Weekend Getaway

-maaga akong umuwi last Friday mga 3am.. ang dilim dilim sa SM Megamall. nakakatakot baka may multo na lumitaw.. haha.. nakauwi ako mga bandang 4.30am sa amin.


-MRT3 vs. MRT2. Unang beses kong sumakay sa MRT2 (or LRT2). Ok naman ang facilities at maraming signboard meron pa para sa PWD (Person with Disability) sign. Namangha agad ako sa aking nakita. Kaunti lang tao di tulad sa MRT3 (EDSA kasi kaya marami.. inaasahan na iyon), ok ang Ticketing system nila, nagagamit ang ticket-vending machines.. hindi tulad sa MRT3 walang kwenta, para saan pa kaya mga yan kung hindi gagamitin, nabubulok lang sya sa tabi.. sayang lang pera ng bayan na ginastos para dito; o baka naman nabulsa na rin ang iba ng ating mababait na buwaya sa gobyerno, nasa Katipunan station kasi ako sumakay kaya underground.. ganda ng area, maluwag, maliwanag; natatawa lang ako sa sign na may multa na php 50,000 pag bumaba ka sa riles, sino ba naman ang bababa eh ang taas kaya.. unless magpapakamatay ka. pagsakay mo sa loob maluwag din, unlike MRT3 na 3 separate section, isang buo lang ang MRT2 kaya pwede ka maglakad lakad.. haha.. pero mabagal ang MRT2 unlike sa may EDSA.. siguro dahil hindi naman masyado nagmamadali ang mga tao at may oras talaga bawat station. wala lang opinyon ko lang mga yan.. mas maganda ang MRT2 kaysa MRT3 kaso wala ka namang magagawa eh sa EDSA ang daan mo eh.. haha..

-Sta.Lucia Mall revisited. Na miss ko rin ang mall na ito. noong high school pa at during foundation day ng Roosevelt.. dito agad kami punta after magpapirma ng attendance.. haha.. maski naman ibang teacher namin andun din. nakakaantok kasi foundation day! naaalala ko pa yung p25 na spaghetti meal na ngayon at doble at higit pa ang price, ghostfighter the movie.. pinanood din namin, 60 pa lang ata ang ticket that time.. as usual double na ngayon! matanda na rin ang Sta. Lucia.. ilang taon na lang aayusin na yan. maraming stall ang nawala marami rin ang andyan pa. pang masa talaga ang mall na ito unlike sa katabi nya na puro students ang laman (yung Robinson's East Rizal).

-Ngayon lang din ako nakanood ng sine.. after Silent Hill.. mga isang buwan din or mahigit iyon. pinanood ko eh Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest; nagdadalawang isip nga ako eh kung ito ba papanoorin ko.. walt disney pala kaya medyo too childish cguro, pero pinanood ko pa rin.. bitin talaga! nakakainis. hehe.. ok mga battle scenes nila lalo na sa kraken.. astig warfare kahit mga cannon lang ginamit nila.. anu na kaya ang nangyari sa aso.. kinain kaya siya? namatay kaya si Jack Sparrow? nasa British East India company na ang heart ni David Jones.. sila na ba ang kokontrol sa karagatan.. daming tanong.. na baka sa susunod na taon lang natin malalaman ang kasagutan.. hehe!! pero OK yung film! magaling si Johnny Depp bilang Jack Sparrow.. nabigyan nya talaga ng buhay at justice ang character ni Jack Sparrow na napapanood lang natin sa cartoons.


-KitikiTEXT. Forwarded funny text messages na na-send lang sa akin ng mga friendly friends.
Q: Anung gulay ang maputi?
A: Eh di.. PUTI-toe
Q: Anu naman ang mas maputi sa PUTI-toe
A: Eh di.. Mash-PUTI-toe! (nakakamatay sa kakornihan! pramis!)

Q: Do you know why so many marriages do not last?
A: Because at the wedding, the bride doesn't marry the Best Man! (true.. true!)

Bakit mas masarap magmahal ang mga taong mahilig magpatawa?
1) hirit pa lang niya, panalo na!
2) lagi kayong masaya kahit problemado na!
3) magaling magdala kahit sablay na!
4) hindi ka talaga tatanda sa kakatawa..
5) kapag naging seryoso, talagang tatamaan ka!
6) sigurado malalahian ka ng matalino! hirap atang mag-isip para lang magpatawa and lastly
7) kahit sinaktan mo na, feeling mo OK lang sa kanya.. di mo alam, halos mamatay na siya kung paano niya ilalabas iyak niya!

-The Power of Make-Up

4 Reaction(s) :: Weekend Getaway

  1. Yep! pero sa IBM sa Ayala sinong guy ba yung sinasabi mo?

  2. waaa.. at d2 pa tayo nag chat.. hehe.. sa email or ym na lang.. got your yahoo id..

  3. heheh...bawal ang online chat dito sa office eh.

  4. sa tagboard na lang..