan kailangan lang talaga” I don’t want to become the super villain to their happiness that making their relationship miserable. I’m not that bad, I still have my conscience. Goodluck!"
-Pronouncement, Fred's Blog

Galing ah!

3 Reaction(s)

Mga Dapat Tandaan: Sa Pag-Ibig

2 Reaction(s)
re-blogged from Eben, lurker talaga ako ng mga old blogs, hehe!


"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?"

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

Teh Next Outbreak begins.. at BGC

0 Reaction(s)






My Personal Best

0 Reaction(s)

1k

5k

10k


data provided by Endomondo..
need to work harder, hindi nagbabago ang stats..

Team Lunch

5 Reaction(s)


photo taken last Friday, congratulations and good luck Sir Rein to your new career at T&SS Department..

Lessons

4 Reaction(s)

ToyCon 2012

0 Reaction(s)

Start all over again..

0 Reaction(s)

Most of the time, what makes moving on difficult is no longer the feelings you have or had with the person rather it is more into one’s confrontation with change. Our attachments with patterns and routines have chained us within the comfort zone that we have built together with that person.

Bottomline: we are just scared of what is ahead--- alone; that for the first time again, we are subject to this fear of starting over and going back to square one. And regreting everything we had invested, gained and practically, enjoyed. At the end, it makes us restless realizing that the feeling is a concoction of both that nagging fear and concentrated frustration that chain us from something we kept refusing to admit as over.  
-a realist take on hope, Wandering Commuter's Blog

Tagos sa Puso

0 Reaction(s)

repost from Eben's blog, nice choice of music, sabayan pa ng pag-uulan ang ka-sentihan, nakaka-relate at tagos sa puso..


20. Para Sa'yo - Aiza Seguerra
“Noo’y umibig na ako,
Subalit nasaktan ang puso,
Parang ayoko nang umibig pang muli...”
Sabi ko naman: Maganda ang boses ni Aiza, masarap pakinggan.


19. Ako'y Sa'yo, Ika'y Akin – Iaxe
“Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo.
Puso’y lagging nasasaktan pag may kasama kang iba...”
Sabi ko naman: Ito ang awitin na madalas kinakanta ng utol ko sa Videoke...err...namin pala.


18. Tindahan ni Aling Nena – Eraserheads
“Tindahan ni Aling Nena,
Parang isang kwentong pampelikula...”
Sabi ko naman: Galing ng lyrics, nagkukwento ang E-heads habang kumakanta.


17. Ipagpatawad Mo - Vic Sotto
“Di ka masisi na ako ay pagtakhan,
Di na dapat ako pagtiwalaan,
Alam kong kalian lang tayo nagkatagpo,
Ngunit parang sa’yo ayaw nang lumayo,
Ipagpatawad mo minahal kita agad”
Sabi ko naman: Ayan kasi, bilis bilis ma-inlab, ano ngayon na pala mo? Iniiwasan ka na tuloy.


16. Bagong Umaga - Bayang Barrios
“Ang bawat tao’y may patutunguhan,
Bawat pangarap ay may katiyakan,
Sa puso mo, huwag mabibigo,
Nasa iyo ang kapangyarihan,
Nasa iyo ang pagkakataon at tagumpay”
Sabi ko naman: Maraming bumabalik na alaala kapag naririnig ko ang kantang ‘to. Ito kasi ang kantang ginamit namin sa kauna-unahang Rehiyon Rehiyon Festival sa Marikina noong 1999. Ahhh...hayskul memories...


15. Hanggang - Wency Cornejo
“Giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang lumayo sa iyong piling
At nais ko ng malaman mo, kung gaano kita kamahal”
Sabi ko naman: Napakanda ng pagkaka-awit ni Wency. Maganda din ang lyrics ng kanta. Isa sa mga pinaka paborito kong OPM.


14. Tuloy Pa Rin - Neocolours
“Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na akong hamunin ang aking mundo
Pagkat tuloy pa rin”
Sabi ko naman: Magandang song na pang move on.LOL Tama naman e, tuloy lang ang buhay...nandyan man sya o wala.


13. Kahit Na - Zsa Zsa Padilla
“Kahit na ikaw pa ay lumimot
Mundo ko’y tutuloy sa pag-ikot
Ang bituin akala mo’y naglalaho
Yun pala sa ulap lang nakatago
Katulad ng pag-ibig mong mapaglaro”
Sabi ko naman: Isang classic OPM na talaga namang may kurot sa puso.


