Hapon ng umaga, matapos dumaan sa tambayan ng PS Boys, nagmamadaling sumakay ng jeep papuntang UP Diliman para tagpuin ang isa sa mga matagal nang kaibigan sa blogospero at ang aming "bunso" at blog brother na si
Elias. Halos takipsilim na magkita kami sa UP Bahay ng Alumni, galing pa siyang Vinzons Hall sa kabilang side pa ng UP. Ginala ako ni Yas sa ilang parte ng UP kung saan siya tumatambay at mga murang kainan sa lugar. Natuwa naman ako sa dami ng servings sa isang fruit shake stand na 1 1/2 servings ang binigay sa akin at masasabing sulit talaga siya.
Dinaanan rin namin ang isawan ni Mang Larry pero mahaba ang pila. Sinabi nya sa akin na ang mga taga Isko sa kabilang isawang (Aling Norma) bumibili at halos taga labas ang pumipila kina Mang Larry. Bumili ng isaw-baboy. Nagsimulang magkwento si Yas ng update sa kanyang buhay. Ang "gap" matapos ang huling paguusap namin kasama si
Dan na isa ring blog brother ko. Nai-kwento nya yung mga nangyari sa kanya until dumating ang lowest point ng buhay niya, kung paano niya nakilala ang kanyang ex. Ang issues, struggles and sweet life with his partner and kung paano niya na-overcome iyon.
Lingid sa kaalalam niya na malapit lang din sa UP ang tirahan ng isang blog brother namin na si
Mark. Na nagkaton na nasa misa sa Edsa Shine at kakasimula palang kaya nag-text kami na dumiretso sa amin matapos ang kanyang simba. Nagpatuloy ng paglalakbay ng kanyang buhay si Yas hanggang sa mapadaan kami sa Church of the Holy Sacrifice kung saan hitik sa tao at pasimula na rin ng simba. Naikwento niya ulit ang paghihiwalay niya ng kanyang ex at kung paano naman niya nakilala ang bago niya na sa ngayo'y pitong buwan na sila.
Hindi ko mapigilang mainggit at langgamin sa kanyang kwento kung paano niya ito nakilala. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nahanap na niya ang matagal na niyang inaasam at ng bawat isa sa atin. Ang makita ang taong pagaalayan niya ng kanyang pagmamahal at pakikisamahan niya ng panghabang buhay. Parang fairy tale na hindi niya inaasahan ang pagdating ng right special someone para sa kanya. Syempre nakaramdam ako ng kilig at lalong nagkaroon ng inspirasyon na ituloy lang ang paghahanap ng tamang tao para sa akin na bawat pagdapa ay dapat bumangon at move forward palagi. Sana kako makita ko na rin ang right person para sa akin. Salamat sa motivation Yas at nabuhayan na naman ako ng loob.
Minabuti na naming lumipat sa Krus na Ligas na malapit lang sa UP Diliman para kumain sa isang resto/carinderia na
Cafe Sefali para dun na mag-dinner kasama si Mark. Dumating si Mark, kwentuhan ng buhay buhay hanggang sa na-ikwento ni Yas ang buhay sa corporate world, pagiging PR turned Manager na buhay niya, mga moments with Ex since around BGC rin ang nag-work ito. Pati na rin ang kanyang mga experience mabuhay sa rural area. Tama siya sa sinabi nya na ang mga tao sa bukid o sa kanayunan ang isa sa mga honest at totoo sa kanilang sarili. Kung anong meron sila walang pagaatubiling ibabahagi sa iyo, pati ang mga gusto at ayaw mong pagkain natatandaan parin nila sa pagbabalik mo sa kanila.
Sinabi niya na hindi talaga siya bagay sa corporate world at mas gusto niya ang field based community work para tulungan at mabigyan ng improvement ang buhay nila. Nakakainggit si Yas. Alam niya ang gusto niya at walang pagaalinlangan ang mga desisyon niya sa buhay. Gusto ko gawin ang mga ginagawa niya at sumunod pero marami akong masyadong bagahe sa buhay na kapag iniwan ko iyon paano na sila. Hanggang kelan kaya ako matatali sa kanila at liligaya naman sa aking sarili sa pagiging independent.
Matapos ang kainan at syestahan. Nagpunta muna kami sa apartment ni Mark para makita ni Yas at baka maging tambayan na rin kung may pagkakataon. Kaunting usap-usap at few realizations na sinabi ni Yas sa akin na talagang tumagos sa akin. Eto yung parte na sa parte ng pagtatapat ng nasasaloob sa isang kaibigan, na natatakot mo gawin dahil ayaw mong i-sakripisyo ang matagal mong binuo na pagkakaibigan sa kanya. Sinabi nya sa akin na sa simula palang naman eh wala naman talaga na binuo ka at kailangan maging matapang ako sa pag-amin sa kanya dahil iyon lang nag tanging paraan para mawala ang burden mo at puno ng "what-ifs", paano kung ilang buwan nalang at magugunaw na ang mundo o may taning ka na. Hihintayin mo pabang umabot yun or much worse hindi masabi sa kanya ang sinasabi ng puso mo. Liberate. Iyon nga ang sabi nya sa akin. Hindi ka magiging maligaya sa buhay hanggat hindi mo nailalabas yang mga kinikimkim mo sa sarili mo.
Matapos ang ilang usapan, minabuti ko nang umuwi dahil Linggo ng gabi noon at bago mag hatinggabi ay makasakay ako ng jeep at last ride na ang nasa terminal pauwi sa amin.
Salamat Yas at Mark sa isang makabuluhang araw na binigay nyo sa akin. Lalo na sa iyo Yas, alam kong ilang linggo nalang at aalis kana at magtatagal sa ibang lugar. Nagsisisi ako bakit ngayon lang natin ginawa ito kung kelan limitado nalang ang oras natin mag-bonding along with other Bloggistas. Pero Ok lang yan, hindi pa naman ito ang una at huli at kampante ako na masusundan pa ito at lalong titibay ang pagkakaibigan natin. Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan, ito'y magsisilbing inspirasyon at motibasyon sa akin para magpatuloy sa buhat at patuloy na mangangarap na darating ang panahon na mararamdaman ko rin ang tunay na kaligayahan at kalayaan at mahanap ang taong pupuno ng aking buhay.
Hanggang sa muli at Maraming Salamat kaibigan.