Tetra Pak RFR volunteer

0 Reaction(s)



ayan at least me sched na ako sa 3rd sunday ng November, hopefully maging smooth at successful ang Tetra Pak run organized by HyperSports :)

Lakad muna.. Ang Pagbabalik..

0 Reaction(s)
Salamat at unti-unti nang bumabalik ang lakas sa aking kanang paa at hindi ko na nararamdaman ang sakit sa paglipat ng bagsak ng bigat maliban nalang kung sasagarin talaga, kaya naman noong Linggo ng umaga napagusapan namin ni Rene na umakyat muli sa Timberland Heights (kung san ginanap ang matagumpay na putikang trail run ng Merrell Adventure Run) pero hinay muna this time at maglalakad na muna at hindi mag jogging, kasama rin ni Rene ang kanyang anak at asawa at mga kapatid kaya nga sa FB status ko eh walkathon witht the Daza's..

ang pag-akyat, nakakalungkot at hindi masyado accurate ang information dahil na rin sa gps deadspot area sa Timberland na makikita nyo na flat ang altitude niya sa mahabang oras

ang pagbaba


credits: Endomondo

Team Expandables @ Seaside

2 Reaction(s)
Sunday afternoon, nagising nang 3pm, mabilis na nagbihis at merong despedida at bonding with Team Expandables. At the same time meron din transaction with DBGadgets agent with regards to the LCD screen protector. Around 5pm nang dumating sa SM North, ilang minutes ding nag-antay dahil hindi man lang nag-message sila sa akin then nalaman ko nalang nang makipag-meet na ako sa agent na maling number pala ang nabigay sa agent nila, nag sorry naman sila at naging smooth naman ang transaction. Maraming oras ang nasayang na dapat eh nasa MOA na ako by 6pm nang panahon na iyon.

Mga 8pm na ako nakarating at nakipag meet na ako kina Tolits, Empi, RJ and XT sa transport terminal para sumakay papuntang Macapagal sa Dampa para subukan ang mga paluto doon.

Seaside Resto along Macapagal Blvd.

Marami kaming pinagpilian na Paluto pero siyempre si madam Girlie na bex ang nakahikayat sa amin na dun na kumain at bibigyan daw kami ng malaking discount, nagpunta kami ni XT sa katabing paluto na Aling Tonya, mas mura parin dito sa Sharmila kung saan andun si Girlie na nag entertain sa amin

Menu, in fairness sa tingin ko sulit naman siya compared sa mga katabi niya

Baked Tahong, ang sarap sarap niya pramis!

inihaw na Tanguile

Sinigang na Hipon, yum!

Simot!

Anu naman kaya ang pinag-iisip ng mga mokong?

Many Thanks ulit kay Tolits sa palibre and magpapakabait ka sa Saudi at ang pasalubong agad namin, Thanks din sa bonding time with Empi, RJ and XT, next time kasama na natin sina Dok Joey dito at Kuya Leon, Bow!

LSS: Toto - I'll Be Over You

0 Reaction(s)


It takes some time
God knows how long
I know that I can forget you

As soon as my heart stops breakin'
Anticipating
As soon as forever is through
I'll be over you..

Isang Linggong Antok

0 Reaction(s)
Buong linggo na naman ako kulang sa tulog, ewan ko ba pag nasimulan talaga na maaga kang nagigising, asahan mo at araw-araw na ganun nalang kaya naman pag-uwi ko habang nasa biyahe, nararamdaman ko nalang na nakatulog na pala ako, hindi ko lang alam kung humihilik ba ako sa jeep at nakakahiya naman kung ganun. Nagigising nalang ako pag malapit na akong bumaba at dahil mainit ang panahon, basa ang polo na suot ko nang nde ko nalalaman, haha! Sana naman hindi kada linggo ganito, buti nalang at nakabawi ako ng tulog buong araw ng kanina.

Duality

0 Reaction(s)



Naruto#607, I don't care

Kuro at Ako

0 Reaction(s)
Napapansin nyo naman halos na hindi kagaya ng mga nakaraang mga taon eh masipag akong mag post at mas open sa sarili ko sa paglalahad ng kapiraso ng aking pakikipagsapalaran sa buhay. Ngayon eh minsan puro mga scheduled post nalang ang nakalagay dito, pasensya napo sa lahat at sobrang busy lang talaga ang inyong lingkod, maski nga ang pag blog hopping at pagbibigay ng komento sa kapwa bloggista.

