4 am nang magkita kita kami ni Jun-jun, Roy, Empi at Badong sa Jam Liner Buendia bound to Lipa City para sa aming yearend climb, hindi natuloy kasi ang Mt. Marami sana dahil sa mga pananaga at pananamantala ng ibang mga locals sa presyuhan kaya napaatras kami. Halos 6 am na nang makarating kami sa terminal at sumakay kami ng multi cab papuntang Fiesta Mall. Medyo lumagpas pa nga kami dahil sa hindi ko na alam ang itsura ng mall na iyon kaya ayun nagbayad ulit kami pabalik at sumakay sa tricycle.
Nalito pa nga kami between Sulok at Jubilant subdivision. Sa Manabu jump off pala nagaantay si Mang Mario na aming guide pero sa Jubilant kami nakapunta, kaya at ayun todo hingal si Kuya nang maabutan namin. Sa Malipunyo ang napagdesisyunan na simula matapos kaming mag register sa Barangay outpost. Sinumulan namin ang pag-akyat bandang alas 7 ng umaga na umaasa na hindi kami gagabihin masyado at gamitin ang headlamp na dala namin. Tanaw namin agad ang Susong dalaga sa pagsisimula ng aming paglalakbay, unang traverse ng team.
At nagsimula na ang aming mahabang paglalakbay sa kabundukan ng Malipunyo
pahinga sandali sa 1st water source
three waterfalls before going to the peak
notorious ang Malipunyo mountain range sa mga noxious plants kagaya ng lipa, teka-teka. Lahat kami na experience na matusok ang ilang bahagi ng katawan at damit namin sa mga halaman na ito, charge to experience
Iba talaga ang klima sa taas ng bundok, kung sa baba tuyo pa ang lupa, habang tumataas kami eh nagiging basa na siya at maulap siya kasabay ng kaunting ambon ambon na akala mo signal#1 ang lugar na lalo pang nagpahiram sa pagakyat namin na maka ilang dulas rin kami sa lugar na iyon. Matapos ang ilang oras eh narating rin namin ang peak 1,2,3 ng Malipunyo.
ang nasirang rebulto ni Jesus
Matapos ang ilang oras pa ng paglalakad, pagiwas sa mga tusok na halaman, pagslide sa bundok, naririnig na namin ang anak ni Mang Mario na si Santino, na sigaw nang sigaw, senyales na malapit na kami sa Three-Haus ni Mang Mario sa bundok. Nakita namin na gumagawa ng walis tingting mula sa dahon ng niyog ang kanyang pamilya. Pinainom rin kami ni Mang Mario ng kapeng Alamid, matapang pero masarap ang kape kaya nanumbalik ang aming lakas matapos din namin mag quick lunch at ayos ng sarili.
Narating rin ang Balete peak bago magpunta sa Threehouse ni Mang Mario, 4 down 4 to go, lunchtime na rin
Narating namin ang gilid ng Susong Dalaga at Biak na Bato peak bandang 2 ng hapon, sobrang ganda ng area na ito, na nanatili kami ng ilang minuto rito para magpahinga at kumuha na rin ng picture, tanaw na rin dito ang last 2 peaks na kelangan namin puntahan, ang Maradujan at ang Manabu
Narating ang 8th peak, Manabu bandang 5 ng hapon. Naabutan pa mga hikers na nagse-setup ng tent. Nakakatuwa naman na nag congratulate pa sila sa amin at na kumpleto namin ang traverse sa loob ng 12 oras. Inabot narin kami ng gabi habang pababa sa Manabu jumpoff, nag kape saglit kina Mang Pirying at humigop ulit ng kapeng Alamid. Nagamit rin ang headlamp, lahat halos naranasan namin sa adventure na ito, challenging at charge to experience. Masasabi kong training na namin ito at marami rami pang ganito ang dapat expect namin sa mga susunod na akyat namin sa susunod na taon. Major hikes and multi peaks ang target namin at marami bundok pa ang macocover. Maraming salamat ulit kay Mang Mario sa pag guide sa amin, sa mga kwento at hands on talaga siya sa pagtulong sa amin pag hirap kami makatawid sa daan. Salamat rin sa mga nakasama ko at makakasama ko pa sa mga susunod na mga bundok na ating aakyatin. Napaka makabuluhan ng yearend climb na ito dahil ito ang magsisilbing gabay namin sa susunod pang direksyon at landas na tatahakin namin. Maraming salamat at Manigong Bagong Taon.