haaayy.. nakakapagod talaga pag night shift ka, wala pang makausap kundi mga dingding at mga langgam na naglalakad sa paanan mo.. pero ok na rin.. at least nagagawa ko magpost ng blog entry.. 2 lang kaming night shift.. kaya pag nag absent itong kasama ko.. hindi na ako papasok.. hehe.. ayoko nga ako lang mag-isa.. takot ato eh! meanwhile.. uubusin ko muna oras ko dito sa blog ko.. (anu ba tama? blogs o blog lang?)
aba tingnan mo nga naman.. parang ambassador na ako ng UN.. sa dami ng tuldok sa "cluster map" ko.. at within this week lang mula sa "neo-counter" 14 countries agad ang nagkamali ng pasok sa blogs ko (asa pa sila.. eh tagalog itong mga entry ko.. haha!).. ang tagal tagal dumating ng day shift.. kaya minsan 7am na ako nakakaailis.. which is napaka init.. sa mga taong gabi na kagaya ko.. lalo na pag mga 9-10am na.. nakakapaso!
oi Squidballs, anu na nangyari sa EcoTrail? naanod na ba n flashflood.. sabi ko na nga ba "drawing" na naman ito eh.. topak kasi itong panahon sa atin.. kung kelan weekends saka naman makulimlim at maulan.. sinasadya ata.. oi Cyril.. buti naman at gumawa ka na rin ng blogs mo.. ganyan ka naman kung kelan ka broken hearted saka ka lang inspired.. dapat pala lagi kang ganyan.. chapter 4 ka na sa notebook mo.. gagawaan na ba natin ng movie yang drama mo. oi Angelo.. tapos ka na ba sa thesis mo.. pa bot na kami sa Ragna.. hehe.. Joseph.. asan na ang kamote na pangako mo na galing pa sa Cotabato.. isa ka pa "drawing" ka.. saan ka ba talaga sa Laguna o Cotabato.. sino pinagtataguan mo..
pusa namin.. malapit nang manganak.. si Tien (ilan kaya anak nito.. sigurado may lilipad na naman sa kabilang pader na kuting.. haha! joke lang po!) buti pa si Tam hindi buntis.. walang gustong pumatol na pusa.. magiging old maid yata ito.. mabuti naman.. kumusta na kaya yung 2 pa naming pusa na pinamigay sina Tsunami at Tongki (puro T ba? hehe!).. sosyal mga pusa na yan.. kahit pusakal mga yan.. sardinas ang ulam nyan kada araw.. kahit tuyo ulam namin.. sila sardinas.. buti pa sila.. hehe..
paguwi sa amin.. hindi pa ako nakakatulog.. manonood muna ako ng Doraemon at One Piece.. hehe.. daily habit na yan.. ewan ko ba 2-4 hours lang ang tulog ko.. hindi kaya magkasakit na ako nito.. natapos na lang itong paggawa ko ng blog entry ko.. wala pang dumadating ni isang morning shift.. asar talaga! pagbabatuhin ko na isa-isa mga damuhong ito.. hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
night shift din ako sa hospital...
Anonymous
July 11, 2006 at 5:36 PMI love cats...wag niyong itapon yung mga anak niya ha. Kawawa naman hehe!
jef
July 11, 2006 at 6:53 PMhehe.. ewan ko ba sa mga pusa.. anak nang anak.. nde naman kaya panagutan mga anak nya.. leche.. joke.. hehe
Jinjiruks
July 11, 2006 at 8:55 PM