Lazy Sunday

Friday
  • maaga talaga akong umuwi nung Friday nang umaga.. gusto ko na kasi matulog.. pagdating sa bahay.. as usual mr.bean, doraemon at one piece, nde naman ako nakatulog din.. dali dali akong nag unli30 sa peborit kong network Smart.. ayun txt to sawa na naman.. kakulitan ko sa text si Mar-yan.. buti hindi naiinis sa mga pangaasar ko iyon..
  • pagdating ng gabi.. pinanood naman nila Maaalaala ko Kaya.. wala naman akong magagawa kahit gusto ko pa sa ch.23 na lang (Ghost Whisperer).. majority wins eh.. hehe.. isa lang ako.. amf! Piolo Pascual (woooo!, yak!), sarap pala magbaliw-baliwan hehe.. wala lang.. kahit ano pwede mo gawin.. pero may aral pa rin sa dulo.. kahanga-hanga talaga mga taong kayang ibigay ang higit pa sa kanyang mabibigay.. na kahit baliw pa eh.. may mabuti at busilak pa ring kalooban!

Saturday
  • hayz.. nagiging antukin talaga ako.. nde ko alam kung bakit.. humahaba na ang sleeping time ko.. from 3-4 hours.. nagiging 5-6 hours na sya.. syempre may interruption iyon.. maingay kasi sa amin.. pag tumahimik na.. saka naman ako matutulog ulit.. buti nga nag uulan that time.. malamig.. kung hindi.. mainit na naman ang ulo dahil nde ako nakatulog..
  • so sobrang antok ko.. nde ko na napanood yung Let's Go.. (hehe.. oo corny.. eh sa nagagandahan ako eh.. pake nyo! saka andun si junnifer!) nag alarm ako ng 4pm.. amf talaga.. nag alarm nga.. pinatay ko naman.. nakatulog ako ulit.. paggising ko.. TV Patrol na.. asar talaga.. 2 episodes na ang namimiss ko!
  • sa XXX naman sa Dos pa rin.. aba.. ginagawa palang tocino at longganisa ang double dead na baboy popularly known as "Bocha".. eh ulam pa naman namin eh tocino.. at nakain ko na.. sabi ko sa sarili ko.. hayaan mo na.. matutunaw din yan.. haha..
  • syempre tuloy pa rin ang pagiging txtus addictus nakaaka 1,500+ txt msgs na ata ako that time.. nagkakakalyo na nga ang thumb ko.. at baka bigla na lang sumabog ang cellphone ko.. over-used! haha! wala lang.. kaunti naman nag rereply.. mahirap na talaga ang buhay ngayon..
Sunday
  • nakakaantok talaga pag wala kang ginagawa sa bahay.. ayun.. buhay prinsipe.. kain, nood TV, tulog.. tapos iyon ulit.. hindi naman ako makalabas sa amin.. walang pera.. sapat lang na allowance ko sa work.. computed na kasi iyon.. ewan ko ba.. mabuti pa talaga nung college ako.. nakakailang hours pa ako sa shop.. minsan magdamagan.. at umaga na uuwi.. ngayon.. parang alipin.. pahinga mo lang mga 1 araw.. tapos trabaho na naman.. nde na ako nag eenjoy sa ganitong lifestyle.. i need a break.. a very looooong break...
  • pinaayos na rin ang ref namin sa wakas.. isang taon ring nde ginagamit.. may leak kasi at sumisingaw ang Freon.. bulok yung pinagpagawaan ni Ma.. ngayon.. inayos ulit at 3 months na warranty.. pinasakan ulit ng Freon at inalis ang tubig at oil.. ewan ko paano napunta iyon dun.. hindi ako chemist para malaman anung chemical reactions ang nangyari dyan.. hehe..
  • iniisip ko kagabi at ngayon.. kaya ako bored kasi nasa bahay lang ako.. kaya naiisipan ko na bumili or mag assemble na lang ng batotoy (yung bike).. nag txt agad ako sa friend ko.. sabi nya around 2k+ daw nung nag assemble sya.. kung yung hindi assemble daw ang bibilhin ko.. baka daw mahirapan ako maghanap ng parts dun pag nasira (made in China.. hehe).. ewan ko.. nde ko alam.. assemble ba o yung buo na ang bibilhin ko.. sabagay.. wala pa naman akong pera kaya saka na lang..
  • may OT pa ako ngayon.. ayoko nga sana.. at matutulog na lang.. nakakahiya kasi kay Tina.. dapat kahapon pa ako tumanggi eh late na nung nagtamad tamadan ako.. wala na.. andyan na yan eh.. kaya kahit tanghali umalis ako sa amin at pumasok na.. ang init pa naman.. asar..
  • ngayon pala ang registration para sa World Cyber Games na gaganapin sa Monza, Italy.. amf.. kasali pa naman last year ang ex-office mate kong si Dennis sa Need for Speed na game.. nag text ako.. kahapon at ngayon.. bale ngayong sunday eh.. 1pm daw sa SM Megamall CyberZone.. ayun.. pagpunta ko sa Mega.. punta ahad ako CyberZone.. hindi pa nagsisimula ang event.. hinanap ko si Dennis.. wala sya dun.. wala naman akong load.. kaya umalis na lang ako at diretso na dito sa office.. sana nga this time.. manalo na ang Team Philippines sa WCG06.. last year.. maganda ang finish ng team natin.. isa sa mga inaabangan in Asia daw.. sa ngayon ang Samsung palang ang sole sponsor ng Team Philippines.. sana mag sponsor din ang ibang companies dyan.. nakakainggit sa ibang bansa like Korea.. may dedicated coach talaga sila para sa gaming.. sana sa Pinas meron din.. good luck na lang sa Team Philippines!! update.. hehe.. nagiisa lang naman si Dennis sa rankings sa Need for Speed.. malamang sya na ito!
  • yess! Rank 17 ako sa World Ranking (Realm 4) ng Imperia Online.. pero pwede pa magbago.. depende yan sa military points! daming kakumpitensya haha! hopefull sa next era.. (malapit nang mag day 120) eh mataasan ko pa ang current rank ko ngayon.. day 75 na kasi ako nakasali.. mdyo nasa gitna na.

2 Reaction(s) :: Lazy Sunday

  1. Are you a fan of Ghost Whisperer too? I watch that show too! Pati Let's Go! Corny nga pero nakakatuwa kasi sila. :)

    Napanood ko din yung XXX. Nakakadiri talaga yung iniwan nila yung patay na baboy sa lapag tapos kinabukasan tinanggalan ng laman loob! Kadiri bulok na siguro yun!

  2. ghost whisperer? hindi naman masyado.. basta pag may chance at hindi sila nanonood sa dos.. nililipat ko dun.. ok nga yung let's go.. hindi ko na alam anu nangyari.. honga.. nde na ako kakain ng tocino at longanisa.. haha.. bocha bocha pala amp!