12. Pag-uwi - Martin Nieverra
“Kay tagal na nating magkakalayo
Nung tayo’y magkahiwalay ako’y musmos
Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti
At hahalik sa’yo bayan ko”
Sabi ko naman: Isang Metropop winning song, ito na siguro ang theme song ng mga OFW. Parang paglapag ng eroplanong sasakyan ko pauwi ng Pilipinas ay ito ang maririnig kong background music...drama lang! LOL


11. Walang Hanggang Paalam - Joey Ayala
“Ang pag-ibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo”
Sabi ko naman: Parang kanta ito ng mga lovers na LDR (Long Distance Relationship) ang setup.


10. Kundiman - Silent Sanctuary
“Para kang asukal, sintamis mong magmahal
Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot”
Sabi ko naman: Ang galing ng pagkaka-areglo sa kantang ‘to. Ang gusto ko sa Silent Sanctuary ay yung paggamit nila ng classical instrument sa mga kanta nila, parang fusion ng modern at classical music. Well, not to mention mahilig lang talaga ako sa mushy lyrics. LOL


9. Minsan Ang Minahal Ay Ako - Celeste Legaspi
“Ang lingap mo’y hahanap-hanapin
Sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan
Kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan
Bago tuluyang lumisan
Na minsan ang minahal ay ako”
Sabi ko naman: Sa panulat ni Maestro Ryan Cayabyab at Jose Javier Reyes...isa rin na classic OPM ang awiting ito ni Celeste Legaspi. May nabasa ako noon na ginamit ang kantang ito para sa isang dula na idinerehe ni direk Joey Reyes. Awit na tungkol sa kinang ng kasikatan at ang pagparam ng bituin na minsang pinalakpakan at hinangaan ng mga manonood.


8. Ikaw Ang Lahat Sa Akin - Regine Velasquez
“Dapat ba kitang limutin
Paano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang sinisigaw
Ikaw ang lahat sa akin”
Sabi ko naman: Alam kong si Martin Nievera ang orihinal na umawit ng kantang ito na sinulat ni Cecil Azarcon. Nagustuhan ko lang talaga yung version ni Ms. Velasquez dahil vocally challenging, masyado siyang teknikal kumanta.. nakakabuwisit na nakakamangha kasi parang ayaw niya ipakanta sa iba. May halong pagdadamot sa ibang singers ang rendition niya. LOL


7. Pangarap Ko Ang Ibigin Ka - Ogie Alcasid
“Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka”
Sabi ko naman: Hay..hanggang pangarap ka na lang ba talaga?


6. Isipin Mo Na Lang - Bayang Barrios
“Manatili’t huwag matinag
Sa pag-ibig mo ay bihag
Ang puso kong ito
Isipin mo na lang ang ating samahan
At ang pag-ibig kong ito”
Sabi ko naman: I heart Bayang Barrios... para akong pinaghehele ng kantang ito...


5. Bakit Ako Mahihiya - Didith Reyes
“Sabihin man nila na ako’y isang baliw
Kung dahil sa’yo giliw
Ay tatanggapin kong maluwag sa dibdib
Sapagkat mahal kita”
Sabi ko naman: Hindi mahalaga ang sinasabi ng iba. Sundin ang ibinubulong ng puso.


4. Luha & Halik - Aegis
“Gulong ng buhay, patuloy tuloy sa pag-ikot
Noon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman”
“Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit ng ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim”
Sabi ko naman: Walang pakielamanan! Fan ako ng Aegis bakit ba? Napansin ko lang itong website nila hindi na na-update.. Coming Soon 12.01.07 pa rin ang nakalagay. In fairness may schedule of events pa rin sila. Sa katunayan habang sinusulat ko ang blog na ito ay nasa Cowboy Grill Las Pinas sila.


3. Panunumpa - Reymond Sajor
“Ikaw ang siyang pag-ibig ko
Asahan mo ang katapatan ko
Kahit ang puso ko’y nalulumbay
Manantiling ikaw pa rin”
Sabi ko naman: Dating contestant ng Philippine Idol, gusto ko yung timbre ng boses ni Raymond. Napakaganda ng rendition niya ng awiting ito. Piano lamang ang tumutugtog habang kinakanta niya ito, yet very heartfelt pa rin...


2. Sana Maulit Muli - Regine Velasquez
“Kung kaya kong umiwas na, di na sana aasa pa 
Kung kaya kong iwanan ka, di na sana lalapit pa 
Kung kaya ko sana”
Sabi ko naman: Hay...yun lang..hehehe.


