He Says
Sana ay naramdaman mo rin kung gaano kita kamahal. Alam kong lagi kang naaasar at naiinis sa akin, ewan ko ba, natutuwa ako pag iniinis kita. Hehe!
-Ikaw Lamang, Waltz' Online Journal
-Ikaw Lamang, Waltz' Online Journal
by
Jinjiruks
February 15, 2011
3:25 PM
Team Lunch, Goodbyes
Thanks po sa Team Lunch and Birthday celebration narin po naming mga February celebrants. Nabusog po kami at nag-enjoy. Hanggang sa uulitin. Pati na rin kay Dru sa chocolates kagabi para sa team. Bumigat na naman ako nito. Haha! Good luck mamaya sa training ng bagong function.
After a couple of months or even years na nga, Goodbye Naruto Shippuden and MafiaWars FB GameApps. You already served your purpose and wala na akong nakikitang growth sa inyo kaya it's time to move on.
Anyways, though idea ng mga capitalist para kumita - Happy Puso day!
by
Jinjiruks
February 14, 2011
3:17 AM
Teh Usual
Saturday
Tulog
Internet
Lakad
Muni-muni
Uwi
Tulog
Sunday
Tulog
Jogging
Internet
Meet a friend
Muni-muni
Uwi
Tulog
Monday
Tulog
Jogging
Internet
Uwi
Pahinga
Pasok sa Work
and the cycle continues..
kakasawa..
Tulog
Internet
Lakad
Muni-muni
Uwi
Tulog
Sunday
Tulog
Jogging
Internet
Meet a friend
Muni-muni
Uwi
Tulog
Monday
Tulog
Jogging
Internet
Uwi
Pahinga
Pasok sa Work
and the cycle continues..
kakasawa..
by
Jinjiruks
February 13, 2011
11:52 AM
He Says
"/we thought we're just lucky to have found each other... but after seven years we realized, with LOVE alone, the relationship will not last. it takes hardwork, patience, understanding and trust for it to last and continue to take it's own colorful, enjoyable and rewarding journey... a journey that is always with HIM.../"
- Bunwich and Siopao, celebrating 97 months of love
- Jinji recommends, puro kakesohan - "Para kay Siopao"
- Bunwich and Siopao, celebrating 97 months of love
- Jinji recommends, puro kakesohan - "Para kay Siopao"
by
Jinjiruks
February 12, 2011
11:35 PM
Teh Condom
First, penis size. The most common penis length falls somewhere around six inches when erect; anywhere from five to seven inches when erect is considered typical. Condoms are meant to have a little extra space at the tip to allow room for ejaculate. Research findings regarding condom size, penis size, and breakage and slippage rates have been mixed. While it is certain that condoms can stretch to many times their normal size (just try having a condom water balloon fight and you'll end up carrying balloons as big as watermelons), some studies have found that men with larger penises experience condom breakage more frequently than men with typical- or smaller-sized penises (others studies show that breakage rates are the same regardless of penis size). In addition, if a condom is too short, some STIs could be transmitted between the exposed part of the penis and the partner.
Penis girth also affects how a condom fits. The average penis girth (circumference) is 4.5 to 5 inches. If your girth is above average, a standard sized condom might feel uncomfortably tight and the larger sized condoms could be appropriate for you. For readers whose penis length or girth is less than average, it's important to note that standard condoms could simply fall off during sex. Snug fit condoms, which are a bit, well, snugger, are a good option for these fellows.
Condom manufacturers may have once catered only to "average" size men; however, these days condoms come in many shapes and sizes. Here is a chart that gives some common measurements for different size condoms:
Length of condom (inches)
7 to 7.8 Snug
7.25 to 7.8 Standard
7.25 to 8.1 Larger
Diameter of condom (inches)
1.75 Snug
1.75 to 2 Standard
2 to 2.25 Larger
As you can see, a condom that is called "large" may in fact have the same dimensions as another brand's standard-fit. Different condom manufactures use slightly different measurements and have a number of shapes available, so you may want to try a few condoms on for size to which is most comfortable. Custom-made condoms do exist and are available on the internet, by mail, or at a sexuality specialty shop. Check out this Condom Wizard to learn about condom shapes, sizes, textures and more.