Dahil na rin siguro sa demand ng trabaho at medyo naakit ang inyong lingkod sa outdoor activities kaya naman madalang na siyang magkwento ng kanyang buhay at kadalasan eh galaan, takbuhan at pag-akyat sa bundok ang aking update.

Sana nga matupad rin ang aking mga pangarap na makapag lakbay sa labas ng bansa lalo na sa Romania kung san ipinanganak ang isa sa mga maintrigang personalidad nung panahon ng Dark Ages sa Europa na si Vlad Tepes Dracula. Pangarap ko rin makapunta sa Central America kung san gusto kong bisitahin ang sinaunang sibilisasyon ng Aztecs, Maya at Incas.

Nakakatuwa basahin ang mga post ng aking mga tinitingala sa larangan ng pag-akyat sa kabundukan. Mabuti pa sila at marami ang oras nila sa paglalakbay, hindi kagaya ko na isang ordinaryong manggagawa lamang na kung hindi weekend, holiday eh vacation leave ang kailangan malagasan bago makapunta sa pangarap na destinasyon. Sana makasama ko rin sila minsan sa paglalakbay nila at tiyak na masisiyahan ako na makadaupang palad sila at makinig sa kanilang mga kwento ng paglalakbay.

Maging sa pagtakbo rin mapa flat road ba siya o trail run, gusto ko rin umakyat sa susunod na kategorya. Sa ngayon kasi panay 5/10k ang aking sinasalihan at plano na sumundot sa 16k pero naudlot dahil sa panay re-sked ng takbo nila. Hindi ko naman kinakarir ang pagtakbo at sabi ko sa aking sarili eh pang cardio ko lang siya at para maging fit kaya yan ang sagot ko sa mga nagtatanong kung bakit malaki pa rin ang tiyan kosa kabila ng panay ang sali sa mga ganitong event. Baka hanggang 21k lang ang goal ko sa sports na ito at tingnan nalang natin kung kakayanin ko ba ang 16/21k kung sakaling sasali ako. 10k palang nga eh parang buwis buhay na ako anu pa kaya pag mas mahaba pa doon.

Marami akong plano na gawin at puntahan pero syempre maraming restriction at limitasyon kaya hindi mo pwede gawin lahat ang mga ito. Sana nga mahaba pa ang panahon, may sapat na salapi at mga kaibigan na makakadamay ko sa aking misyon sa buhay na mapuntahan at maransan pa ang gandang likas na yaman ng ating bansa. Mas prefer ko ito kesa sa party party na ginagawa ng iba. Nature lover at your service.

Sa ngayon nasa recovery period parin ako sa aking sprain ankle and hopefully sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan eh ready na siya at nang makasabak na sa mga kabundukan o kung san man ako dalhin ng aking mga paa.

Alam ko magulo ang post na ito, sinusulat ko lang kung anung tumatakbo sa aking isip sa oras na ito. Ganito ako magsulat, spontaneous at walang structure (sa mga kritiko kung paano ba dapat magsulat ng tamang blog entry.) 

Hanggang sa muli at nawa'y makasama ko kayo sa aking mga paglalakbay..

of Volunteerism

0 Reaction(s)

“Volunteerism is like an energy booster that fuels our hopes and aspirations and the drive to do good. It helps us feel empowered that we can do something to fix situations that we do not like.” – Sir Junie Del Mundo, Chair Servathon 2012

teh Reality..

2 Reaction(s)


Naruto#606 - Teh Dream World

Postal Heritage Tour [teh Third time]

4 Reaction(s)
With my officemates Vien and Edeleyn along with my friend Christian, my third time already. New places to explore aside from the conventional ones kaya excited rin ako.


The Philippine National Press Club (NPC) is a professional and social organization of journalists in the Philippines. It was founded in 1952 with the main objective of upholding the freedom of the press and maintaining the professionalism of journalists. It has adopted Walter Williams’ Journalists’ Creed, a journalistic code of ethics, as a standard of conduct for its members, which include both print and broadcast journalists.


Standing majestically along Magallanes Drive in Intramuros, in front of the gate that bears its name is the statue of Queen Isabel II. The statue of the Bourbon queen was created to perpetuate her memory in a colony half way around the world.

