Kaya ayoko mag-Cubao
kanina late na ako nakaalis sa amin. kumain pa kasi ako ng breakfast at nagbaon pa ako ngayon. wala akong choice kanina kung anu na lang ang muna either Philcoa or Cubao na FX/Jeep. ayun Tuazon (Cubao) FX ang nasakyan ko kanina, yung driver kaskasero pa parang jeepney driver; kinaiinisan ko pa imbes na lumiko na sya sa may Katipunan-Aurora interchange eh dumiretso pa sya at dumaan sa Project 4, syempre nde naman ako gala at medyo nag-alala, kung dadaan kaya ito ng Cubao o nde, imbes na sa MRT kami binaba sa may Ali Mall pa (kaya nga nag FX eh para kaunting lakad lang, parang sumakay rin ako ng jeep kakalakad), pagdating sa MRT (6.30am na iyon) ang dami nang tao, as usual puno na naman at nakisiksik na parang sardinas na naman. kaya talaga ayaw na ayaw ko maglalalagi dyan sa area na iyan; bukod sa polluted pa eh dami daming tao. wala lang daily rant lang.
by
Jinjiruks
December 6, 2006
7:21 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
aaww!!! oh well ganyan talga ang buhay cubao!!! sigh sigh!!! saklap!!
keem
December 6, 2006 at 7:35 PMnext time bro, kung maaga-aga ka pa, bakit hindi mo try sumakay papuntang sm north. tapos syempre MRT North Av station. unang stasyon! dun makakasakay ka ng maluwag, hintayin mong ikaw ang masiksik. hehe =)
Anonymous
December 6, 2006 at 11:52 PMmas okey na iyon marunong mag-commute kaysa sa hindi..kaso hassle lang dun yung makipagsiksikan minsan..kasi meron mandurukot minsan..haha...
ingat poh...
Anonymous
December 7, 2006 at 1:16 PMganun?
bumyahe ka na lang kaya nang mas maaga-aga para mas masaya.
Anonymous
December 7, 2006 at 5:23 PMbakit ako 7am sa mrt cubao madalas sakto empty train nadadatnan ko kaya lahat ng pasahero pasok agad :D swertihan lang siguro.. and btw bakit bumaba ka ng Ali Mall dapat di ka bumaba dederetso ng edsa yun.. pag may bumaba wag ka muna baba.. ang layo ng nilakad mo T_T
Cy
December 8, 2006 at 2:39 AMah ewan. buti kanina bumawi sila. at sa may MRT ako binaba.
Jinjiruks
December 8, 2006 at 6:52 AM