- nakakaasar talaga ang araw na ito.. kanina ang lakas ng ulan.. walang masakyan na Philcoa kaya sa Batasan ako bumaba sinundan pa ng malakas na ulan.. hanggang Ortigas.. kung kelan ka naglalakad saka umuulan.. samantalang nde naman umuulan pag nakasakay ka sa dyip.. pahamak itong bagyo na ito.. umalis ka na! asar!
- wow ang laki ng increase sa sweldo.. hindi ko maramdaman.. nakaka motivate talaga!
- brownout pa kanina mula 1.30-4.00am.. galing talaga ng araw na ito.. sumabog daw ang transformer at ang building lang namin ang apektado.. buti may emergency light dito.. kundi nde na ako aakyat.. hehe!
- sa Imperia Online.. amp talaga si Shinzo hindi ko ma take-over ang fortress nya.. asar.. 2x na.. nakakahiya na.. low morale!
- sana naman paguwi ko.. umuwi na rin ang kamalasan ko sa araw na ito.. kasabay ng SONA ni madam President.. na puro pangako.. hindi naman sinasabi kung saan at paano kukuha ng pondo.. mga puna ko lamang sa nakaraang 6th SONA..
- san kaya kukuha ng pondo, kaya nya kaya tapusin iyon sa loob ng 4 na taon?
- bakit hindi binanggit ang problema sa kakulangan ng classroom, kahirapan, trabaho?
- mas malaki pa ang budget ng military kesa education, nanliligaw ka ba?
- hindi paguusapan ang pulitika.. lahat halos ng congressman atbp binanggit mo na!
- cyber corridor? anu iyon? me nalalaman ka pang ganun.. wala ngang pondo!
- madam president hindi ang sistema ang problema ang nasa pwesto tandaan nyo yan.. perfect na mismo ang kasalukuyang constitution.. gusto nyo lang baguhin for self-interest.. mga buwaya talaga kayo.. mabilis naman ang karma eh..
- scripted masyado ang SONA.. hindi pa nga nababangit ang tao.. naka focus agad ang camera.. planado talaga.. bravo to the director.. si bunye siguro! kaya pala andun si Manny.. kasi babangitin sya.. tapos sasabihin pa nya.. kusang loob daw sya pumunta.. tigilan nga ako!
- wow.. may Jollibee sa Basilan.. may McDo kaya? magtatampo si Mega nyan syo.
- "For those who want to pick old fights, we're game. But what a waste of time. Why not join hands instead?" after 2010 na lang siguro..
- andaming palakpak.. every sentence na lang..
- talagang tayuan mga walang kwentang congressman na ito pag Charter Change ang paguusapan.. self-interest pumapasok na naman.. dpat talagang mangyari eh i declare na vacant ang lahat ng position for MP's just in case magpalit tayo ng system.. para maiwasan na ang mga trapo na yan.. at para mapakita sa bayan na sincere sila sa pagpapatupad nito at hindi sariling interest lamang.. pero i doubt.. ASA! papayag ba mga yan? lalo na si De Venecia.. if i know.. may political ambition rin yang maging Prime Minister.. trapo!
grabe na itong bansa natin.. may pag-asa pa ba ang Pilipinas?
bakit andun si manny pacquiao at lara quigaman? kasma ba sila sa achievements ni gloria? hehe
@ #5. andameng imposible at questionable. like para saan ang dagdag na airport sa puerto prinsesa? (at meron pa kamo sa mga lone islands sa northern luzon. na pwede namang seaport na lang)
@ #10. hahahaa! well, isa rin yan sa mga pinansin ko. it's 173 claps, to be exact. hindi ko sinama ung claps sa entrance nya, kasi nde naman tutuo (sound system lang) wahaha!
Anonymous
July 25, 2006 at 7:26 AMhaha.. possibility yan.. puro kasi hangin yang presidente nyo eh
Jinjiruks
July 25, 2006 at 9:53 PM