kumusta!? wala naman bago ngayong araw na ito. parang karaniwang panahon lang. ilang araw na lang pasko na. at malamig na talaga ang panahon. kanina sa dyip ginaw na ginaw talaga ako lalo na't mahangin at mabilis pa magpatakbo si manong. next week dayshift na ang kasama ko rito (si Chun-Yang..) lilipat na sya ng division. sa Biyernes eh baka mag-aaply ako sa isang BPO company rin. kakabukas lang nya mga 4 months palang daw. nakakainis lang formal attire eh BPO lang naman. ewan ko nga ba. taob pa ang call center. eh ayoko pa naman magsusu-suot ng mga ganun. sana nga matuloy ito kasi pag naunahan na naman ako ng katamaran eh hindi ko na naman puntahan. kanina 2 hours lang ang tulog ko. nagbantay kasi ako ng tindahan. may sakit si mama kaya nakahiga lang dun. buti dumating na yung mga kapatid ko at nakaidlip muna ako ng sandali. kanina sumakay ako ng MRT papuntang Ortigas. aba asenso. may "sounds" na siya na parang patok na jeep. kaya lang nakaka-umay ang mga kanta mga jukebox. *yawn*.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang tanda mo na talaga.
posterized yung picture.
o solarized?
haha.
parang ginamitan ng old newspaper effect.
haha.
Anonymous
September 26, 2006 at 2:04 AMorig yan. lol. hindi black and white.
Anonymous
September 26, 2006 at 3:51 AMhmm...good luck sa interview. sana nga makapunta ka.
Anonymous
September 26, 2006 at 5:49 PMhaha. sana nga ms.mara. ewan ko anung meron sa TV na yan.
Anonymous
September 26, 2006 at 11:20 PMNaku, good luck sa iyo.
Hahaha! Uy, meron din akong picture na nasa TV ako. Although, hindi nga lang nakapatong, pero malapit ako sa TV. Haha.
Wala lang. :P
Anonymous
September 26, 2006 at 11:48 PMsi ymir at jeff kasi. may baby pic sa blog nila. aba inggit ako. dapat ako din. wahaha!
Anonymous
September 27, 2006 at 12:05 AMnakakatamad na talaga minsan ymir. pag ilang taon mo nang ginagawa ang parehong trabaho. walang growth.
Anonymous
September 27, 2006 at 8:55 PM