Plaza Mexico, this place–the banks of Pasig River in Intramuros Manila–has been the original port of call of the fabled galleons of the past. Indeed, the 270 years of galleon trade that became one of the Spanish Empire’s economic machinery and an event that triggered globalization into a whole new level.

In front of the Intendencia is the Plaza Espana. The plaza was first known as Plaza Aduana. In 1897, the colonial government named Plaza de los Martires de la Integridad dela Patria in honor of the Spanish soldiers who died during the Philippine Revolution. The present name was given by the American in 1902. In 1982, the Intramuros Administration restored the plaza and in 2000 it was renovated with the statue of King Philip II. The statue was unveiled by the Spanish monarch Queen Sophia as part of the closing activities of Philippine Independence Centennial.

The Manila Metropolitan Cathedral-Basilica, officially known as the Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception and informally as Manila Cathedral, is a prominent Latin Rite Roman Catholic basilica located in Manila, Philippines, honoring the Blessed Virgin Mary as Our Lady of the Immaculate Conception, the Principal Patroness of the Philippines. Located in the Intramuros district of Manila, it was originally a parish church owned and governed by the diocese of Mexico in 1571, until it became a separate diocese on February 6, 1579 upon the issuance of a Papal bull by Pope Gregory XIII. The cathedral serves both as the Prime Basilica of the Philippines and highest seat of the archbishop in the country. The cathedral was damaged and destroyed several times since the original cathedral was built in 1581. The eighth and current incarnation of the cathedral was completed in 1958.

The Bahay Tsinoy (literally Chinese-Filipino House) is a museum located in the Intramuros (Old Walled City) section of Manila. Housed within the Kaisa-Angelo King Heritage Center building, the museum documents the history, lives and contributions of the Chinese in the Philippine life and history.The museum was designed by Eva Penamora in collaboration with the late architect Honrado Fernandez in 1996, and completed and inaugurated in 1999. Kaisa Para sa Kaunlaran, Inc., a non-profit organization co-founded by Teresita Ang-See, envisioned the project to provide another venue for advocating patriotism to the Philippines and promoting cultural identity and understanding between the local Chinese and Filipino communities, after the much-award bi-lingual children's educational television program Pinpin in the early 90's.

On 18 February 1995, the Shrine of Freedom also known as Memorare Manila Monument was erected in dedication and memory to the war victims. This monument is located at the Plaza de Santa Isabel, also known as the Plaza Sinampalukan, located at the corner of General Luna and Anda Streets in Intramuros, Manila. 

San Agustin Church is a Roman Catholic church under the auspices of The Order of St. Augustine, located inside the historic walled city of Intramuros in Manila. In 1993, San Agustin Church was one of four Philippine churches constructed during the Spanish colonial period to be designated as a World Heritage Site by UNESCO, under the collective title Baroque Churches of the Philippines. It was named a National Historical Landmark by the Philippine government in 1976.



credits:
Wikipilipinas
Wikipedia
Traveller on Foot
Habagat Central

True Happiness

0 Reaction(s)

".. Looking back to the life I used to have in Manila working for a financial company, I realized that the trade off is a good deal. As a humanitarian worker, my time is not mine and home is anywhere I am assigned to. Keeping a relationship is difficult too since I cannot be in one place for a very long time. But the deal comes with a package I can never compare to anything – the smile of people’s faces, their stories, their landscapes, and their hope. And luckily, I have the best person to stick with me through and through.

...

As for me, I found the answers in that empty street in Iligan. Jamil made me realize that doing that which I am best at is the only way I can be truly happy. That it is worthwhile to offer my time for others. That though I know my actions are not enough to change the society, one significant struggle is enough to challenge the absurd. And that the inspiration we long can come from a single effort to roll the window."
-Sing, Jamil, sing, Elias' Cacoethes Scribendi

Servathon 2012 @ Freedom Island

0 Reaction(s)

The Hands On Manila Servathon is a way of celebrating a full-day of service with hundreds of volunteers who have contributed to the development of the community and provided assistance to marginalized sectors in Metro Manila. The Hands On Manila Servathon is a day that combines service, and relevant activities that are fun. (source: http://www.handsonmanila.org.ph/servathon/)

The 175 hectare haven stretches at the western side of the Cavite-Manila Coastal Road. It is a natural shield against typhoons and its lagoon functions as an outlet for major waterways in the two cities. Local fisherfolk families such as the magtatahong or mussels and shellfish gatherers also depend on it for their livelihood. Its rich ecosystem plays a vital role for men, birds and marine life. (read more here..)

