A Blue sky finally..

-paguwi ko kanina akala ko uulan na naman.. laking gulat ko.. aba.. sumisikat ang araw at nakita ko rin ang bughaw na kalangitan.. ilang araw na kasing kulay gray ang langit at maulan.. asar nga eh.. basa lagi pants ko! dapat samantalahin ng mga tao ang panahon na ito.. kasi may paparating na naman na bagyo.. at mas malakas pa kay Henry.. kaya ayusin nyo na ang bubong nyo.. mga butas pasakan na.. (haha!) mga baradong kanal at drainage ayusin na!

-hindi ako makatulog kanina.. isang oras lang tulog ko.. nakakainis.. nanood pa kasi sila ng Game KNB.. kaya maingay tuloy.. (sa baba kasi ako natutulog, mainit sa taas!) gustuhin ko naman matulog ayaw na ng katawan ko.. asar! mga OFW sa Lebanon yung napanood ko sa Wowowee.. kawawa naman sila.. yung isa hindi binibigyan ng pagkain at bilang lang daw iyon.. yung mga tira-tira imbes na ibigay na lang eh tinapon pa sa basura.. nagmumukha tuloy silang aso na namumulot sa basurahan.. anung klaseng mga tao ito.. siguro isali na lang ng mga Israeli na bombahin ang mga malulupit na amo na kagaya ng mga yan.. kahit medyo naging scripted ang show ang mahalaga eh nabigyan kahit papano ng tulong ang mga OFW na syang "Bagong Bayani" pa naman daw ng bayan.. OWWA.. asan na ang pondo sa kanila? nabulsa na naman ba? mahiya nga kayo!

-kung minamalas ka nga naman oh! pagdating ko sa office akala ko normal day (i mean night!) lang.. pagupo ko sa cubicle ko.. amf?! ayaw gumana ng monitor.. pagka diagnose ko.. eh ok naman sya.. ang may sira eh yung cpu.. asar talaga.. andun pa naman ang mga files ko.. at hindi ako nakapag back up.. last save ko sa email eh last Jun 16 pa.. ang dami nang nadagdag dun after that. kaya eto.. ulit from the scratch asar talaga.. kaya nasira siguro dahil last 2 weeks.. eh 3x nag brownout dahil malakas ang ulan.. nasira ang transformer.. kaya naapektuhan ang mga pc na nakabukas dito.. hayz.. sana maayos na bukas.. ayoko ng unit na ito..

3 Reaction(s) :: A Blue sky finally..

  1. Ahehehe bagyo nanaman... ahheehehe tsaka hahahha basa nanaman pants mo HAHAHAH! and yea your right.... pasakan na lahat ng butas hahaha... err anyway ahehehe sorry to hear that all your work was gone...

  2. wala yun kiro. ganun talaga buhay. oy yung bandang paanan ang basa hindi yung sa alam mo na. haha

  3. @ymir..
    nakakatawa lang ang fertilizer fund sa metro manila.. san kaya sila magtatanim sa EDSA?

    @mlq3
    salamat sa pagdaan sir manuel quezon III.. it's an honor!!