1. Aking Munting Bituin – Gary Valenciano
“Pagmasdan mo ang buhay aking mahal
Tumitingkad sumisigla sa iyong ilaw
Ang sinag ng iyong pag-ibig
Pinukaw ang pusong nahihimbing
Pinawi ang dilim tatanda't niningning
Aking munting bituin
Mundo ko'y payapa sa iyong piling
Aking Bituin”
Sabi ko naman: Una ko itong narinig sa pelikulang Magnifico, nagustuhan ko agad. Sa katunayan sinubukan ko pa itong i-record, pero syempre mas maganda pa rin ang version ni Gary V. hehehe. Ang sarap ulit-ulitin...maganda kasi ang mensahe ng awit.

Sino ka dito?

2 Reaction(s)

July Race

0 Reaction(s)
definitely I'll gonna join this one, pero hindi pa sure kung 5/10k ang sasalihan ko, ang layo kasi ng gap from 100 to 500. Sana man lang ginawa nalang nilang 250 or 300 for 10k, registration starts today and race will be on July 29th for teh Manila Eliminations, hoping na this time magkakasama kami ng lahat ng running buddies ko..

after MAR 2012, nag surge na ang interest ko to join trail runs, nag level na nga kami ika nga, pero wala pang masyadong details sa race like race maps, singlet design, optional shuttle service, etc, saka 25k siya, hindi pa kami nakakapag 21k sa flat roads, pagiisipan kong mabuti ito..

Ayon kay Maslow

0 Reaction(s)

Maslow Inventory Results
Physiological Needs (67%) you appear to have a deficiency in your basic needs.
Safety Needs (64%) you appear to have a very unsecure environment.
Love Needs (54%) you appear to be semi-content with the quality of your social connections.
Esteem Needs (54%) you appear to have a medium level of skill competence.
Self-Actualization (55%) you appear to have an average level of individual development.

Words

0 Reaction(s)

In life, we must learn to say I am sorry, I love you, thank you and goodbye. It might not be easy but we can also say you are welcome, please stay or even stop. It would just be a matter of choice; choice of words, time and person. So be honest, listen and say what is in your heart.
-via FB

Sentiment

0 Reaction(s)


chilling effect.. for a couple of days right now..

16 PF

4 Reaction(s)
The 16 Personality Factors, measured by the 16PF Questionnaire, were derived using factor-analysis by psychologist Raymond Cattell. This article summarizes the analysis that resulted in the 16 factors and allowed the development of the questionnaire, as well as the relation between the 16 factor theory and the popular five-factor personality theory. (source: Wikipedia)




Amen!

3 Reaction(s)
"The most rewarding things come from the scariest decisions and opportunities."

Happiness is a DELUSION of YOURSELF.

3 Reaction(s)

repost from Zweihander..

How can you be happy if you know that you won't be in the future? Happiness is just a drug to go to a nice world full of fake realities. Upon entering the state of happiness, you are blinding yourself from the truth of this harsh society. Happiness may be the saddest thing in the whole colorful world of emotions. How come? Being happy is a very selfish act. I mean, how can someone be happy if the people around him/her isn't? In my experience, happiness cannot be created. In order to feel happy, you must make someone sad. See how wrong happiness is?

When you are happy, you are an agent of the vicious cycle of happiness. And sometimes, a defeat hurts more after a period of extreme happiness. It really, really does.

Being happy forever isn't possible.

Being content is enough.
But being content is like being happy.

But keep it to yourself.
This way the cycle loses a catalyst.

Belated HBD Knox!

0 Reaction(s)

"... The best in an unsure tone because I learned a lot. I really do mean a lot. I became a little stronger, and in my current situation, that is enough for me to be content. It's just disheartening that things had to end that way. People wished me happiness in my birthday, but honestly, my birthday would be a sad one and would never, ever be complete.

My wish? For things to get better for everybody. I didn't wish for happiness because let's face it: I won't be completely happy no matter what happened. I just prayed that whatever obstacles I encounter, I'd have the strength to carry on with life."
-(Happy) Birthday - 24, One Midnight Wolf

Merrell Adventure Run 2012 [ Official Result]

0 Reaction(s)

2nd Merrell Adventure Run

2 Reaction(s)
4:00am - Manaka-naka ang lakas ng ulan, araw ng takbo sa Merrell. Hindi sigurado kung tuloy ba. Nag-text kina Thomas, tingnan narin daw namin, para makasiguro nag-mobile internet para tingnan ang latest news mula sa Merrell FB site, may announcement, tuloy daw!