To find out "how big is big" or where you fall along the penis size continuum, you can measure your erect penis to know for sure. Or for even more fun, have a partner do it! Measure your length from the tip of the head along the upper side of the shaft to the point where the penis joins the body. For girth, measure the penis circumference at the widest point using a tape measure or a piece of string. As you probably are aware, condoms are the best way to prevent against STIs as well as a reliable pregnancy prevention method. No matter the size of your penis you should be able to find a condom that fits you well, that will keep you and your partner protected, and allow all the pleasures of sex to thrive! Enjoy and good luck.
by
Jinjiruks
February 11, 2011
11:18 AM
Perwisyo sa Tanghali
Nakakainis once na nasimulan nang Lunes tuloy tuloy na ito hanggang Biyernes. Tuwing tanghali nalang ako nagigising dahil sa init at hindi na ako nakakatulog back then kahit ano pa ang gawin ko. Kaya ang resulta sa 4-5 oras na tulog. Headbang sa office pagdating ng madaling araw, kumusta naman ang quality pag ganun papikit-pikit ako. Hindi naman ako sanay na umidlip sa sleeping quarters at namamahay ako at malakas ako humilik. Kaya para maiwasan yung espiritu ng antok, sige kailangan kausapin ang katabi o kaya tumayo at kumuha ng inumin. Grr, i hate this.
by
Jinjiruks
February 10, 2011
3:37 PM
Back to Reality
Natapos na ang mahabang bakasyon. Balik na naman sa katotohanan na kailangan mong pumasok para kumita ng pera para sa mga mahal mo sa buhay. Kahit sa kaunting panahon na naging masaya ka kasama ang mga kaibigan sa iyong adventure/trekking nitong weekends. Kahit naka ilang galos at dumi sa katawan. Ok lang. Minsan lang naman ito mangyari at matatagalan pa bago maulit. Sana tuwing weekend laging ganito. Para makalimot sa stress at pressure everytime na papasok ka at magtrabaho.
Siguro problema rin ang sarili ko kung bakit nahihirapan ako. Hirap akong mag-reach out sa kanila, dahil na rin siguro iniisip kong busy sila at naghahabol din ng kanilang stats para ma-improved pa siya. Kelangan ko maging open at magtanong nang magtanong sa mga bagay na hindi ko masyadong naiintindihan sa proseso. Hindi ko maiiwasang ikumpara siya sa nakaraan kong trabaho. Ika nila, wala namang madaling gawain sa simula. Lahat kailangang paghirapan para makarating ka sa itaas. Ang kailangan mo lang tamang strategy kung paano makakarating sa misyon mo. Slowly but surely. Bawat hakbang mo, kelangan planado kung hindi ilang steps backward ang mangyayari sa iyo at hindi ka na makakausad nito.
Dagdag pa nito ang mga isipin sa buhay na kailangan ko pang isipin ang problema ng iba. Kaunti nalang at pagod na pagod na ako. Bakit ako nalang ang kailangan asahan. Kelan ko kaya iiisipin ang future ko. Ilang taon na ako at wala pang nangyayari sa buhay ko. Ganun pa rin kagaya ng dati. Inaaalo ko nalang sarili ko sa mga panandaliang kasiyahan pero pagkatapos nito balik na naman sa mahabang panahon ng kalungkutan. Kelan naman kaya magkakaroon ng pagkakataon na isipin niyo naman ako at hindi puro ako nalang ang nagiisip para sa inyo. Ayoko umabot sa punto na maubos na ang coping mechanism ko sa pag solve sa mga problema sa buhay. Ayoko magaya sa kaibigan ko na hindi na makausad at parang meron nang sariling mundo dahil bumagsak na siya at nalugmok sa mundo na siya lang ang nakakaintindi. Hayz, kaunti nalang talaga.

February 7, 2011
10:20 AM
Pamitinan Cave [conquered]
Maagang nagising dahil excited na sa aming pupuntahan ngayong araw, kausap na agad ang mga kasama sa trekking. Nagkita muna kay Thomas, kumain saglit bago dumiretso sa Eastwood subdivision, kung saan ang meeting area bago dumiretso sa Sitio Wawa.
Kala namin eh mag commute kami, meron palang sasakyan si Kuya Al, kasama niya ang kanyang kapatid at friend, lima kaming tumahak sa Wawa para hamunin ang Pamitinan Cave.
Pagdating sa Wawa, sarado pa ang Toursim office at mukhang napaaga ang punta namin. Kaya minabuti na naming puntahan si Mang Boy. Ang kausap namin nung last time na nag check kami sa trail, siya ang nagaayos ng tubo ng tubig mula sa kweba pababa sa bawat bahay na malapit sa kanyang nasasakupan.

