Office.. Alone

waa.. mag-isa lang ako ngayon sa office! wala akong kasama dito. punta naman kayo. joke! kanina inaantay ko pa si chun-yang na pumasok, 10pm na bakit wala pa siya. Pagkatingin ko sa cell ko, may nag text galing sa kanya, hindi daw sya makakapasok. amp. naman. nakakainis. ganito pala pakiramdam ng nag-iisa. huhu. pero honestly nakakalungkot pala ang mag-isa. lagi akong nagtatapang-tapangan na "kaya ko naman mabuhay nang mag-isa" i mean not the thing na bubukod na ako sa amin. emotionally speaking, mahirap pala. nung elementary hanggang college nasanay ako na andyan lagi ang mga ka-berks ko, sa kulitan, sa saya, sa lungkot, sa pagiging pasaway, sa mga lakad. Ngayon mag-isa na lang ako naglalakad. Nami-miss ko na talaga ang mga panahon na iyon. Oo nga may mga ka office mate ka, pero iba naman talaga ang mga kabarkada kesa dito, hindi ganun kalalim ang ugnayan ng magkaka-office mate.

ayoko na rin minsan magtrabaho, mahirap kasi na hindi ka naman masaya sa work mo at hindi mo binibigay ang lahat. wala ang passion ko sa work ko ngayon. hindi ako nag-eenjoy. trabaho lang para kumita ng pera. iniisip ko na nga na mag business na lang. syempre ang patok ngayon "internet cafe.." baka mamaya makita nyo na lang ako sa TV. kasama si Bam Aquino sa PLDT TV ads. haha. pero sa totoo lang.. since mahilig talaga ako sa mga online games at nawawala ang stress ko at andito ang passion ko.. eh eto talaga ang plano ko.. makapag ipon (sana!) o kaya maka-utang na lang ng capital para sa business para makapagsimula na. kaso andaming kelangang isipin. kagaya ng pag renta sa pwesto, buwanang gastos sa tubig, kuryente at internet. hay buhay. hahanap muna ako ng business partner para dito at mag research pa ako sa business.



tag: , , , ,

6 Reaction(s) :: Office.. Alone

  1. iba talga pag kasama mo ang mga tropa mo..

    dabest..nakakrelate ako sa kuwento mo

  2. tama, iba talaga ang mga HS/college prends. d best talaga n ndi kau mawalan ng contact para paminsan-minsan ma-reminisce ang saya =)

  3. Need a break from today?

    Buti na lang may NOSTALGIA MANILA!

    http://nostalgiamanila.blogspot.com/

    Maraming Salamat!

  4. salamat sa mga nag komento. ^^ nakaka-miss ang buhay palamunin. haha.

  5. i guess, you should go where your heart is. mas maganda naman yon kesa naman ipilit mo sa sarili mo yung ayaw mo.

  6. so true ms. yna. sana nga..