Perwisyo ni Milenyo

hindi ko na kelangan i-kwento pa sa inyo dahil malamang eh naranasan nyo rin ang bagsik ng bagyong Milenyo na nagdulot ng delubyo sa kalakhang Maynila. kahit wala kami sa Metro Manila eh ramdam naman ang kanyang bagsik. nagbagsakan mga puno at poste sa lugar namin na nagdulot ng perwisyong brownout na tumagal ng 2 araw sa aming lugar (sabado ng umaga na nakabalik ang kuryente sa aming lugar, buti na lang at nasa central/east area kami at hindi south na last priority ng Meralco). sayang din ang 1 araw na hindi ko ipinasok, pero pasalamat ako hindi ako isa sa mga na stranded sa work (huwebes ng umaga na kasi ako nakauwi at bandang tanghali dumaan ang bagyo..)

pero may mabuti daw naidulot ang bagyong Milenyo..
1) kahit papano eh napuksa at naanod ang mga larva ng lamok na nagdadala ng dengue o malaria.
2) bumaba daw ang crime rate kasi walang gustong magnakaw at manghold-up dahil baka tangayin sila ng hangin at hampasin ng mga lumilipad na billboard at mga yero
3) ang mga basura sa mga estero naitaboy kaya naman eh malayang nakakadaloy na ngayon ang tubig sa mga lugar na ito.



tag: , ,

3 Reaction(s) :: Perwisyo ni Milenyo

  1. Sa tingin ko madaming mapapagkwentuhan ang mga tao ngayon sa mga nangyari habang me bagyo.

    Buti naman meron ding mabuting naidulot ang bagyong ito kahit papano.

  2. back from down under.

    buti nga, eh. andaming nakapagbakasyon ng di oras.

    yiki.

  3. yeah ymir. last priority ata ang south sector. nung nag 100 percent na sa north at central.. 50% palang ata sa area nyo. dahil sa bagyo at brownout naging malapit ang mga tao sa pakikipagkwentuhan at pahinga.