Isang tula para sa iniirog..

nakita ko lang itong piece na ito sa notebook ng kapatid ko.. aba makata ata sya ngayon.. lagot ako nito pag nabasa nya itong ginawa nyang tula..


Sa aking anghel

Isang dalisay na umaga
ikaw ay aking nasilayan
banaag sa aking mga mata
ang tunay na kasiyahan

Dagli akong nabighani
sa ankin mong kagandahan
wari bang isang anghel
na nagmula sa kalangitan

Mat bumulong sa aking isipan
na ang anghel ay lapitan
subalit may pumipigil sa akin
isang emosyon na diko malaman

Ano ba ito? tanong ng puso ko
siguro may takot lang ako
takot na ang anghel ay di ako pansinin
at kalungkutan ang aking sapitin

Ganito ba talaga ang pakiramdam
'pag di mo maintindihan?
pag-ibig kaya o pag-hanga
hay.. di ko alam

Sana kung meron mang makakaalam
sa akin sana inyong ipaalam
o pag-ibig ba..
o sadyang paghanga lamang

9 Reaction(s) :: Isang tula para sa iniirog..

  1. Poetry in tagalog. I find it impossible to make one. Galing nya, how old is your kapatid?

  2. two years older ako.. bale 22 sya.. nakatago lang ito sa notebook nya. malamang mga 2 years na itong note na ito.

  3. Pwede mo nang gamitin kung sa sino man naibabaling ang atensiyon mo hehehe :-)

  4. nice poem. try mo kayang sabihin yan sa kung sino mang sinisinta mo.naks makata na to ah.fishball

  5. hahaha.. ansama mong kapatid!

    Lagot ka pag nabasa to ng kapatid mo and even worse, what if nabasa to ng naginspire sa kapatid mong isulat to.

    Your future sibling's punishment aside... Nice poem!

  6. You are SOOOO mean. Median and Mode.

    Hahaha.

    BTW.. the poem's so cute. Very sincere.

    Ouch man, ouch~!

    *seizures

  7. sana nga hindi nya ito makita. hindi naman mahilig sa net iyon. kaya ok lang. hahanap pa ako. maraming sulat dito eh. *grins

  8. waa bad nga yang ginawa mo! Pero ang ganda nmn ng tula niya. =)

    "Sana kung meron mang makakaalam sa akin sana inyong ipaalam
    o pag-ibig ba..
    o sadyang paghanga lamang"

    palagay ko siya lang ang makakasagot niyan =)

  9. hehe.. yaan mo na adrian.. bahala na