What a Bad Day

habang sinusulat ko ang blog entry na ito eh nagpapatuyo pa ako ng pantalon at sapatos.. amp na buhay talaga yan oh.. maaga akong pumasok para sa overtime work ko kaninang mga 6.30pm, nakita ko nga si Yus at sinabi nyang aayusin daw ang net connection sa office (paputol putol kasi ang connection ng Internet sa office.. mga isang linggo na). akala naman namin eh sandali lang iyon at magaantay lang kami ng mga isang oras. Iyon pala eh 24 hours pa daw ang titingnan nila. huwat! bweset! up to 7.00am pa naman OT ko sana.. tumawag boss namin at sinabing umuwi na lang daw kami dahil medyo matatagalan pa nga daw. sayang lang talaga ang ipanasok ko, ang pamasahe ko at ang effort na pumunta kahit araw ng pahinga.

then nung nasa Megamall na kami ng ka office mate ko para umuwi tumawag naman si Yus, unli ako kaya nagtext pa ako kung sino may extra load.. iyon pala eh gustong pabantayan sa amin ang office pero biglang nagbago ng isip at huwag na lang daw. naaasar na talaga ako, akala ko p naman pababalikin kami at ayos na. then dumating ang malakas na ulan. kung saan eh anung oras na ako nakasakay. mga 8.30pm na iyon, then NAPAKABAGAL ng usad ng mga sasakyan sa EDSA.. lagi na lang tuwing umuulan.. biro mo mga 10.30pm na ako nakarating sa may Litex.. at pagdating naman doon, WALA RING SASAKYAN.. kaya nag-antay ulit, mga 11.15pm na ako nakasakay ng jeep. basa talaga ang pantalon at sapatos ko. yung sa pantalon. amp talaga yung katabi ko sa bus. basa pala at dumikit pa sa akin. minabuti ko na lang na mag net na lang dito sa computer shop ng ka-berks ko at magpapaumaga na lang sa pag-uwi mamaya. sa susunod talaga, hindi na ako mag OT kapag may problema sa office..

3 Reaction(s) :: What a Bad Day

  1. well. tinamaan ka lang ng kamalasan, tol. just view the positive side of it. mahirap maaan. :D

    http://vindication.wordpress.com

    ako rin, ASAR sa traffic. sa bagay, sino ba namang hinde.

    aba, ang gulo rin ata ng boss mo! Pababalikin ka, tapos hindi na lang daw. Duh!!!!

  2. Langya ang nangyari sayo ah! Yun ang nakakainis di ba? They did not consider your effort just to show up in the office.

    Well, lahat tayo nangyayari ang ganyang bagay :-(

  3. tito jin. uwian ka ba hanggang rizal? ahehe. malayo kasi un ng kaunti. hassle sa byahe. dapat may pocket book na dala. mga tuesdays with morrie ba o kaya mga fictional. kahit ano. hehe. madalas ka ba sa megamall tito? pinuntahan ko ung megatrade1 eh sarado. un naglibot na lang ako. haha. wag ka magpapabasa sa ulan. dapat may payong ka lagi. hehe. hassle lang dalin kahit folded type. Goodluck saten. :)

    http://ja-mezz.blogspot.com

    di ako makapgpost ng comment by name. nahihirapan ako. kaya ganito na lang