Saturday morning. Kasama ang officemate na si Abigail. Nakibahagi kami sa tree planting volunteerism activity ng Chase GoodWorks and pang ilan na rin naming sali ito sa mga volunteer activity at ang last ko eh sa Bistekville sa Payatas kaya excited na naman kami ni Abi na sumali and make a difference sa community.

Around 7am nang makaalis ang bus papuntang Freedom Islands, akala ko nga eh sa Spratlys kami pupunta, lol. Eto pala ung isa sa mga natitirang island around Metro Manila na last sanctuary ng mangroves and other migratory birds. Like Manila Bay, hindi rin siya nakaligtas sa polusyon ng kalungsuran. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay nakipag tulungan ang mga company as per ng Corporate Social Responsiblity sa Hands On Manila para sa isang natatangi at makabuluhang activity sa layong maisalba at lalo pang pagyamanin ang natitirang yaman ng Metro Manila na nilamon na ng kasalanan ng industrialisasyon.

Ganda ng Shirt, tamang tama sa tema na gawing luntian at iligtas ang ating kalikasan

Other volunteers who make a difference by devoting their time for this worthy cause

After ng treeplanting and cleaning, nagpunta kami sa Olivarez College gym for the culminating activity

Nakarating sa office mga tanghali, sobrang antok pero happy naman and looking forward to the next activity lalo na ang plano na tree planting sa Baras, Rizal.

teh Logic behind..

2 Reaction(s)

of Faith

0 Reaction(s)

"..At the end of everything, I learned that having faith isn't something you only do when pinned down and cornered. Deep inside, I asked for help because I wanted something or somebody to blame when things went horribly unwell. That was wrong. Faith requires an enormous amount of courage and will, as it is finding a solid sense of security in a whole lot of fear and uncertainty."
-Test of Faith, One Midnight Wolf

Drive

0 Reaction(s)

"Marami na ding nangyari sa aking buhay propesyonal at personal. Madami na ding naging karanasan at mga lugar na napuntahan. Bagaman madaming mga bagay bagay na naganap sa aking buhay, nakakamiss din pala ang magsulat at magbasa ng blogs. Hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang aking nakain at natigil ako sa pagbabasa at pagsusulat. Marami naman akong dapat isulat batay na din sa aking karanasan. Naging venue na din kasi ang blog para sa akin na maglabas ng sama ng loob o kayay magsulat ng mga kakatwang karanasan ko sa ibang bansa. Gayunpaman, natigil ang lahat ng ito mga isang taon na din ang nakakaraan."
-Muling Paggising, Trench's blog

Tapilo

2 Reaction(s)
An ankle sprain is the most common type of ankle injury. It usually involves an inversion twist of the foot that injures the outer ligaments of the ankle. It usually occurs unexpectedly with an awkward step off a stair or curb or a trip or step onto an uneven surface. When the outer ligaments are sprained, they can tear fully or partially. Sprains are generally graded as mild, moderate, or severe. Mild sprains may not cause ligament damage while severe sprains involve ligament rupture. With severe ankle sprains there is always the concern that the same twisting injury can fracture the ankle bones, which presentation can appear similar to a sprain. Therefore, x-rays are needed to rule out this possibility. Treatment for severe sprains involves a brace or cast. Any ankle injury that does not resolve in a few days should be evaluated by a foot and ankle specialist. source- http://www.ankleandfootnorthwest.com

Already on my 2nd week of this type of injury tapos, papasok pa. Sana nga gumaling na siya at more than 2 weeks na rin ako hindi masyado nagkikilos. Hopefully makasali na ako at makapag practice sa pagtakbo pag gumaling na siya.

Despe

0 Reaction(s)
Thanks sa bonding ulit last weekend guys and Tolits ingat sa biyahe at wag kalimutan ang kapalit ng short na hiniram mo, Iphone (*grins*) 'till next time guys!

Teh Hell

0 Reaction(s)

[Pinoy Gamers!] This is your Event!

