kumusta ulit. malamang kaya nakakapag blog ako eh may OT ako ngayon, sayang nga at hindi ko mapapanood sa TV ang laban nina Pacquiao at Morales. pero tanghali pa naman ata iyon. may pa 9 am pang sinasabi. oo 9 am nga. ang simula ng boxing event syempre lalaban muna yung ibang undercards bago ang main event, ayon nga sa isang article mula sa HBO..
When Pacquiao fought Erik Morales for the second time last January, this is what happened in the Philippines:
- Police reported a crime rate of nearly zero in major Filipino cities during the hours leading up to the fight and after.
- Normally congested streets in every city in the country were deserted.
- Politicians who rarely agree on anything, sat side-by-side with adversaries in movie theatres across the country to watch the fight broadcast.
- On free TV, the Filipino network which aired the bout broke all existing national records, with virtually 100 per cent of the country's TVs tuned in.
kung araw araw nga lang na pwedeng lumaban sa Pacman, laging "normal" ang Pilipinas lagi, minsan iniisip ko. bakit kelangan tuwing laban lang ni Pacman tayo nagkakaisa. hindi ba pwede kahit wala siyang laban eh magkaisa tayo at kalimutan na ang masyadong pamumulitika at pansariling interest lang. Bayan Muna bago Sarili. hindi ko na napapansin sa atin ang katagang ito. sana man lang eh makabangon na tayo mula sa ating pagkakalugmok at gawing inspirasyon si Pacman para sa seryosong pagbabago tungo sa kaunlaran. Bow!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hilarious but true.
Had the same article, too. I agree.
Now Pacquiao is more ideal to be an icon of Filipino unity.
Anonymous
November 20, 2006 at 2:23 AMSO TRU!
Jinjiruks
July 23, 2010 at 3:20 AM