Busy Saturday for Jin

0730 Woke up early.. Kahit medyo late nang natulog kagabi (Friday night)

0900-1200 Walang magawa kundi manood lang ng anime sa TV.. lalo na't back to back episode sa Inu-Yasha.. nakakatuwa lang ang laban nina Shippu at ang 3 unggoy.. walang manalo sa kanila hehe.. sa isang episode.. pinakita lang ni Inu-Yasha ang kanyang human side when she cares for Kagome..

0100 Pinatay ko na ang TV.. walang namang magandang palabas.. kakaantok lang.. just texted some of my college classmates for Zendy's despedida party.. ang iba hindi ko ma contact lalo na si Joseph, sabi ng mother nya nasa Canlubang, Laguna daw, dun na nagtratrabaho at may bahay pa pala sila dun.. hmm rich kid.. may balak nga akong makitira sa kanila at dun na rin mag work lalo na sa Laguna Technopark (sa Binan ata iyon.. i dunno), sina Mark, Emer at Brad.. ang tatlong stooges, hindi man lang nagparamdam kung sasama ba sila o hindi..

0200? I dunno the time, but binuksan ko ulit ang TV then napanood ko ulit ang KNN (Kabataan News Network) hosted by Atom Araullo (hindi naman prominent ang iba.. kaya hindi ko kilala.. nyahaha!) Interesting topic like ATM (Automatic Tubig Machine) in which at a cost of Php1.00 eh may 1Liter of purified water ka na.. ang lagay eh.. kukuha ka ng plastic and straw then sasaluhin mo parang sa faucet ang tubig.. magandang idea ito.. lalo na't mahal mga softdrinks pati na ice tubig na nabebenta.. currently sa Cebu pa lang ata ito nag eexist.. Another one would be yung "Pag-Pag Kids".. kawawa naman mga bata talaga sa Payatas.. alam ko ilang beses na featured ganitong issue.. bout kukuha nlang sa basura yung makakain nila.. like fried chicken.. etc.. then huhugasan na lang.. kahit pa sabihin na nilinisan at na prito pa ang manok.. kahit namatay na ang mikrobyo.. hindi pa rin mawawala ang lason or toxins na nahalo na dito sanhi ng pagkaka-kontamina ng pagkain sa iba pang mga basura.. sobra na talaga ang kahirapan dito sa bansa natin.. kaya marami ang umaalis..

0400 Buti dumating na ang kapatid ko from work, kasi walang magbabantay sa haus, just watched Anime Ring Kaisho (ARK) hosted by Jmie, may Japanese 101 pa.. kakatuwa naman kaso i dunno ano silbi ni Jmie sa show.. decoration lang haha..


0500 Naligo na ako at nagbihis papunta kina Angelo (my friend since Grade 3-over 10 years na kaming mag best friends ^^).. kukumusahin ko na sana ang aking Knight sa Fenrir (Sir_Jinjiruks).. sabi nya.. 99% na daw at may aura pa.. gatasan na lang pala sa guild tax ang silbi ko sa guild.. amf!! /gg

0600 Ang usapan na magkikita-kita para sa despedida ni Zendy eh mga 6.30 pero 6pm na ako nakarating kina Angelo, grabe ang trapik sa mya Litex area.. lagi naman eh.. ang 4 lanes kasi nagiging 2 lanes.. dahil sa mga halimaw na trucks at tricycles trapik tuloy..

0645 We went to Mark's haus, pero wala pa daw sya (Iglesia ni Cristo si Mark, may pagsamba ata), after that pumunta na kami sa meeting place sa SM Fairview Foodcourt, kaso nag text si Nerissa.. wala naman sila dun.. nasa Robinsons Novaliches daw, then Pagpunta naman sa Rob.. nag text naman si Neri.. kitain daw nmain si Cha-cha sa SM.. ang gulo.. grrr.. we decided na sa SM Foodcourt nalang mag-antay..

0700 Ayun nakita na namin si Cha-cha.. wala si Eric (syota nya ata) - baka nag basketball? Si Bradley gusto sana naming makita kaso wala naman, landline (busy) sa cellphone (no reply).. gym buff na raw ang loko.. from Dambuhala to maskulado.. naks..

0745 Nauna na sina Nerissa, Teresa, Marvin and Heart kina Zendy, samantalang kami nina Arlnold, Cha-Cha at Angelo eh papunta na rin dun..

0800 Nasa haus nina Zendy, ayun kainan, maraming handa si Zendy kaso kaunti lang kami nakapunta.. hehe.. pasensya na pero hindi talaga ako umiinom!! ^^ kaya sila sila nalang tumira sa San Mig Light.. ayon bound to Abu Dhabi si Zendy, sa June 19 na ang alis nya.. (b-day pa daw ni Rizal sabi ni Teresa hehe!)

Daming bloopers lalo na kay
Nerissa..
"Hindi ko kasi ma text eh.. Cannot be reached"
Arlnold
Kasi medyo napapanot na rin si Arlnold kagaya ko.. hindi maiwasan na nagbiro sila na may cancer, chemotherapy, cremation, hehe!!. Buti hindi pikon si Arlnold.. tinatawanan lang nya..
Angelo
"asawa nang asawa nya".. "mam Ticman.. (maTicman)" - prof daw nila..
Marvin
ito ang kenkoy kagabi.. patawa nang patawa..
Cha-Cha
hindi ko makuha ano ang basketball na yan kay Eric..

2315 We decided to leave, malalim na kasi ang gabi.. at ako ay may OT pa sa Sunday, huhu, ayun nagpaalam na kay Zendy, wish her good luck sa career nya sa Abu Dhabi.. magkikita kita rin tayo dun.. since lahat may balak ang abroad.. hehe.. wala ka talagang future dito sa Pinas.. kelan pa kaya yayaman ang bansang ito.. puro kurakot kasi.. hmp..

2345 Sabay kami nina Angelo, Cha-Cha, Teresa sa paguwi.. si Neri nakisakay nlang kina Heart since.. pareho naman ang way nila.. Ayun walang maskyan na bus si Cha-Cha na Ayala bound..
kaya sumakay nalang kami ng jeepney.. sa Philcoa nalang daw sya bababa..

0033 Sunday Waaaaa.. walang masakyan na jeepney pauwi sa Litex.. ang tagal ko nag antay marami akong kasabay.. ayaw naman pagsakyan ng ibang jeep kahit sabit.. so nag decide nlang kaming 4 (mga pasahero din) na sa tricycle Litex-Crossing route.. Php25 (ang mahal.. pag tinataga ka nga naman oh!!)

0117 Nakarating na sa Crossing, sumakay ulit ng tricycle papuntang Bayan (Rodriguez town proper) then jeepney papuntang Geronimo (nasa Geronimo na po kami, hindi na San Jose sa mga di pa nakakalam!)

0133 Nakauwi na sa haus.. nakakapagod.. ayoko nang umuwi nang ganung oras.. delikado!!

0640 Late nang nagising (OT whole day sa office.. kelangan eh.. walang pera!! hehe)

0815 Nasa office na at nag type ng blog.. na binabasa mo na ngayon.. sige may work pa ako.. masyado nang mahaba.. first time ko na ginawa ang ganito kahaba na blogpost.. high na naman ako)

0 Reaction(s) :: Busy Saturday for Jin