"I realized a thing, if you will think of the things you don't have, you have nothing. but if you will think of the things you have, you have everything. i am the luckiest son in the world because he is my dad and his son is me. i owe God a lot especially for sending me to the perfect dad in the world..."
-Love of a Father, Aaron James blog entry
habang binabasa ko itong blog entry ni Aaron.. hindi ko masabi nararamdaman ko.. kasi parang halos pareho kami ng relationship with my Dad.. yung tipong.. hindi kami naguusap unless kakausapin nya ako.. wala naman akong galit sa father ko.. it's just hindi lang talaga ako expressive sa nararamdaman ko.. ayoko nang may yakap atbp pang nalalaman.. hindi naman sa ikanahihiya ko.. pero hindi lang talaga ako sanay gawin mga ganyang bagay..
hindi mahigpit sa amin si papa unlike sa iba dyan.. hindi sya madalas na mamalo kagaya nung bata pa kami.. unless pag mali na talaga ginawa mo.. andyan lagi ang sinturon.. hindi naman ako nagtanim ng galit dahil alam kong kami naman ang mali, dahil hindi namin sya sinunod at para na rin sa kabutihan namin.. ayaw din nya na pag pupunta sa malayong lugar eh mag isa ka lang.. kelangan may kasama ka.. mahirap na kasi.. sa totoo lang ang bonding lang talaga na nagagawa namin eh yung panonood ng basketball.. ewan ko anung team sya.. wala siguro basta nanonood lang sya at naguusap lang kami sa game.. tuwing weekends lang kasi sya umuuwi minsan hindi pa.. malayo kasi at aksaya sa pamasahe. mula Batangas to Rizal.. magkano rin iyon.. kaya ayun andun lang sya sa quarter nila.. hindi naman kami nagtatagpo kasi pang gabi ako.. saturday na lang nga ang free time eh.. mag OT pa ako sa office.. sayang din kasi..
kahit anu pa man.. i'm really thankful at binigyan ako ng mabait at maalahanin na father although hindi ko napaparamdam or napapakita ang pagmamahal ko sa kanya.. alam naman nya na mahal ko rin sya.. sinusunod ko mga utos at pangaral nya at nagsisikap talaga ako sa aking trabaho para makatulong sa kanila.. oras na para ibalik ko naman at suklian mga paghihirap nila sa pagpapalaki sa amin..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Awwwww...touch naman ako Jin!
jef
July 28, 2006 at 1:10 AMlol.. that was my corny side.. you should read aaron james' complete entry..
Jinjiruks
July 28, 2006 at 2:08 AMTol, I tagged you, browse my site and answer those questions.
jef
July 28, 2006 at 3:00 AMwaaa.. sabi na eh.. ayoko talaga sumali sa pakulo ni gener at kiro.. haha
Jinjiruks
July 28, 2006 at 3:12 AM