4:45am - Inantay na tumila ang ulan at dumako na papuntang Burgos sa waiting shed kung san ang meeting place namin, nauna nang dumating si Thomas at huli naman si Rene, sumakay na kami ng FX para mabilis ang byahe.

5:15am - Puregold San Mateo, nag-aantay ang shuttle service, kasabayan ang ibang runner, unti-unting napuno at nagtuloy-tuloy na paakyat sa Timberland Sports and Nature Club

5:45am - Touchpoint. CR. Bagahe. Kaunting pa-picture. Inayos ang armband at binuksan ang Endomondo Sports tracker. Hindi ko na dinala ang digicam at alanganin kasi dahil umaambon at ayoko na maulit na masira na naman siya kagaya nung nangyari sa Outbreak Manila. Lalo na't may chance na baka mahulog pa sya sa putikan or worse sa ilog. Kaya minabuting ko nalang na gamitin sya sa Pre at Post race.


6:10am - 10k Start. Mabagal ang progress dahil siksikan at jampack sa simula. Saka lang siya medyo nagkaroon ng distance between 750meters na. Sobrang maputik at meron na agad na nadudulas. Nagkaroon ng traffic sa may waterfalls area, since panay ang pag-ulan, malakas ang agos nito at delikado sa mga runners kaya alalay ang mga marshalls sa area.

30mins - 1hr later. No choice at basa talaga ang sapatos ng lahat ng runners. Patuloy na tinatahak namin ang kahabaan ng ilog. May mga area na malalim at yung iba nalulubog ang paa mo sa kapal ng silt sa ilalim ng ilog.

1hr-2hrs later. Patuloy ang pagtahak sa maputik na daanan. Uphill bamboo area, pila-pila na naman ang mga runners, basang sapatos at putikang damit sabayan pa ng lakas ng ulan. Grabeng pahirap at adventure ito. Nagsisimula nang humirap ang trail at cautious na ang bawat runner para makaiwas sa aksidente. Matapos ang pahirapan, lalong lumaki na ang gap at nakakatakbo narin ng maayos ang bawat isa. Patuloy ang mga putikang trail na sa puntong nagpapadulas na ang ilan para mapabilis ang pace nila sa karera. Sobrang kapal ng putik sa paa na anytime pwede kang madulas.

2-3hrs later. Ganda ng view sa tuktok ng bundok. Sarap ng hangin. Pampawi ng pagod. Patuloy na naglalakad ang iba uphill to conserve energy. Dagdag na obstacle eh kelangan pumasok sa mga pipes na puno ng putik kaya eto dugyot na naman. Isama pa ang maputik na area na kelangan lumuhod or gumapang kapa dahil sa merong mga kawayan sa taas mo. Kinarir ko na ang huling 1km sa kabila ng merong bato sa paa at nararamdaman ko na naman ang sakit ng plantar fasciitis at achilles tendonitis ko. Mental conditioning nalang na kaya mo yan Jeff. Sige lang at wag kang tumigil. Hanggang sa narating ko rin ang finish line sa pagitan ng 2-3hrs.

Napagusapan namin nina Rene at Thomas na sa may Pocari Sweat station kami mag-abang. Matagal bago kami nagkita-kita. Natagalan rin ako sa pagkuha ng bagahe ko dahil sa maliit lang siya at baka natabunan. Hindi narin kami nakakuha ng free foods dahil sa pa picture at naligo muna ang inyong lingkod sa sobrang putik. Good luck nalang sa paglilinis ng damit at sapatos, sana lang bumalik siya sa dati.

kumusta naman ang itsura ko matapos ang karera

wetlook daw, haha!

panoramic view of the race track

mga nagsisipagligo sa sobrang putik sa katawan

with PEX Running Club's Ms. Cath and Sir CJ

overall, despite of the bad weather condition, muddy trails and extreme obstacles, super happy kami sa adventure run na ito, aside sa first time namin ni Thomas at Rene sa event na ito, minsan lang mangyayari ito at mas exciting compared sa normal na flat race na ginagawa namin for the past 2 years, kudos to Merrell Adventure Run team, see you next year! 'till next adventure run!

Endomondo's race analysis

Back Again

0 Reaction(s)
June. Bagong buwan. Pero walang bago at bagkus bumalik pa sa dating trabaho. No comment nalang. Kelangan mag-isip-isip at muni-muni muna at kelangan nang mag desisyon bago pa mahuli ang lahat. Hindi siya nakakatuwa. Pero kelangan tanggapin. At kelangan may gawin.



photo credits: "Frolick" "Reflections of the Shire" · "There and Back Again" by John Kaufmann