Umuulan na naman sa may philcoa.. nakakainis basa na naman ang pantalon ko.. pero pasalamat na rin ako at malamig na at hindi na maalinsangan.. iba talaga pag umuulan parang nagkakaroon ng flashback sa mga nangyari sa iyo dati..
Maraming mga nakakatawa at nakakaasar na pangyayari ang naganap sa akin (amin na rin..) nung college pa ako.. isa na rito eh ang walang kupas na Regalado Avenue sa may Fairview.. kaunting ulan lang eh baha na.. poor drainage system as usual.. eh intersection pa naman sya, kaya ang resulta.. heavy trapik as in hindi gumagalaw.. napilitan na lang kaming maglakad dahil ang ibang sasakyan eh namatayan ng makina.. (nabasa kasi) buti sana kung malapit lang eh.. eh ang layo kaya mula North Fairview hanggang Litex.. wala lang nakakaasar na nakakatuwa kasi ngayon ko lang naranasan mag alay lakad ulit sa masamang panahon pa..
Isa pa eh nung nag ROTC kami.. (opo, malas namin at naabutan pa kami.. yung mga sumunod na batch eh NSTP na sila.. pero masaya na rin ako..) kapag bumabaha sa AMACU-Proj.8 ay hanggang hita.. kulang na lang eh mag sagwan ka dun.. napilitang mag dismiss ang commander at pinauwi na kami dahil sa sama ng panahon.. paano kami uuwi eh ang lakas ng ulan.. eto naman kaming tanga.. naiinip na.. sinugod ang malakas na ulan.. basa lahat sa amin maski brief basa rin.. walang patawad.. ang kukulit kasi.. sinabi sa akin ni Angelo nung bumaba ako sa jeep. may nagsabi daw.. naihi ba daw ako at basa ang pwet.. haha..
eto lang nalagay ko pero maramin pa akong nasa isip.. natatawa lang talaga ako pag naaalala ko mga ito.. parang ang sarap ulitin..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Reaction(s) :: Tuwing umuulan..
Post a Comment