0 Reaction(s)

A Good Start!

0 Reaction(s)

Teh Last Time..

0 Reaction(s)

Restore Mode

0 Reaction(s)

Went to DLS-STI MegaClinic at SM Megamall (daming Mega) for consultation. Up to now kasi may sprain pa rin and mahirap maglakad. Was able to secure MedCert and binigyan ako ng meds/ointment para mawala ung inflammation. Hopefully by next week Ok na siya and good as go na. Mahirap pag ganito na advise sa akin na one week na bawal maglakad lakad kung gusto ko gumaling agad. Good luck nalang sa weight ko after a week kung panay higa at upo ang gagawin ko.

One and Only - Adele

0 Reaction(s)


I don't know why I'm scared,
I've been here before,
Every feeling, every word,
I've imagined it all,
You'll never know if you never try,
To forget your past and simply be mine..

Lakbayan Grade: C-

2 Reaction(s)


My Lakbayan grade is C-!

After adding Southern Mindanao to my trip, kulang pa rin at Grace C- parin ako. Need to travel more lalo na sa Palawan and Visayas area. Hopefully mararating ko rin yan. Aja!

Sloth

0 Reaction(s)

Sobrang tamad na tamad ako ngayong araw na ito, ginawa ko lang buong araw mag upload ng pictures mula sa trip hanggang tanghali. Tapos update na rin sa blog at iba pang mga personal task na kelangan gawin. Pista nga pala sa Balite at Rosario, balak ko sana pumunta mga hapon na para malamig, pero umiral na aking katamaran at nahiya tuloy ako kay Angelo na sunduin ko siya para sabay kami punta kina Rene para mamista. Pinagpatuloy ko nalang ang iba ko pang pending task hanggang sa gumabi na at nanood na ako ng ilang palabas sa TV. Hayz, bukas me pasok na ng gabi. Ngayon palang ramdam ko na ang Monday sickness. Ewan ko ba. Haha! Bahala na!

Departure

2 Reaction(s)
Had the usual breakfast pero medyo tanghali na nang nagising. Inayos ang mga gamit ulit at pinagkasya siya. Nag list ng mga gamit at kung meron pang nakalimutan. Nagpaalam kina Mang Ge, rardo na nasa itaas sa apartment nila. Umalis sa bahay kasama si Marvin, parang nagpaalam rin sa akin ang kanilang mga aso.

Dumaan muna sa KCC Mall para bumili ng mga nakalimutan na bilhin bago umalis. Nag tricycle lang papunta sa Airport pero hindi na pinadaan ng security nung malapit na dahil bawal at private vehicles lang ang pwede. Mabuti nalang at merong nagmagandang loob na pumayag na maki-hitch kami at hinatid kami ilang meters nalang sa Airport. Kaunti palang ang tao at ilang oras pa naman ang flight.

Usap lang kaunti at farewell messages ni Marvin, nagpasalamat sa kanya sa warm hospitality ng family niya. Then before 3pm eh nag checkin na ako, sabay namang bumuhos ang malakas na ulan sa GenSan, mabuti nalang at hindi na delay ang flight kahit umuulan.

Medyo emotional nung umalis kasi marami talaga akong mamimiss sa lugar na iyon. Pero ganyan talaga ang buhay, babalik pa naman ako iyon nalang ang iniisip ko.

rainy runway


Habang nasa flight since i'm always fascinated about clouds, kinuhaan ko rin siya ng picture 36,000 feet, ewan ko ba love na love ko ang clouds lalo na ang cumulunimbus clouds, yung tipong andyan lang siya pero hindi naman matutuloy ang ulan. Makikita mo ang real, undiffused color ng sorroundings pag gray na ang ulap. Pero for the meantime, sarap kainin ng fluffy clouds..






Nung nag touchdown back to NAIA, sorry naman at 1st time kasi kaya nagtanong ako para san ang bus, iyon pala eh para ihatid kami sa arrival kasi malayo daw. Then after kunin ang baggage sa belt eh nagabang na ng bus to Taft sa dulong part ng Bay area, ilang minutes ding nag-antay then sabayan pa ng manaka-nakang pag-ambon. Ilang lakaran din bago ako nakasakay ng bus.

