Bisita sa wawa

masakit pa rin ang hita ko sa ngayon. kakalakad kahapon. sa loob ng 20 years na pagtira ko sa montalban, hindi pa talaga ako nakakapunta sa wawa dam (official seal ng town namin at tourist attraction lalo na ang Pamitinan Cave), kahapon eh nde naman talaga ako pumunta dun. medyo malapit lang nang kaunti sa bandang ilog. para akong inosente talaga na nde pa nakakalapit sa isang ilog. wala lang. buti nga nde malalim, nde pa naman ako marunong lumangoy. kaya naglalakad lakad lang. inakyat rin namin ang parang "irrigation bridge" since mataas ang palayan.. kelangan ng parang tulay.. i dunno kung aqueduct iyon.. nakakalula pala kaya ako naman napayuko nlang maglakad at tumingin lang sa dinadaanan ko.. yung kasama ko may bitbit na aso at malikot. kinakabahan kami na baka mahulog ang aso. buti naman hindi kahit medyo nalulula na rin sya. last month kasi nag trip mga kakilala ko dito at talagang binaybay ang path ng ilog papunta sa itaas. marami pa namang NPA dito. akala nila walang mga naninirahan sa lugar na pinuntahan nila. bukod sa malayo sa civilization eh masukal pa. nag kwento pa nga sila kung paano nila dinadala ang mga gulay na tanim nila. may malaking gulong sila at dun pinapasok ang mga paninda. nagpapatianod sila sa ilog sakay ng gulong. at hinayaan nlang nilang tangayain sila ng agos para makarating sa kapatagan. pwede kraw mamitas nlang ng gulay doon. at kung bebenta eh mura lang.. yung talong 20/kilo lang.. sa palengke 60/kilo. ang laking tipid. kaya nman sa susunod na pagpunta nila roon at nag trip sila eh gusto ko nang makasama. ang gulo ng kwento ko.. hehe.

4 Reaction(s) :: Bisita sa wawa

  1. welcome back kuya jin!

  2. hehe. tito jin, mukha ngang exciting eh. sarap ung ganyang mga lakad. very refreshing. :) welcome back! :)

  3. ui welcome back mula sa pagkakatulog mo.

    magulo nga, nagunaw na nga ang mundo ko sa kakaintindi eh.

  4. HA? NATULOG BA AKO!