Hanging bridge papuntang Pamitinan
Ilan lamang sa mga rocky trail na kailangan namin pagdaanan sa shortcut na ito
kasama si pareng Thomas, sa first base namin
si Mang Boy, ang aming guide
view ng baba ng Wawa mula sa pwesto namin at the middle of the mountain
entrance ng Bat cave, sa wakas napuntahan rin namin
bunganga ng bat cave
thumbs up, parang hindi napagod kaka-akyat sa matarik na batuhan, sulit naman eh sa view
mechanism na ginagamit sa paglipat ng guano (bat dung) para hindi na sbuhatin pa pababa, may wire at pulley para ma transport pababa ang mga ito to save time and energy
marker sa limestone cave na may japanese inscriptions, hindi na mabasa dahil sa kalumaan
historical inscriptions on the entrance of the cave
parang gate sa Enkantadya, haha! pinagbawal kasi ng pamahalaang munisipal ang pagpasok sa kweba pero hindi mo maiiwasan hindi buksan ng mga taga dito dahil sa kweba ang pinagkukunan nila ng tubig
path papasok sa Pamitinan, maputik siya dahil sa ilang tagas mula sa tubo ng tubig kaya kailangan doble ingat at madilim masyado sa loob
group picture muna, ngiti kahit pawis na sa loob at maputik pa
hmm, ano kaya ang tinitingnan ng mga ito, hehe! meron kasi kaming nakasalubong na mga koreano sa trail at mukhang mag-wall climbing sila sa likod na bahagi ng bundok, baka makita namin ang pagakyat kasi nila
Matapos ang ilang minuto na paglalakad sa na kaunting liwanag lang ang gabay, mapuputik na daan, mga maliliit na sugat na aming natamo, matubig at malalim na parte ng kweba, nakaraos din kaming lima at lumabas sa kweba na may ngiti sa tagumpay na aming nakamit.
MISSION ACCOMPLISHED!
by
Jinjiruks
February 6, 2011
6:29 PM
Tired but Fulfilled
Maaga palang gumising na para sa usapan namin nina Thomas at Jervin na mag jogging papunta kina Rene sa San Isidro na may kalayuan. Ako unang dumating, si Thomas after 5 mins then si Jervin na kumag, sinikatan na kami ng araw nang dumating, mga alas-7 na nung ng umaga.
Nakasalubong pa namin sa spillway sina Mang Boy Dungca ng Montalban Joggers club, nagsawa na rin siguro sila na panay school oval nalang at kagaya ko gusto rin nila libutin ang buong Montalban sa pag jog which is bagong misyon namin ni Thomas sa pag jogging.
Pagdating sa dapat na tawiran, malas at mataas ang tubig at since naka rubber shoes kami. Hindi kami makakadaan, para nga kaming engot na kumuha ng mga bato para makatawid, pero masyadong mahaba ang daanan ng ilog at matatagalan kami.
Buti nalang nakasalubong namin si Manong na nagooperate ng bulldozer at nakisakay kami sa pagtawid. Tuwang-tuwa kami kasi first time rin namin makasakay dun, iyon nga lang kumusta naman ang damit at kamay namin na puro grasa at alikabok, mas matindi ang nangyari kay Thomas since nakaupo siya, puro grasa ang pwetan.
Nakarating kina Rene bandang alas-8 ng umaga, parang Kasiglahan din pala itong village sa San Isidro, mga na-relocate na mga maralitang taga-lungsod at mga ilang taga Montalban talaga na gustong makipagsapalaran at lumipat sa barangay na ito.
Bumili ng ulam at maiinom sa foodtrip. Beef longganisa at hotdog ang nilantakan namin kasama ng pamilya ni Rene. Kulit ng inaanak ko na si Kurt, kung saan saan naiihi at makataw sa gatas. Maraming napagusapan sa mga buhay buhay tungkol sa mga dating kaklase kung asan na sila ngayon, pati na rin kay Angelo na wala pa kaming balita hanggang ngayon pero pangako at paglalaanan namin ng oras para makibalita at makausap ang kanyang ina.
Umalis pasado alas-10 ng umaga, kagabi pa roon sina Rene at oras nang umuwi sa bahay ng magulang sa may Rosario. Sakay ang tricycle tinahak namin ang path sa Eastwood extension. Buti nalang kaya kami ni Manong driver kahit mabibigat kami sa likuran. Minalas ang mga bahay na aming dinadaanan.
Sa may plaza na kami bumaba nina Jervin at nagpaalam at nagpasalamat sa pamilyang Rene at Ainee. Si Jervin nauwi na muna para maglaba at ako naman sumama kay Thomas sa kanila para kumopya sana ng Beethoven at iba pang classical tracks. Kaso ibang device ang nasa phone ko at walang slot sa mga card reader ni Thomas kaya naman napilitang mag Bluetooth nalang, dahil sa hindi gumagana ang mga classical music eh nag settle nalang ako kay Christian Bautista na available sa phone niya that time. Habang pinakita naman ni Thomas ang Sherlock Holmes na game sa PC, kasama pa nun bago ako umuwi eh dinala ko ang volume 1 ng collection ng novel.
