kaninang umaga amp.. anung oras na dumating mga pasaway 7.15am na.. kaya nagmamadali naman akong umuwi agad.. eto na naman ang sakit ko.. matagal bago makasakay.. namimili kasi ako.. ayoko ng puno.. kaya pag may dumadaan na bus.. nagdadalawang isip pa ako.. paano kung puno? ayokong tumayo.. pero pagtingin mo naman wala palang laman sa bandang likuran.. kelangan talaga baguhin ko na itong mentality kong ito..
paguwi sa bahay.. naabutan ko na ang Doraemon.. buti wala pang One Piece.. at laging may taho paguwi ko.. haha.. muntik na naman akong makatulog.. galaw galaw haha.. natulog na ako pagkatapos.. pagkagising ko at around 1.30pm (yehey!! more than 3 hours) nakita ko na naman sa studio 23 ang film ni Dolphy na My Juan en Only.. anu ba yan.. nakakaumay na ang palabas na yan.. buti pa kahapon yung She-Man ni Joey De Leon ok pa.. (kakatawa si Cris-Manay).. kantahan ka ba naman ng I'll be home for Christmas.. potek.. July pa lang.. sana bukas.. yung ok naman.. kahit Shake, Rattle and Roll.. haha!!
ayun umuulan na naman sa labas.. ok na rin iyon.. at least sawang sawa mga halaman sa tubig di tulad nung tag-init.. sarap nga tingnan eh.. luntian ang mga dahon.. nakakawala ng pagod.. lalo na yung view ng bundok sa amin.. yung mga ulap na papataas na after the rain.. (isa po kasing kapatagan ang Montalban (Rodriguez).. at sa north part eh Sierra Madre mountain range na po!)
ok kung ambon at light rain.. wag lang malakas.. kakainis.. basa na naman pantalon ko pagpasok.. iba kasi ako maglakad.. tumatalsik ang tubig.. haha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Just a normal day
Post a Comment