Moving on..

kumusta ulit sa inyo. sensya at hindi masyado updated ang blog ko. busy kasi lagi at walang masingitan ng oras. kaya naiintindihan ko kaya hindi nyo rin minsan nabibisita ang blog ko. kahapon habang nasa practice kami ng presentation namin para sa xmas party eh nakatanggap ako ng tawag mula sa company na pinag-exam ko. kung pwede na ba daw ako mag start sa Lunes. binigyan na ako ng job offer. i was caught by surprise. napaaga kasi ang tawag nila imbes na last week of December to first week of January daw sila tatawag. bigla tuloy ako napagisip, bakit ang bilis naman; alanganin naman kasi 2nd week na ang xmas party at usually 1-2 weeks ang notice upon resignation. hay buhay. kelangan mamili na naman ako, isang give up at isang kukunin. mahigit 2 taon na rin ako sa company ko ngayon, siguro its time for career shift, since nag eenjoy naman talaga ako sa gaming at dito ang passion ko, dito ako masaya, dito ako nag eenjoy, dito stress reliever ko, eh desidido na ako na lumipat na sa isang gaming company. saka ko na itutuloy.. ang dami kong iniisip ngayon..


ika nga ni William James..
"He who refuses to embrace a unique opportunity loses the prize as surely as if he had failed."

3 Reaction(s) :: Moving on..

  1. AMEN sa quotation na napili mo. i think you should follow it. Specially if it will make you feel more passion for what you will be doing almost everyday. Goodluck with your decision.

  2. Dinalaw kita. Kaso natutulog ka. Astral projection nga lang...

    -------

    Follow where your heart is. Unless you talk about 'cash'. Loko lang. Pagnilaynilayan mo yan nang maigi.

  3. salamat sa mga nag komento!