it's friday again, finally makakapag pahinga na ako. kaunting tulog lang then me pupuntahan naman. raraket na naman ako ng ibang business para kumita. kahapon muntik na akong lagnatin dahil nagpaulan ako. buti na lang naagapan ng gamot. inaantay ko ngayon ang open beta launch ng piratekingonline.com - bagong mmorpg na naman na parang trickster. wala lang. since im a one piece fan. i would like to give it a try.
OT na naman ako whole sunday. oh may gad. suicide na ata itong gagawin ko. then sunday night regular work. 24 hours. kakayanin ko kaya? kelangang bumawi sa sabado. matulog nang buong araw. pero imposible manonood pa ako ng inu-yasha. then hindi na naman ako makakatulog kasi maingay at mainit sa amin. yung perang pang allowance ko pinahiram ko pa kay mama. hay naku. wala na talagang nangyayari sa buhay ko. hindi na ako nakaipon ng pera. may gusto kang bilin hindi mo magawa. ewan ko. si ryan (ex-officemate) me work na pala at niyaya nya si chun-yang (kasama ko sa night shift.. iyon lang tawag namin sa kanya, pero hindi naman nya kamukha), may exam sya ngayon; paguwi nito sa kanila tiyak bagsak agad sa sofa. susubukan ko na ring mag apply doon.
hindi na kasi ako nag-eenjoy dito sa ginagawa ko, monotonous.. nakakasawa na ang work dito; siguro hindi ito ang trabaho na nababagay sa akin. gusto ko kasi yung nag eenjoy ako sa work para ibigay ko ang 120% ng aking lakas at dedikasyon. sa ngayon hindi ko pa sya nakikita. ewan ko. kung mag aabroad ba ako. si ate lea (ex-officemate sa unang job ko) inaantay ko para may kasabay naman ako kahit papano. baka kasi mawala ako.. hehe. pasensya na kung halo halo ang blog entry ko. sinusulat ko lang kasi kung anu ang pumasok sa isipan ko ngayon.. napakatahimik dito sa office. parang sementeryo na nga eh. mistulang mga patay mga buhay dito. isa na ako roon. wala kasing music. hehe. amf. kasi naka Linux kami at naka disable ang media. ayoko naman gumamit ng mp3 player or cd-man, gusto ko kasi streaming music from the net.
hay buhay. ganyan talaga. pag ganitong marami akong iniisip na probelma. naaalala ko lang mga ka-barkada ko nung kolehiyo. wala lang. masaya sila kasama. nakakalimutan mo ang pagod at problema. puro tawanan at biruan. na mi-miss ko tuloy sila. almost a year na rin na hindi ko nakikita ang iba sa amin. yung isa nasa US daw. iyon naman 4 years ko nang nde nakikita. ano na kata itsura nya. mataba na siguro. panay kain daw. iyon ang balita. gagawa ka ng reunion wala namang pupunta. puro "drawing" lang ang nangyayari. sa susunod na lang ulit..
tag: personal, life, thoughts
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hay, buhay. ganyan siguro talaga kapag bored ka sa trabaho mo. lalo na sa buhay mo. ganyan din kasi pinsan ko, yan din inuungot niya, eh, wla naman akong ibang masabi kasi nga, di ko talaga alam. basta sabi ko sa kanya, maghanap na lang siya ng ibang outlet. para sa akin, ganun.
Anonymous
September 22, 2006 at 8:20 PMhonga yna. outlet lang talaga. almost 7 days akong nag tratrabaho.
Anonymous
September 23, 2006 at 12:26 AMTama nga kayo ni Yna, you need and ice breaker from that monotony in your work.
Dont you have anything else which sparks your attention so that you can divert from your work.
Jigs
September 23, 2006 at 7:53 AMWAHHH buti ka pa may panahon maglaro! GRRRR gusto ko maglaro ng trickster... kase na hack nga ang maplestory ko! Inis na inis ako talaga di ko na sya ma-access... yea anyway bakit ka naman nagpaulan? Magkakasakit ka nga talaga! wala lang... work work work at kumita ng pera!! woot! AHEHEHE
Kiro
September 23, 2006 at 9:21 AMwow
cartoon adik ka rin pala
and about sa work
ganun tlga...
minsan kelngan kumayod?
hindi ba?
wkekeke
zeus-zord
September 23, 2006 at 2:45 PMaww... sabi sa book na "being happy" ndi raw ung work ang problema kundi ung tao mismo... Parang dapat ikaw ang magbago para maging interesante ang trabaho. Pero ang hirap sabihin nun kc naiintindihan ko ung nararamdaman mu po. Sana makaraos kau sa sikip ng schedule nu ngayon =) tas palagay ko tama lang ung paglalaro mo ng mmorpg bilang stress reliever =)
A.Fuentes
September 23, 2006 at 3:07 PMsalamat sa mga comments guys. video games na nga lang ang stress reliever ko. kesa naman drugs at iba pang bisyo. mas ok na ito.
Anonymous
September 24, 2006 at 8:18 AM