Sunday morning. Nakarating sa Buendia bandang 2am, inantay ang mga kasama hanggang sa 4am na kami nakaalis sa DLTB Bus line papuntang Lucena Grand Terminal. Mabilis ang byahe at nakarating rin kami ng 6am sa terminal. Sumakay ulit ng bus Calaug na signboard at bumaba sa bandang Zigzag highway sa Atimonan. Medyo manaka-naka ang ambon at ulan sa lugar na iyon nang dumating kami. Matapos mag-ayos ng gamit, nilakad na namin ang Zigzag road na kilala sa tawag na Bituka ng Manok dahil sa itsura nito. Medyo mahaba-haba rin ang nilakad namin na umabot ng 30 minuto rin. Ang ganda ganda ng lugar na ito at masaya ako na nilakad namin siya, a walk in the park ika nga literrally. Tapos malamig pa ang hangin kaya naman hindi kami masyado napagod along the way.
Nakarating sa jumpoff, Atimonan Zigzag Park bandang 8am, matapos mag-ayos ulit ng gamit. Nagregister na kami at kumuha ng guide na compulsory dahil na rin sa security issue at iwan vandalism sa area. Kumuha muna kami ng larawan sa maliit na parke na ito bago tuluyang umakyat na sa Pinagbanderahan at sidetrip sa ilang kweba na rin.
Namalas rin namin along the trail ang ilan sa mga matatandang puno sa National Park na lagpas 100 taon na rin
Cueva Santa
Nabigyan rin kami ng pagkakataon na puntahan ang isa sa mga bagong tuklas na kweba sa National Park, ang Cueva Grande, pinaunlakan kami na mamalas ang harapan ng kweba at masasabi kong bata pa ang kweba na ito at ang mga stalactites at stalagmites ay nagsisimulang palang na tumubo, sana nga lang hindi siya magaya sa ibang kweba na vandalized na masyado kaya hindi na maganda tingnan, kami palang ang pang 5 na nakarating sa kweba na iyon
Matapos ang spelunking, tumuloy na kami sa Pinagbanderahan, nang bandang 400m na kami sa daan na ginawa ng mga amerikano sa bandang pahingahan sa itaas kung saan eh ilang minuto nalang at tanaw na namin ang peak, saka naman kami hinarangan ng isang ahas na kahit anong ginawa namin eh ayaw umalis at minamatyagan lang kami at nagtatago, minabuti na naming wag nang tumuloy at baka mapahamak pa kami pagbalik at magtawag pa ng mga kasama, malas lang namin at oras iyon na nagpapaaraw daw ang mga ahas mula sa ilang araw na paguulan at lamig sa lugar na iyon
Salamat ulit kay Kuya Mario sa pag guide sa amin sa kweba at bundok Pinagbanderahan, sulit ang oras namin at marami kaming natutunan mula sa iyo
Tinahak namin ang karugtong na daan ng Bituka ng Manok palabas sa National Park, patuloy sa pagihip ang malamig na hangin at bumabanga sa aming mukha, mind over matter lang ang lamig kaya kaunting tiis, sulit talaga ang pagpunta namin sa parke at ang ganda ganda ng mga tanawin dito, greeneries, daming puno, na sana wag nang tumigil ang oras
Atimonan Church at Iskong Bantay