September na naman, ilang tulog na lang at Pasko na naman, at malapit na rin ang company anniversary, i dunno kung ma-delay na naman ang celebration nila. Sa sobrang busy sa office, hindi ko namalayan almost 2 years na pala ako dito. Wala lang, hindi pa rin ako nakakahanap ng magandang job and even sa abroad, nagdadalawang isip ako, kasi first time ko kung baka sakali; baka ma "homesick" lang ako at mamiss ko mga nakagawian ko nang mga ginagawa at mga tao sa Pinas, tapos wala pang kasiguruhan. Hayz ang hirap naman, pero kelangan eh - hindi talaga sapat ang kinikita mo dito sa Pinas, kahit ilang taon kang magpaka-kuba, wala pa ring mangyayari sa iyo. Masyado atang napalayo.. hehe.. wala lang.. hanggang kelan kaya sila "happy" sa performance ko..
Nung Friday pagkasakay ko sa bus, pagdating sa Cubao may nakatabi akong magkaklase na napaka-daldal talaga.. ayoko pa naman ng maingay. Kahit sino na lang pinapansin nila, "tingnan mo iyong lalaking iyon, pa Penshoppe pang plastic bag eh ang baho naman ng kili-kili", sabi ng isa. Hindi ko na lang pinansin kasi baka nga.. haha.. then, nagkwento naman sa pinagaralan nila, "sa whole budget ng gobyerno 40% napupunta sa local, tapos hahatiin pa iyon sa 4, 20% sa baranggay, 25% sa munisipyo at probinsya at 30% sa lungsod" at least me natutunan ako kahit papano, malamang sa accountancy related ito. Maya maya pa "tingnan mo yung babae oh, siksik na. nabahuan pa ata sa katabi.." wala lang.. honga tama sila, pintas nang pintas ang dalawang ito, samantalang mas kadiri pa nga sila. Kasi habang kumakain sila ng Boy Bawang na cheese flavor, hindi man lang sinusupsop ang cheese sa kamay at basa pa ng laway nila, parang mga elementary. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag pinahid pa nila sa damit ko yang nasa kamay nila. Baka magka-rambol sa bus. hehe!
tag: September, anniversary, bus
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
LOL! Kawawa ka naman and you had to endure that kind of torture!I hate people like that!
Goodluck sa present and possibly future job mo. Sana everything works out. :)
Jigs
September 3, 2006 at 12:33 AMwaa.. jigs nde ko ata na gets ang sinasabi mong endure na yan? o.0
Jinjiruks
September 3, 2006 at 12:45 AM