tuwing darating na lang ang araw ng sweldo, iba't ibang emosyon nararanas ko. masaya dahil syempre pera yan eh, anu pa ba ang nagmo-motivate sa isang tao para mag trabaho kundi para kumita. then at the same time, buntong hininga naman kasi dadaan lang sa kamay mo ang pinaghirapan mo. daming gastos sa bahay. sa ngayon kasi ako lang nag may trabaho sa amin. si papa nag resign sa trabaho kasi maliit lang ang sweldo, balak nga nya mag abroad ulit; yung isa ko namang kapatid eh kakapasok lang din sa trabaho nya (contractual..), kaya ayun.. pasan ko ang daigdig.. sa totoo lang parang na ngang "border" ang tingin ko sa sarili ko sa amin. paano kasi pati yung mga pagkain sa tindahan kahit sa amin.. aba kelangan bilin ko pa. lupit talaga.. hehe! kakain, papasok, uuwi, matutulog at papasok ulit. typical routine ng isang border. nde na nga ako nakakaipon ng pera. me gusto akong bilin nde ko mabili. naasar talaga ako. pero anu magagawa ko. mas importante ang pamilya kesa sa ibang bagay.
tag: house, border, salary, family
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May nakalimutan ka sa routine mo: kakain, papasok, (magboblog), uuwi, matutulog at papasok ulit.
Ganyan talaga ang buhay at pagtanda. Pero lucky family mo kasi priority mo sila. Nawa'y naaappreciate nila and ginagawa mo.
Nga pala, na-tag kita ha. hehe. sa Tuesday post ko. :)
Alternati
September 19, 2006 at 11:16 PMOh, nakaka-relate ako sa post mo na ito. Hindi gaanong malaki ang sahod ng aking ama, ang aking kapatid naman ay nasa ibang bansa nga, pero hindi naman siya ganun kadalas magpadala. (Don't ask!)
So, yung aking pinagpupuyatan at pinagbubuhusan ko ng oras ay napupunta lahat sa mga gastusin sa bahay.
Nakaka-asar, pero wala naman akong choice. :(
Anonymous
September 19, 2006 at 11:22 PM@alternati
lol. blogging. hehe. waaa. tag saan. huhu.
@jhed
yeah, nakakaasar dahil wala kang magawa at walang alternatives.
Anonymous
September 20, 2006 at 4:08 AMaba nmn ganyan ang life..hahahah ako nga nwaln ng 500 eh..(eh anong konek??) heheheh yaan mo na, wag n ikaw magreklamo..isipin mo n lng n u r doing dat kc mahal mo sila which is true nmn di ba?? pingpapala ni God ang mga mababait.. tulad natin!! hahaha
keem
September 20, 2006 at 5:19 PMwell, responsibilidad. hay, sana bata ulit tayo para ala tayo niyan. kaya lang, that's life.
Anonymous
September 20, 2006 at 6:06 PMahehe, anu po work nyo?? :)
Anonymous
September 20, 2006 at 7:39 PMsalamat ulet sa mga nag komento. ok lang iyon. ganun talaga ang buhay. dapat suklian natin mga taon ng paghihirap sa pagpapalaki sa atin.
Anonymous
September 20, 2006 at 9:17 PMtama ka dun ymir. salamat sa koment.
Anonymous
September 24, 2006 at 1:56 PM