Lagi kong iniisip sa sarili ko bakit parang hindi ako kumpleto. anu ba ang kulang sa akin bakit hindi ako masaya ngayon. everytime na tumitingin ako sa picture gallery section ng frenster, nalulungkot nlang ako bigla kasi parang ako lang ang hindi masaya at nag iisa lang habang ang mga tinitingnan kong mga picture ang sasaya nila; parang walang problema. naiisip ko nlang sa sarili ko kelan kaya mangyayari sa akin ang ganitong eksena. yung totoong masaya talaga ako, yung walang iniisip na problema. tumatanda kasi akong parang walang nangyayari sa akin. hindi ko alam worth ba ang aking existence dito sa mundo. parang walang nagpapahalaga sa akin, walang nagmamahal, parang ang lamig lamig.. walang kayakap sa malamig na disyerto. nag sesenti lang siguro ako pero lagi kong naiisip mga ganitong bagay pag nakakakita rin ako ng mag syota. inggit na inggit ako sa kanila, may PDA pa nga dyan. hindi ko alam kung bakit hirap akong makahanap nang para sa akin, wala naman akong standards na binibigay, simpleng tao lang ako. pag nakikita ko sina RJ at Yeng (Pinoy Dream Academy scholars - kapamilya po ako!) na naghaharutan, natutuwa ako sa kanila.. at iniisip ko sana ganyan din ako sa magiging would-be partner ko. sigh. kelan ka ba darating sa buhay ko? pagod na ako kakahanap, Lord magpakita ka naman ng sign na sya na nga ang para sa akin (super korni itong entry na ito. ewan ko ba. hindi lang talaga ako sanay gawing public mga nasasaloob ko, pero kelangan kong ilabas eh. masyado nang mabigat sa loob)
Just leave me in the rain
My life is in the drain
I"ll seek your love forever
I beg not a different game
I"ll never be a man
Embrace me as i am
Make me alive
Make me suffer
Make me feel
Cguro kelangan mo lang imulat ang mga mata mo...O kaya naman take the initiative if u like someone. I have been sharing the same sentiments with you, either personally or lately, sa text. sabi nila darating yan, hindi hinahanap. Pero wala din mangyayari kung nasa isang tabi ka lang. Minsan, dulo lang ng bahaghari ang pinapakita seo. Kelangan mong sundan. Kung pinalampas mo ito, minsan mahirap na ulit hanapin. Maghihintay ka nanaman ulit ng ulan.. Pero sige, minsan magpaulan ka, Baka un ang paraan to wash away the pain and make u see that after the rain, sisikat ulit ang araw. :)
Good luck sa ating search for love and happiness! Am always here as a friend :)
Anonymous
December 11, 2006 at 1:14 PMpareho lang tayo squidball.kung sino pa ang nagmamahal ng totoo sya pa ang iniiwan.wait mo lang yan at darating din yan malay mo andyan lang sya sa tabi-tabi kso kaw lang ang di nakakaramdam manhid ka kasi eh hehe..kung di ka man masaya ngayon like me okay lang yun malay mo sinusubukan ka lang ni lord kung hanggang saan ang kaya mo.basta wait ka lang.okei.wala ka mang lovelife ngayon atleast may job ka naman.baka pinag-iipon ka lang ni lord for your future.
Anonymous
December 11, 2006 at 2:01 PMsame here. welcome to SMP (samahang malamig ang pasko)
deejayz
December 11, 2006 at 2:29 PMnakakatuwa ka naman.
:)
haay buhay.
wag kang magalala dahil marami ang ganyan.
empty.
baka naman kasi midlife crisis na yan?
charing.
:)
wag mo na antayin yan dumating.
baka naman kasi nasa bahay ka lang kaya hindi mo makita ang 'the one'
dabah?
Anonymous
December 12, 2006 at 4:51 AMHappiness is a choice that requires effort at times. ~Anon
I guess everyone of us has a "down time" and it's hard to be in that situation. But, you can choose to get out of it. Sometimes, feeling natin nag-iisa tayo yun pala we are just separating ourselves from happiness. Like what I've told you before, kung naaalala mo pa, "andami nating issues". Get rid of those issues or excess baggage.
Sometimes, life just wanted us to realize some things kaya kinakailangan nating ma-feel ang kalungkutan. But life never tells us to stay unhappy because life is meant to be happy. Don't deny happiness. EMBRACE IT!
Wag kang mag-alala, signs are everywhere. Sa ngayon baka di pa masyadong malinaw ang lahat sa iyo. Kung dumating ang pagmamahal sa iyo it is never too late. Right timing yan palagi.
Maniwala ka. Kung nakita mo ang sign, explore mo tapos kung hindi nagtagumpay, say NEXT :)
God be with you. :) Always and always.
Cryrzer
Anonymous
December 14, 2006 at 1:52 PMpareho tayo. tuwing tumitingin din ako ng picture lagi kong natatanong sarili ko kung bakit ang sasaya ng nila ako parang hindi. hehehhe
Anonymous
December 16, 2006 at 11:38 PM