ang bus!
gandang umaga ulit sa lahat. wala pa ring bago nasa karaniwang panahon pa rin tayo. wala pa namang malaking sakunang nangyayari. wala pa ring pinagbago ang mga balita. kaninang umaga napansin ko aba iba na naman ang design ng Jell Transit (bus), kagaya ng Mafel at Gasat Express. mabuti naman at bago na at hindi na mga bulok ang mga bus sa EDSA. one time kasi nung night shift pa ako at pauwi na nang umaga nakasakay ako sa bus na sira sira ang upuan at labas na ang styro. halatang pabaya at walang balak ayusin. sa totoo lang kung pagsakay sa bus ang paguusapan. mapili talaga ako, umaabot ng isang oras bago ako makasakay. kasi nga ayoko ng masikip, gusto ko kahoy ang likuran at hindi plastic at yung tipong titigil sa harap ko at hindi na kelangan pang habulin. mga sinasakyan ko lang na mga bus ngayon eh ung Jell, Renan, Gasat at Mafel kasi ok yung mga bus nila. ewan ko ba naiinis talaga ako sa sarili ko bakit ganun ang paguugali ko. na trauma na siguro sa pagtayo, mga sira-sirang upuan. hehe!
by
Jinjiruks
November 15, 2006
8:01 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hmm..call me maselan or maarte pero i want kasi ung di rin ako maaabala pagsakay ko. and since magbabayad din naman ako ng accdg sa fare rate eh di duon na ako sa mas magiging comfortable ako sa pagsakay. hehe. un lang. same here tito jin! nagbigay na ako ng testimonial. :)
Anonymous
November 15, 2006 at 5:09 PMako naman..
kung anong meron dun ako para mapabilis.
Anonymous
November 15, 2006 at 5:18 PMsalamat sa mga nag komento po!
Jinjiruks
July 23, 2010 at 3:26 AM