Letters from the Vault: Charlene "Squidball"

December 18, 1999

Jeff,

Hi lolo Jeff hows your exam madali lang ba. Pasensya kana wala akong magawa ngayon kaya sinulatan na lang kita. Alam mo miss na kita yong panloloko mo sa akin kasi minsan pganagkikita tayo parang deadma na lang kasi hindi na tayo magkaklase pero sa susunod na Tri lilipat siguro kami, ayaw na namin sa SA kasi nagkaaway-away kaya yon kawawa nga si Bubbles kasi siya yong talagang naiipit sa sitwasyon. Buti na lang good girl ako kaya hindi ako kasali. Good girl ba ako? anyway Christmas is coming yong regalo ko pakibalot mo na, joke lang.

Sana sa susunod na Tri classmate na kita at yong iba pa nating classmate last 1st Tri nakakamiss lang kasi. At para may aasarin ulit ako at para may matawag ulit akong lolo Jeff, okay ba. Alam mo nung 1st Tri ilag ako sayo kasi parang suplado ka yon pala kwela rin minsan. Thanks pala for being a good friend of mine. Kahit na hindi na kita madalas nakikita noon pero friend pa rin naman kita kahit na may tampo ako sayo kasi hindi ka pumunta nung Birthday pero okay lang tapos na yon, siguro next birthday ko na lang siguro. So pano. Ingat ka na lang. Merry Christmas & Happy New Year! See you next Tri.

Lab u.

Always,
Squidball

0 Reaction(s) :: Letters from the Vault: Charlene "Squidball"