Too Much Entertainment

-maaga akong pumunta sa opis ngayon.. dpat sana eh mamayang 9pm pa!, pero mga 3pm andito na ako. wala naman kasing gagawin sa bahay. ayoko talaga ng nabuburo at walan gawin kundi kain, tulog, nood TV (typical BUM!) kaya nagpasya akong pumasok na lang. since libre ang net. ayon surf na lang.. update at magbasa ng blogs, browser games, forums.

-isa pang reason eh yung mga napapanood mo sa TV.. puro entertainment na lang, kahit saang TV station, walang pinagkaiba.. ganun lagi. hindi naman maiiwasan ang ganun.. since malaki ang kita nila dyan (marami kasing nagpapauto sa mga love teams dyan sa 2 giant network na yan, pathetic!!) pero lahat naman siguro ng sobra eh masama.. mas inaabangan ko pa eh yung mga documentaries, current affairs programs and alike. na hindi ko na nakikita ngayon dahil sa mga artista na yan.. tingnan ko nlang sino mananalo sa category na "Best Station with Balanced Programming", justified kaya na manalo ang 2 network na ito?

-although kadalasan eh ch.2 shows talaga pinapanood sa amin. mas ok pa ang ch.7 kasi maraming current affairs at informative shows sila. magagaling ang mga reporters and anchors rin nila. no wonder malaki ang lamang nila sa Mega Manila. kagabi nga.. mas minabuti ko pang manood ng Imbestigador kesa XXX.. 3 lang kasi against more than 3 episodes ni Mike. saka nakakagulat ang "alamang" na yan.. hindi mo alam ang dumi pala ng pinaggalingan nyan bago makarating sa pinggan mo. sari saring kalawang, mikrobyo at ipis na ang dumaan at dumapo sa alamang. sana isolated lang distribution nito. at sana hindi kasama doon sa pinakbet na niluto ni mama yung alamang (hindi kasi ako kumain eh.. malay ko ba dun galing iyon.. haha!!).

8 Reaction(s) :: Too Much Entertainment

  1. haha. i know that ling zhi chua yan. ewan ganyan nga ba spelling nyan. kulay red yan na capsule. hehe. lam mo bro, may pag-asa pa ang pinas. ang mali lang sa atin eh walng may gustong magsimula sa atin. nabanggit mo na mahilig ka manood ng mga current affairs. well, that's nice and good. mas namumulat tayo sa reality na hindi na pala maayos ang mundong ginagalawan natin. nakakasawa na ang manood nga mga 24 oras at tv patrol though may mga part na may matututunan. kaya lang most of the time puro celeb news. na buntis si ganito, may kaaffair so ganyan and so on. mas maganda ang mga documentaries. kaya lang masyado na syang gabi para sa maraming kabataan na hindi ko katulad na maagang natutulog. masyadong contradiciting sa time ng isang typical na buhay ng estudyante. haaay, kelangan lang natin is to be open of the reality. open our eyes para masimulan na ang sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. haay....

  2. @puccagurl
    money matters talaga.. hehe.. lahat papatulan para kumita..

    @aaronjames
    mabuti pa dati.. mas maraming time alotted sa mga docus at current affairs nde tulad ngayon.. bulok

  3. I don't eat alamang if hindi si Mama ang nagluluto hehe.

    I'm still Ch 2 though. Nakagisnan ko na eh.

  4. @jeff
    same with me.. kaso pag mga variety or other shows na nakakaburo ng utak (haha!) hindi na ako nanonood. natutulog na lang ako. at paggising ko eh anime na. (sana nga anime na lang.. wag na mga asap,sop etc haha!)

    ayoko ng alamang dati pa. dahil sa kaliskis ng hipon kahit maliit lang.

  5. hmmmm

    wow naman po... alamang

    d ako kumakain nun

    hehe

    kahit pakbet hindi

    hehe

    d ko napanood kaya d ko alam ang nangyayari dun. but abt the docu

    mas masarap ng manood ng docu kesa sa mga dramang apaka cheesy...

  6. salamat at pareho tayo ng sentimiyento zord. docu na lang kesa mga palabas na wala ka namang matututunan

  7. No comment nalang ako, Kapamilya ako eh! LOL! :)

  8. @jigs
    pareho lang naman tayo. mostly ch.2 show pinapanood ko. imbestigador at ibang anime lang pinapanood ko sa kapuso