Tanghali na nang nakarating sa bahay, kumain saglit tapos eh umalis na naman ako para makipagkita sa isang kakilala. Maraming napagusapan along the way, buhay buhay niya at mga struggles at paano niya na overcome ang mga ito. Hanga ako sa kanya at well rounded siya, kahit saang field eh nag-eexcel siya. Mapa-programming, sa pagsayaw at sa pagsali na rin sa iba pang mga contest.
Sinamahan niya ako bumili ng mga batteries na pasuyo ni Kuya Al sa may Handyman sa amin sa Montalban Town Center. Then kumain saglit ng ice cream tapos pumunta sa Wawa para bisitahin at humingi ng updates dahil babalik kami bukas dito para sa Pamitinan Cave. Kaya kelangan paghandaan at bisitahin ang mga posibleng daraanan.
Maraming napaguisapan habang tinatahak ang mga matarik na batuhan habang kinakabahan dahil malalim ang ilog na babagsakan magkamali kalang ng apak sa mga bato. Nagpalipas ng buong hapon sa lugar na ito kasama siya. Gabi na ng makauwi, pero dumaan muna dito sa cafe para makapag update ng blog.
Bukas bagong araw na naman, excited na kami sa pagpasok namin sa Pamitinan Cave sa Sitio Wawa,sana nga lang po maki-ayon ang kalikasan sa amin at nawa'y hatidan kami ng magandang panahon para ma-enjoy naman bukas ang pag spelunking namin. Hanggang sa muli.
At sa iyo, salamat sa inspirasyon at masaya ako ngayong araw na ito. Lubos mo akong pinasaya sa araw na ito. Sana magtuloy tuloy itong masaya at bagong kabanata ng aking buhay.

February 5, 2011
8:14 PM
Lababo, Bubong at Gameplan sa Weekend
Natapos rin ang pagkumpuni sa ilalim ng aming lababo at nakahakot ng 1/4 na sako ng ipis mula doon. *sabay tayo ng balahibo* Ilang taon na rin kasing hindi pinapansin iyon at ngayon lang simula nang pumasok ang pusa dun at nasira siya kaya kailangan ayusin. Next naman eh ang bubong ng aming bahay dahil malapit na ang tag-ulan eh kailangan na siyang maayos bago maging waterworld na naman kami na hindi maiiwasan dahil walang pagdadaanan ang tubig at naging catch basin na ang aming subidivision dahil dito.
Makakapagpahinga sa mahabang bakasyon dahil naka-leave ng Friday. Daming gameplan this weekend. Kasama na rito ang jogging namin sa ibang lugar, medyo kasawa na kasi at palaging sa school oval nalang, this time sa San Isidro naman sa bahay ng aming ka-tropa. Then this Sunday naman, tentative palang ang pagpunta namin sa Pamitinan Cave, depende pa rin sa panahon at kung matutuloy ba talaga ang plano na ito. Bahala na siguro. Basta ang alam ko, kelangan kong mag-unwind para makalimot sa stress sa work.

February 4, 2011
1:14 AM
Siguro nga
Siguro nga tama si Jec, stressed out lang talaga ako sa work. Ewan ko ba, up to now hindi pa rin ako nakakapag-adjust sa environment at sa mga team mates. Sa akin nga siguro ang problema kung bakit hindi ako makapag-reach out. Nasanay siguro ako sa comfort zone ko na yun ang inaasahan ko na paguugali ng mga co-team mates. Dapat ma-realize ko na hindi lahat ng tao eh pare-pareho ng ugali at attitude. Ayoko lang kasi na ma branded na pa-epal kung magsasalita ako kaya mas minabuti ko nalang na magsawalang-kibo nalang. Kelangan baguhin ko na itong pananaw ko kundi ako rin ang mahihirapan in the end. Maski mga co-newbies hirap din pakisamahan dahil hindi sila kagaya ng dating team mo na kalog at open kelangan makiramdam ka muna sa kanila at mag observe kagaya ng ginagawa mo sa new team mo. Sana nga mabago ko na itong attitude ko towards others. Mahirap na nga intindihin ang new function pati ba naman ang relasyon ko sa kanila. Hay, Lord give me strength to overcome this obstacles in life.
by
Jinjiruks
February 2, 2011
6:19 AM
Subscribe to:
Posts (Atom)