Sa loob ng bus, parang nasusuka ako at nahihilo, siguro sa lamig at nagtetext rin kasi ako nun at medyo bumpy ang ride. Sobrang traffic talaga, typical Manila sabi ko sa sarili ko. Mga 9pm na ako nakarating sa terminal and around past 10pm nang nakarating ako sa amin. Inayos lang kaunti at nilabas ang mga labahin at mga pasalubong bago ako nahiga sa sobrang pagod. Back to "reality" ika ko nga sa sarili. Maligayang pagbabalik sa mabangis na lungsod.

Final Prep

4 Reaction(s)
Nagpunta sa General Santos fishport area pero hindi rin kami nakapasok at kelangan pala naka pants at may boots dahil protocol daw iyon. Hindi na rin kami pumunta sa Sarangani highlands at baka mahal ang rate dun at magahol kami sa oras.

Sinamahan ko nalang si Marvin sa pagasikaso sa iba pang requirements niya sa work at nagpunta kami sa Robinsons Place GenSan para tingnan ang Rdex shop, pero nalipat na pala sila kaya naman sa SM GenSan na kami dumalaw at bumili ng tuna products.

Got a chance to na makipag usap for the last time sa father ni Marvin about life and other topics na naisipan namin pagusapan habang kumakain ng inihaw na isda at halabos na hipon na samahan pa ng mangga at durian.

Kakalungkot at bitin ang bakasyon ko dito sa South Cotabato, kung pwede lang na ma extend pa pero hindi na pwede at one week lang ang leave ko. Maraming happy memories mula sa visit na ito and will be treasure forever. :)

many Thanks to Galaez family for adopting me for a week, thank you for your warm hospitality, hope to see you soon again probably this summer :)

Rest Mode again

0 Reaction(s)
Rest mode ulit mula sa paggala sa Davao city area. As usual na gala lang sa paligid at kain lang ang ginawa sa bahay. Inayos na rin ni Marvin ang mga requirements niya sa incoming work niya as a teller sa RCBC at Polomolok.

SoMin visit: Day 3 - Davao city area

0 Reaction(s)
Maagang nagising at pumunta sa Bulaong bus terminal para sumakay ng bus bound to Davao City, dumaan ng Saranggani Province, stopover sa Digos bus terminal and finally bumaba sa Davao City patungo sa Philippine Eagle Center sa Malagos District, Calinan, Davao City

The Center is home to 36 Philippine Eagles, 18 of which are captive-bred. It also houses 10 other species of birds, 4 species of mammals and 2 species of reptiles. Simulating a tropical rain forest environment, the Center offers the visitor a glimpse into the country’s forest ecosystem. Although the exhibits are used primarily to help educate the Filipino people on conservation, the facility is also considered a major tourist attraction in Davao City. -source: Philippine Eagle Foundation

ecological awareness

road around the center, in which you could find names of the donors engraved on the square tile

si Lolong ba ito o isa sa pulitiko na nagpapahinga lang sa tubig

eagle eating it's prey

guarding it's food

talagang pinanindigan nila na tulog sila at daytime

wark!

the mighty King of the Birds

napapanahon ang mensahe na ito sa ating lahat

kung mayaman lang ako, hindi lang 274 pesos ang bibigay ko :(

Malagos Garden Resort is a 12 hectare inland Nature Theme Resort located in Bgy. Malagos, Calinan, Davao City. It has the amenities of a Full Service Resort with Overnight Rooms and Accomodations, Function and Seminar Halls, Restaurants and Coffee Shop, Landscaped Gardens, Bird Park, Butterfly Sanctuary, Swimming Pool, Children’s Playground, Adventure Activities, among others. It is home to the Philippine Orchid, Vanda Sanderiana, commonly referred to as the Waling Waling, indigenous birds and other wildlife species, the Malagos Gardens Amazing Bird Show and sculptures of Philippine National Artist for Sculpture Napoleon Abueva. Truly a unique blend of art, commerce and nature amidst the cool mountain breeze of the highlands of Davao City. -source: Malagos Garden resort website

aesthetic view of the garden

at the Bird feeding dome, si MatangLoro daw ahaha!

brings back the childhood memories

Davao Freedom Park is where they set up the street food fest during Kadayawan festival (August). It's also one of the stops of the parades and street dancing.

giant replica of the Philippine Eagle signifying harmony with humans

entrance to the park welcoming everyone